"kamatayan"
Sabi nila gifted daw Yong taong may kakayahan na makakita ng mga kaluluwa Kasi malaking tulong na daw yon para sa kanila na gustong makatawid sa kabilang buhay... Maraming na niniwala Doon pero may iilan din na Di sila naniniwala, kalokohan Lang daw yon at gawagawa Lang... Ako si Samara... (Samaraming nakikita..charot) Samara Montevilla 24 years old at may kakayahan ako na makakita ng mga taong malapit ng mamatay o mamatay pa Lang,,, nakikita ko ang anino ng kanilang kamatayan at nakikita ko din Kung kailan at Kung paano sila mamatay, Bata pa Lang ako ng mayron na akong ganitong klaseng kakayahan at Namana ko yon Kay papa, Kaya parati nya akong pinapasuot ng sunglasses para daw Di ko Makita ang anino ng kamatayan Kasi umiiyak ako sa takot kapag nakakakita ako ng taong mamatay at Kaya ako laging tinutukso ng mga bata dahil weirdo daw ako,, simula noon wala ni isang bata man Lang ang gustong makipaglaro sa akin at wala ni isang bata ang gustong makipag Kaibigan sa Akin,, Hanggang sa dumating sa Punto na Kay papa kuna Mismo naranasan, pag sa bahay Kasi diko sinusuot Yong sunglasses ko (ano timang Lang pag naka sunglasses sa bahay? ?) Kaya nagkataon na Kay papa ko Mismo nakita ang anino ng kamatayan, paalis na Sana sya pero pinigilan ko sya na umalis.
"Papa wag Ka ng umalis dito ko na Lang" pagpupumilit ko sa kanya at ng mahawakan ko ang kamay nya umiyak na talaga ako sa takot dahil nakita ko Kung Pano sya namatay, nakita ko na may taong gustong pumatay sa kanya at tinulak sya mula sa pinaka taas na building diko nakita Kung sino ang pumatay pero nakita ko na may maliit na tattoo sa kamay ang taong pumatay sa papa ko.." Huhuhu please papa wag Ka na.. hik..hik umalis please" " baby tahan na, may kailangan Lang aasikasuhin si papa" pero nagmamakaawa pa Rin ako Kay papa at diko talaga binibitiwan ang kamay nya "papa please,, aayoko na mawala Ka.. ayokong iwan mo akong mag isa" nakita ko na biglang nagbago ang reaksyon ng mukha si papa dahil mukang alam na nya Kung bakit ako umiiyak at Kung bakit ko sya pinipilit na wag umalis" shhh baby Di Ka iiwan ni papa,, Di ako mamatay promise ko Yan sayo" pagkatapos nyang sabihin yon unti unti nya ng binitiwan ang kamay ko at umalis,, wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak