Charlotte "Kumusta na ang account ni Mr. Capistrano?" tanong ni Ms. Jasmine at umangat ako nang tingin. Kasalukuyan kami ni Audrey nasa office ni Ms. Jasmine para mag-update sa VIP client na binigay nila sa amin. After nang gabi kung saan ay nakita ko si Victor nakatanggap ako ng tawag para sa next appointment pero last minute ay na cancel iyon. Until now ay naghihintay pa ako ng tawag mula sa kanila na hindi ko naman ginagawa noon. Kapag kasi may client ako I make sure to follow up with them from time to time. Ayaw ko sabihin kay Ms. Jasmine na sa iba na lang niya ibigay ang account pero alam ko na unprofessional iyon. Alam ko naman na hindi ko dapat hayaan na maapektuhan ng personal life ko ang trabaho ko. Hindi lang kasi ako komportable na makita siya lalo na ang makausap siya. "Jus

