Charlotte "Ms. Olivarez, nandiyan na po ang pogi mong sundo," nakangiti na sabi ni Irene pagsilip niya sa office ko. Napatingin ako sa relo ko at quarter to five na. Maaga siguro natapos ang site visit niya kaya maaga siya nakarating. Expected ko kasi ay maya-maya pa siya kaya hindi pa ako nagaayos ng gamit ko. "Maraming salamat Sis," nakangiti na tugon ko. "Bilisan mo lang at maraming langaw sa baba baka madapuan. Sayang din," bilin ni Irene bago umalis. Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya Nathaniel. Nilagay ko sa speaker ang phone ko para maayos ko ang gamit ko habang hinihintay ang pagsagot niya. Nakailang ring pero hindi niya sinagot kaya binilisan ko. Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay nagmamadali na lumabas ako ng office at pumunta sa elevator. Paglabas ko nang eleva

