Eric Salvez‘s POV
Hays kapagod talaga. Kaninang umaga pa ako nandito sa studio. Inayos ko kasi ‘yong mga gagamitin namin bukas para sa fashion show. Buti na lang at nandito sina Ms. Vivian at Fafa Franz. Kung wala siguro sila dito baka nakalabas na ang dila ko sa sobrang pagod ko. Hays.
Tapos na ang practice at sobrang pagod kaming lahat maliban kanila Ms. Vivian at Franz. Ako lang naman kasi ang nagturo sa gagawin ng mga models bukas. Sina Ms. Vivian at Franz ay nanuod lang.
Napagdesisyunan namin na mag-inuman muna dito sa studio since tapos na rin naman ang practice. Habang umiinom kami ay nagpaalam si Leah na mag C-CR daw.
Nagpatuloy lang kami sa pag-inom. Medyo nahihilo na rin ako. Iba nga ‘yung feeling eh. Parang kakaiba ang iniinom namin ngayon. Nakakapagtaka na parang ang bilis kong mahilo. ‘Di naman kasi ako madaling malasing.
Habang umiinom kami ay biglang dumating si Sean. Nagulat nga ako dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot. Psh.
“Hi.”
Nginitian namin siya ni Ms. Vivian. Maliban kay Franz. Alam ko kasing may gusto si Franz kay Leah. Eh tanga lang talaga si Leah hindi niya alam na ang matagal na niyang crush eh may gusto din sa kanya.
“Hello,” halata mo sa boses ko na lasing na ako. Nginitian ko si Sean. Infairness ang cute niya talaga. Ang swerte talaga ni Leah, may dalawa siyang menchus.
“Si Leah?” tanong niya. Hinila ko ‘yung upuan sa tabi ko. Sumenyas ako na umupo siya. Sumunod naman siya. Aba dapat lang baka patayin ko siya pag ‘di siya sumunod sa gusto ko. Joke.
“Nag CR lang siya. Hintayin na lang natin. Sa dulo pa kasi ang CR kaya matagal pa makakabalik ‘yon.”
Tumango lang siya. Napatingin ako kay Franz na nag-iba ang aura niya. Napasibangot siya at nawala na ‘yung ngiti niya. ‘Yung mata niya halatang galit.
Tumayo si Franz. “Susundan ko na si Leah.”
Pag sinabi ni Franz sinabi niya kaya ayon naglakad na siya palayo.
“Ako din.”
Okay iwan niyo na akong lahat tutal sanay naman akong maiwan. Psh.
Kaming dalawa na lang ni Ms. Vivian ang natira dito. Ang babaeng maganda na manager ni Leah. Natatawa na lang talaga ako kapag nakikita ko ang napaka anghel niyang mukha. Hindi mo mahahalata ang demonyong nakakubli sa likuran ng napakaganda niyang imahe. Oops.
Nginitian niya ako. ‘Yung ngiti na parang may ibig sabihin. Kinilabutan tuloy ako. Duh hindi kami talo no. Halatang lasing na rin siya. Kapag kasi ngumiti siya ng gano‘n ibig sabihin hindi na siya normal mag-isip.
Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at nilagyan ko ng wine ang basong hawak ko.
Ang tagal naman nila. Baka mamaya nag threesome na ang mga ‘yon ah. Psh bastos naman nila. Dapat sinama nila ako para atlis foursome ‘di ba? Joke.
Nanigas ako sa kinauupuan ko at muntik ko ng mabuga kay Ms. Vivian ang iniinom ko dahil sa gulat. Sumigaw lang naman ng sobrang lakas si Leah. Parang biglang pinasok feels. Hays.
Natawa na lang ako bago naglakad papunta do‘n sa kung saan nangaling ang sigaw ni Leah. Tumayo din si Ms. Vivian naglakad din siya. Ayon muntik ng matumba. Buti nga sa kanya. Baka patayin ko pa siya ngayon sa gigil ko. Hays ang hirap talaga mag bait-baitan sa mga taong nag babait-baitan. Parang mga santa santita pero nasa loob naman talaga ang kulo. Ang tanga lang talaga ni Leah dahil ‘di niya alam na nasa likuran lang niya ang sasaksak sa kanya. Hays.
“Ano ka ba Ms. Vivian. Ba‘t ka pa kasi tumayo ayan tuloy natumba ka,” sambit ko. Inalalayan ko siya. Ngumiti lang siya sa akin. Psh.
“Salamat.”
Ang galing. Ang galing-galing mo talagang umarte Vivian.
Umupo na lang siya do‘n sa upuan niya kanina. Ako na lang ang nagpatuloy naglakad papunta do‘n kay Leah.
Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng kakaibang ihip ng hangin. Isusunod na ba ako? Well, I don‘t care. Hindi ako natatakot.
Sino? Hindi ko alam but I have a suspect at alam kong tama ako. Hind ako gano‘n kabobo kagaya ni Leah para ‘di ko malaman no.
Ilang saglit pa ay nakita ko si Leah na nasa harapan ng lumang dressing room hays. Tumakbo ako at nilapitan siya.
Umiiyak ito habang nakahawak sa kanyang bibig. Nanigas siya sa kinatatayuan niya habang may tinitignan.
“Girl!” sigaw ko. Lumingon siya sa akin.
Nakakapagtaka ba‘t wala pa sina Franz at Sean? Napailing na lang ako at nagpatuloy ako sa paglalakad. Ba‘t kasi pumupunta dito sa lugar na ‘to si Leah.
Hindi ako sinagot ni Leah. Umiiyak pa rin siya. Hanggang makalapit na ako sa kanya at tinignan ko kung ano‘ng tinitignan niya.
Napahawak na lang ako sa bibig ko at muntik na akong masuka sa aking nakikita. Si Ayiro hati ang katawan niya at may larawan siya sa noo. Isang larawan ng sexy na babae. Kaya lang punit ‘yung picture kaya ‘di namin nakita kung sino ‘yung nasa larawan.
Nanginig ang mga kamay ko at ‘di ako makapaniwala sa nakikita ko. Halos mapuno na ng dugo ang buong paligid.
Sakto naman na padating si Franz at Sean hinihingal ang mga ‘to. Amazing! Ano kayang dahilan nila? Nag jack en poy sila kaya ‘di sila agad nakapunta dito? Well nadagdagan nanaman ang mga suspect ko sa mga nangyayaring p*****n. Mukhang mahihirapan nanaman akong tukuyin kung sino talaga sa kanila.
I‘m Eric Salvez and I‘m a pervet wannabe detective.
~
Franz POV.
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng CR ng mga girls. Hinihintay ko kasi si Leah. Ang tagal talaga mag CR ng mga babae. Ano kayang ginagawa nila sa loob? Nag ja-jackstone? Siguro walang sawang paganda.
Hindi naman kailangan magpaganda ni Leah dahil maganda na talaga siya. Kaya nga nagustuhan ko siya eh. Sabihin na natin na hindi lang dapat puro ganda kailangan maganda din ang ugali niya. Well maganda rin ang ugali ni Leah. Kahit minsan may pagkasuplada.
Napansin ko kanina si Sean na naliligaw. Hindi niya ata alam kung sa‘n siya pupunta. Buti nga sa kanya. Hindi naman niya kasi kabisado ang bawat parte ng studio. Ayon lakad lang siya ng lakad. Hinahanap yata ang CR. Patayin ko na lang kaya siya para ‘di na siya mahirapan? ‘Di ba sabi nila pag nahihirapan na ang isang tao kailangan ng tapusin ang paghihirap niya? Natawa na lang ako sa iniisip ko.
Ang tagal naman ni Leah.
“Leah?” tinawag ko na siya kahit ayaw niya ng tinatawag siya kapag nasa CR siya. Gusto niya daw kasi katahimikan kapag nasa loob siya ng CR. Patayin ko na din ba siya para magkaro‘n na siya ng katahimikan? Natawa ako. Hindi ko naman kayang patayin ang taong mahal ko eh.
Hindi naman siya sumagot kaya kinabahan na ako. Okay kahit mali ang gagawin ko. Kailangan ko ng pumasok sa loob. Tinignan ko na lahat ng cubicle pero ni isa sa mga ito wala si Leah. Nasaan siya?
Nagulat ako ng bigla akong makarinig ng malakas na sigaw. Si Leah. Agad akong naglakad palabas ng CR at tumakbo ako papunta sa kung saan nangaling ang sigaw.
Nakasalubong ko naman si Sean na pawis na pawis. Na parang may kakaibang ginawa. Psh. Ano ‘yon ‘di na makatiis kay Leah kaya gumawa na lang ng orasyon?
Bago pa kung ano-anong kalokahan ang maisip ko ay nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo. Sinundan niya ako. Syempre ‘di naman niya alam ang mga lugar dito sa studio no. Pero hindi nga ba niya alam?
Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang makita namin si Eric at Leah na nakatulala habang may tinitignan sa lumang dressing room.
Nang makarating kami ni Sean sa tabi nila ay napatingin ako agad sa tinitignan nila.
“s**t!” napamura na lang ako sa nakita ko.
“Ang dami talagang artista no?” sambit ni Eric at tinignan kaming dalawa ni Sean.
“A-Anong ibig mong sabihin Eric?” nabubulol na sambit ni Sean.
“Ba‘t ngayon lang kayo? Ano‘ng ginawa niyo? Nagtagu taguan nag b***l barilan o baka naman nag moro-moro?” napailing na lang ako sa sinabi ni Eric. Kahit kailan talaga napakabastos niya.
“Ano bang gusto mong palabasin na kami ang may gawa niyan?!” inis kong sambit. Ewan ko ba pero ngayon ko lang siya nasigawan ng ganyan dahil sa galit ko.
“Ooops. Wala akong sinabi. Just answere my question.”
Iniling ko na lang ang ulo ko. Nagtitimpi lang talaga ako baka mamaya patayin ko siya kapag hindi ako nakapagtimpi.
“Naligaw ako. ‘Di ko naman kasi alam kung sa‘n ang CR.”
Tumango si Eric pero halata mo naman na pinagsususpetyahan niya si Sean. Tumingin naman siya sa akin.
“Hinintay ko si Leah sa tapat ng CR pero wala naman siya.”
Tumango si Eric sa sinabi ko. Hays tama nga ako pinagsususpetyahan nga niya kami.
Kahit halatang nandidiri si Eric ay nagawa niyang lumapit sa bangkay ni Ayiro. Hinawakan niya ito.
“Hindi pa siya gano‘n kalamig. Ibig sabihin bago lang ang pagkamatay niya. Pero kanina pa siya nandito sa loob ng dressing room. Posibleng sinubukan niyang sumigaw pero ‘di natin marinig dahil may busal siya sa bibig. Hindi rin siya makakalabas ng pintuan dahil may tali ang paa niya at ang mga kamay. Kumuha lang ng tiyempo ang killer bago patayin si Ayiro. Magaling ang killer hinintay niyang dumami tayo dito bago niya pinatay si Ayiro.”
Napatingin sa si Leah ng seryoso kay Eric. “Eh ‘di ba kanina napakarami natin? Kasama natin ang mga co-models ko. Eh bakit ngayon lang ‘yan nangyari?”
“Siguro dahil gusto tayong paikutin ng killer. Gusto niyang ang paghinalaan lang natin ay isa sa atin.”
Napanganga na lang ako sa mga sinasabi ni Eric.
“U-Unless ikaw ang killer kaya nasasabi mo ‘yan.”
Pinandilatan siya ng mata ni Eric at nilapitan niya si Leah. Hindi ko in-expect na masasabi ‘yon ni Leah. Dahil sobrang close nila ni Eric.
Tumaw si Eric sa harapan niya. “Kung ako ang killer pinagsasaksak ko na kayo ngayon pa lang girl,” sobrang lapit ni Eric kay Leah at napansin ko ‘yung hawak niyang itak na halatang sobrang talim. Napansin ko kanina na kinuha ni Eric ‘yung itak na ‘yon sa tabi ng bangkay ni Ayiro. “H‘wag kang tanga girl. Baka mamaya nasa likuran mo na pala ang sasaksak sa ‘yo.”
“Hey. Tama na nga ‘yan. Mabuti pa tumawag na lang tayo ng police,” suhestiyon ni Sean. May isip naman pala kahit papaano.
Pero naiinis pa rin ako sa kanya baka ‘di ko mapigilan ang sarili ko at patayin ko siya.