Charlotte Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagdantay ng binti ni Nathaniel sa binti ko. Napangiti ako nang tingnan ko ang maamo niyang mukha habang natutulog. Mas lumapad pa ang pagkakangiti ko nang makita ko ang pwesto namin dalawa. Nakayapos siya sa akin na para bang isa akong stuff toy. Dahan-dahan ko inangat ang braso niya nakapatong sa may tiyan ko. Saglit siya gumalaw kaya natigilan ako pero hindi naman siya nagmulat ng mga mata. Kasunod ko naman inangat ang binti niya at nagtagumpay na makawala ako sa pagkakayakap niya. Bumangon at inayos ko ang kumot sa katawan ni Nathaniel. Maingat na binuksan ko ang pinto ng tent hanggang sa kalahati lang. Napatingin ako sa labas at maliwanag pa rin ang paligid dahil sa buwan. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras at alas tres p

