Leah Pelaez‘s POV
Sana walang mangyaring masama kay Ate. Hindi sana totoo ang panaginip ko. Sana nga.
Kapag may nangyaring masama kay ate hindi ko mapapatawad ang may sala. Mahal na mahal ko si Ate dahil sobrang bait niya sa akin. Siya lagi ang kasama ko sa bahay. Siya ang nagsilbing magulang ko habang wala sina Mommy at Daddy.
“Oh Baby dito na lang ah.”
Pagkasabi no‘n ni Ate ay hinalikan niya ako sa noo at bumaba na siya ng sasakyan. Nasa tapat na kami ng bahay nila ate Ayhie.
Nakita ko si Ate Ayhie at Ate Raine. Nginitian nila ako. Gano‘n din naman ang ginawa ko. Napansin ko din ‘yong isang lalaki. Infairness ang gwapo niya. Siya siguro si Marvis. ‘Yong sinasabi na pinsan ni Ate Ayhie.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Nag biyahe na ako pauwi ng bahay. Maayos naman ang naging biyahe ko dahil walang traffic. Huminto ako sa isang stop light. Nakikisabay ako sa bilang ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Eric is calling...
Agad ko din naman sinagot ang tawag. Tinted naman ang sasakyan ko kaya kahit mag cellphone ako habang nag da-drive ay walang makakakita sa akin.
“Hello Girl,” bungad ni Eric.
“Hello Eric.”
Minsan tinatawag ko siyang Sir Eric pero minsan naman ayaw niya dahil Ma‘am daw siya. Natatawa na lang talaga ako sa kanya.
“Kailangan mong pumunta ngayon dito sa studio. May rehearsal tayo para sa fashion show bukas.”
Oo nga pala bukas na nga pala ang fashion show. May rehearsal pala. Sakto nakabihis na ako. Didiretso na ako do‘n.
“Oh sige diretso na ako diyan.”
Pagkasabi ko no‘n ay agad niyang pinatay. Mukhang pagod siya at nagmamadali. Kailangan na kasi talaga naming mag rehearse dahil bukas na ang aming fashion show.
Hindi ako nakapag practice no‘ng mga nakaraang araw dahil nga sa mga nangyari. Naiintindihan naman ‘yon nila Eric.
Nag biyahe na ako agad papunta sa studio. Sandali lang naman ang biyahe dahil malapit lang ang studio kung sa‘n ko hinatid si Ate Vanessa.
Agad din akong nakarating sa tapat ng studio at pinark ko ang aking kotse sa parking lot.
Pagbaba ko ay nagmadali akong naglakad. Dahil may mga ilang tao ang nasa tabi ng studio. Baka pagkaguluhan pa kasi ako at ‘di ako makapasok agad. Sinuot ko ay shades ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Yinuko ko ang ulo ko para ‘di nila ako mapansin. Ayon success ‘di ako napansin hanggang makapasok ako sa loob ng studio. Kaya lang nagsisi ako no‘ng pagkapasok ko ng studio. Dahil pagtingin ko sa bandang labas nando‘n ang matandang babae na hinahanap ko.
Balak ko sana siyang balikan para makausap pero. Late na ako sa practice. Tinignan ko ang aking wrist watch 11:00 AM na. Usually kasi ang start ng practice namin ay 10:45 AM ibig sabihin 15 minutes late na ako.
Siguro madalas naman dito ‘yung matandang ‘yon so okay lang siguro kung ‘di ko muna siya kakausapin ngayon.
Naglakad na ako papunta sa pinaka studio kung sa‘n kami mag pa-practice. May mini stage kasi do‘n.
Pagdating ko agad akong sinalubong ng pawis na pawis na si Eric. Hmm parang may ginawa ah. Hindi naman kasi ganito pagpawisan si Eric. Oo pawisin siya pero ‘yung pawis niya ngayon, grabe. Parang may kinakabahan din siya.
“Pawis na pawis ah. Kanina pa ba kayo nag start?” tanong ko. Ngumiti siya sa akin.
“O-Oo girl.”
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa gilid ng stage. “Go na para matapos na tayo agad.”
Iba talaga ang feeling ko sa kanya ngayon. Parang may kakaiba sa kanya. Hays bahala na nga. Baka may nangyari lang talaga sa kanya.
Nag-umpisa na kaming mag practice. Ayon pabalik-balik. Panay rampa at posing.
Habang rumarampa ako ay nakita ko si Ms. Vivian na nakangiti habang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya ng magtama ang tingin namin.
Napatingin din ako sa paparating. Si Franz. Ang gwapo niya talaga. Nakasuot siya ng white t-shirt na fitted sa kanyang napakagandang body at nakapantalo. Simpe lang ang suot niya pero ang lakas ng dating niya.
Nagpatuloy lang ako sa pag practice kasama ang mga co-models ko. Pinapanuod lang kami nila Eric, Franz at Ms. Vivian. Tuwang-tuwa naman sila dahil hindi kami nagkakamali.
Napatingin ako sa mga co-model ko. Tinitignan ko sila habang rumarampa sila. Nakapahinga ako ngayon sa gilid ng stage.
Si Kier matangkad siya malaki ang katawan at moreno. Pilipinong-pilino talaga ang dating niya.
Napatingin din ako kay Llanyell na malaki din ang katawan, matangkad at maputi. Palibhasa may lahing german.
Napangiti ako ng makita ko si Aldane Tao Ho. Sa lahat ng co-models ko na guy siya ang pinaka close ko. Isa siya sa nakakaalam na may crush ako kay Franz. Trust worthy naman siya kaya ‘di ako nagdadalawang isip na mag-open sa kanya. Gwapo din ‘to. Half korean siya. Napatingin siya sa akin at bigla niya akong nginitian. Lalo tuloy ‘di nakita ‘yung singkit niyang mga mata.
Mga babae naman ang mga lumabas sa stage ang una ay si Kaverine. Itong babaeng ‘to maganda at sexy. Halatang mayaman dahil sa kutis niya palang. Kaya lang sana kasing ganda din ng ugali niya ang mukha niya. Grabe kasi ‘yang babaeng ‘yan. Pati mga maiitim at kulot inaaway. No mali pala ako as in lahat inaaway niya. Gusto niya kasi siya lang ang maganda. Psh. Realtalk mas maganda pa ako sa kanya no. Duh.
Okay lang naman kung ‘di siya mag smile habang nagrarampa. Wala naman kasing connect ‘yung pag smile sa theme namin para sa fashion show. Kaya kahit umiiyak ka pa habang rumarampa walang pakialamanan. Iisipin lang nila na pakulo mo ‘yon.
Sumunod naman ay si Fairy. Bagay sa kanya ang pangalan niya dahil mukha siyang fairy. Para din siyang isang living barbie doll. Hindi ko sinasabi ‘to dahil kaibigan ko siya. Sinasabi ko ‘to dahil ‘yon ang totoo. Yes kaibigan ko si Fairy at kagaya din ni Aldane alam din niya na may gusto ako kay Franz.
Sumunod naman ay ang babaeng pinaka funny sa amin. Kulot at maitim walang iba kung ‘di si Orea. Oo tama siya nga ang pinakakinaiinisin ni Kaverine. Naiinis siya sa sobrang kadaldalan niya. Sa totoo lang mas maganda pa si Orea kesa kay Kaverine. Napagakanda nga ng buhok ni Orea eh. Tapos black beauty pa siya.
Nang makapag pahinga na ako ay muli na akong nag rampa. Ayon talbog lahat sila. Hindi naman sa pagyayabang pero kapag ako na ang rumampa. Palakpakan na agad ang mga tao. I don‘t know why? ‘Yon nga din ang dahilan kung bakit ako sumikat eh. Basta binibigay ko lang ang best ko at ini enjoy ko lang.
Malapit ng matapos ang practice pero ‘di pa rin dumarating si Ayiro. Medyo kinakabahan ako para do‘n sa lalaking ‘yon ah. Usually kasi siya ang pinakauna sa amin kapag may practice kami.
Ilang minuto pa ay natapos na rin ang practice. Bumaba na ako ng stage at sinalubong ako ni Ms. Vivian, Eric at Franz. Napatitig nanaman ako kay Franz. Nakakadala talaga ang ngiti niya.
“You‘re so good Leah,” nakangiting sambit ni Ms. Vivian. “Wala ka talagang kupas.”
“Thank you Ms. Vivian,” bineso ko siya.
“M-Magaling girl!” nakangiting sambit ni Eric. Pero halatang pinilit lang niya. Iba pa rin ang aura ni Eric ngayon. Parang kinakabahan pa rin siya. Napano kaya siya?
“Okay ka lang ba girl?” napataas siya ng kilay dahil sa tanong ko. Tumawa siya at tumango. Napangiti na lang ako.
Inabutan naman ako ng panyo ni Franz. Ganyan talaga siya lagi after ko mag practice inaabutan niya ako ng panyo. Well siguro sinasadya ko na rin na minsan ‘wag magdala ng panyo.
Pero biglang pumasok sa isipan ko si Sean. Naguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko. Tsaka si Sean kasi may gusto sa akin. Si Franz naman gusto ko. Wala naman sigurong masama ‘di ba? Crush ko lang naman si Franz. Tsaka malabo naman na maging kami ni Franz dahil ‘di naman niya ako gusto.
“Salamat,” nakangiting sambit ko at kinuha ko ‘yung panyo na inaabot niya. Agad kong pinunasan ‘yung pawis ko. Ang bango talaga ng panyo ni Franz. Amoy pabango ng lalaki.
Niyaya kami ni Ms. Vivian na umupo. Agad naman kaming sumunod sa kanya. Umupo kami sa harapan ng isang lamesa. May wine sa harapan namin. Tsaka mga prutas.
Nag cheers kaming lahat. Sana daw ay maging sucessful ang fashion show bukas. Sabay-sabay naming tinungga ang mga hawak naming mga baso na may lamang wine.
Bigla naman akong nakaramdam na parang naiihi ako. Nagpaalam ako sa kanila na mag C-CR ako.
Naglakad na ako papunta ng CR. Medyo nahilo ako dahil sa pag-inom ko. Siguro dahil ‘di pa ako nakakapag lunch at uminom na ako agad. ‘Yung huling kain ko pa ay ‘yong breafast namin kanina na niluto ni Mommy.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakaramdam naman ako na parang may dumaan na kung ano sa likuran ko. Agad akong lumingon pero wala naman. Baka lasing lang ako. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Habang naglalakad ako kay may kakaibang ihip ng hangin ang dumampi sa aking balat. Agad akong kinilabutan dahil do‘n. Napatingin ako sa paligid.
Natulala ako at biglang bumilis ang kabog ng aking dib-dib ng makita ko ‘yung bata. ‘Yung batang nakita ko sa lumang dressing room. ‘Yung babaeng bata na nakikita ko lagi na kasama ‘yung babaeng nakaputi. Umiiyak ito habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng lumang dressing room.
Parang ‘di ako makasigaw. Hindi ako makagalaw. Sobrang bilis ng kabog ng aking dib-dib. Parang sasabog na ang puso ko dahil sa takot, kaba at tensyon na aking nararamdaman.
Biglang pumasok ‘yung bata do‘n sa loob ng lumang dressing room. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na sundan siya.
Nagawa ko rin i hakbang ang mga paa ko. Naglakad ako papunta do‘n sa lumang dressing room. Nang malapit na ako ay napahawak ako sa aking bibig. Nakatali ‘yung dressing room. Pero no‘ng binuksan ng bata hindi naman siya nahirapan. s**t! Nanginig ang buo kong katawan dahil sa takot.
Inalis ko ‘yung kamay ko sa aking bibig. Inalis ko ‘yung tali sa doorknob. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa ko ‘yon.
Dahan-dahan kong pinihit ang makalawang na doorknob. Nang mabukasan ko na ng tuluyan ay nanginig lalo ang katawan ko dahil sa takot at napasigaw na lang ako sa nakita ko sa loob.
Si Ayiro.
Itutuloy...