Charlotte "Mabuti naman po at nakasama ka namin ngayon," nakataas ang isang isang kilay na sabi ni Marjorie at natawa ako. "Nasaan ang bodyguard mo este boyfriend mo pala," natatawa na sabi ni Monique at tumawa rin si Marjorie. Mula kasi nang mabanggit ko kay Nathaniel ang tungkol kay Victor ay bigla siya naging possessive. Wala naman kaso iyon sa akin pero sa palagay ng mga kaibigan ko ay hindi naman kailangan gawin iyon ni Nathaniel. Normal lang na ma-bothered si Nathaniel dahil hindi lang basta ex-boyfriend ko si Victor pero ex-fiance ko siya. Alam ni Nathaniel na nagpunta ako sa office ni Victor last week at hindi naman siya nagtatanong. Hindi rin naman niya ako pinigilan o pinagbawalan dahil alam niya na part iyon ng trabaho ko. "Ang alam ko pauwi pa lang sila galing Bicol. T

