Victor "Ready ka na ba na maka-usap at makaharap ulit siya?" tanong ni Trisha habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Ngayon naka-schedule ang pagpunta ni Charlotte para pag-usapan ang tungkol sa mga services na kailangan ng company. Nang sabihin ni Trisha the other day na tumawag si Charlotte ay tumalon sa tuwa ang puso ko. Hindi ko makakalimutan ang gabi na nagkita ulit kami. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero natameme ako dahil nakita ko ulit ang babaeng pinakamamahal ko. Nakaramdam din ako ng takot na kung lalapitan o kakausapin ko siya tungkol sa amin ay bigla siyang mawala. Ang tanging nagawa ko na lang sa oras na iyon ay pagmasdan siya. Mahigit na tatlong taon din ang lumipas nang gawin ko ang pinakamasakit na desisyon sa buhay ko. "Never been ready. I have been wa

