Charlotte "Sigurado ka ba na darating siya?" tanong ni Mama habang tinikman ko ang niluto ko na kalderetang baka. Ngayon ang araw na ipapakilala ko nang formal si Nathaniel sa pamilya ko. Hindi kami magkasabay na pumunta kasi may meeting ito sa isang client nito ngayong umaga. Ibinigay ko naman sa kanya ang exact address ng bahay ni Mama at susunod na lang siya pagkatapos ng meeting niya. Kahapon ay sinamahan ko siya na bumili ng regalo kahit pa nga sinabi ko na huwag na. Napagkasunduan na lang namin na bumili ng microwave oven dahil libangan ngayon ni Mama ang mag-bake. Kaso nang magbabayad na ay hindi naman pumayag si Nathaniel na maghati kami sa bill. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa kanya. Ramdam ko na kinakabahan siya pero ayaw lang niya ipahalat

