Charlotte
"Maganda ang kinalabasan ng report natin for this quarter. Tuwang-tuwa ang mga Big Boss kasi tumaas talaga ang rate ng sales natin," pagbabalita ni Miss Jasmine ang Team Manager namin at napangiti ako.
Ilang taon na ako sa company at hindi naging madali ang lahat para sa akin. Nagsimula muna ako sa pagiging agent habang may iba pa akong trabaho paglipas ng ilang buwan ay nag-exam naman ako para maging licensed na financial advisor hanggang sa naging Manager Candidate ako for almost a year bago naging Unit Manager ngayon. Every year ay lagi ako napapasama sa top sales of the year kaya naman sobrang thankful ako. May mga natanggap din ako na ibang mga award dahil sa pagpupursigi ko. Limang unit na ang hawak ko at habang tumatagal ay mas lumalawak pa. Nakakatuwa dahil marami akong tao natutulungan na umangat sa position nila ngayon.
"Mabuti naman po at nagbunga ang pag-motivate ko sa kanila. Malaking bagay po talaga na every other week ay nakakausap ko sila para hindi po sila panghinaan ng loob at sumuko," nakangiti na tugon ko.
Hangga't kaya ko ay nagse-set ako ng lunch or dinner para makasama ko lahat ng financial adviser na under ko. Hindi naman iyon part ng program ng company pero sa palagay ko ay kailangan iyon kaya sariling gastos ko kapag nag-set ako. Hindi ko naman iniisip ang magagastos ko dahil ang purpose naman noon ay para magka-samasama. Ilan kasi sa kanila ay nag-uumpisa pa lang at part-time lang nila ang pagiging adviser.
"Kaso mukhang hindi na naman magugustuhan ni Audrey ang balita na ang team mo ang nangunguna," sabi nito at huminga ako ng malalim.
Halos kasabayan ko si Audrey na pumasok sa company nauna lang ako ng ilang buwan dito. Noon ay okay naman kaming dalawa pero habang tumatagal ay nagbago ang lahat. Ever since ay kaming dalawa ang laging magkasama sa mga awarding at may mga pagkakataon na magkasunod kami sa ranking para sa top sales. Wala naman kaso sa akin kung mas mataas siya dahil isang team lang naman kami pero kapag ako ang mataas sa kanya ay halos baliktarin na niya ang buong office. Mostly ay mga high profile ang mga client niya at mga company na hindi naman masama. Sa akin ay hindi ko ginawa na batayan ang estado ng tao para magkaroon ng insurance. Naniniwala kasi ako na kailangan bawat pamilya ay mayroon. Hindi rin niya matanggap na close kami ni Miss Jasmine na minsan na niya ginawan ng issue. May client kasi siya na interesado na kumuha ng insurance at nakipag-appointment na sa kanya. Hindi siya aware na may negosyo pala ang taong iyon dahil hindi halata at akala niya ay para sa pamilya lang ang purpose. Sa madaling salita ay mas inuna niya ang ibang client niya. Pinasa niya iyon sa ibang advisor na under niya kaso hindi naman sinipot kasi nagkaroon sila ng misunderstanding. Nagkataon naman na kakilala ni Monique ang taong iyon at pinakilala sa akin. Nakipagkita ako kay Mr. Dayo at ipinaliwanag ko sa kanya ang iba't ibang services ng company namin na pwede nito ma-avail. Napakabait at down to earth na tayo ni Mr. Dayo. Hindi ko inaasahan na bukod sa pamilya niya ay kinuha rin niya ang mga tauhan niya. Printing press ang negosyo niya at matatagal na ang mga tauhan niya kaya bilang pasasalamat ay kinuha niya ng insurance ang mga ito. Galit na galit si Audrey dahil ang akala niya ay sinulot ko sa kanya si Mr. Dayo. Nagreklamo pa ito dahil hindi nito matanggap ang nangyari. Kahit na nagbigay ng statement si Mr. Dayo para linawin ang lahat pero hindi pinaniniwalaan iyon ni Audrey. Mula noon ay mas lalong naging intense ang pagsasama namin.
"Bahala na po siya kung ano po ang gusto niya isipin dahil ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko," nakangiti na sabi ko.
"Mabuti na lang at mahaba ang pasensya mo Charlotte. Marami na rin ang nagrereklamo sa ugali niya pero alam mo na," sabi nito.
May usap usapan kasi na may backer at connection ito kaya malakas ang loob nito na mangaway ng ibang employees. Marami man ang may ayaw kay Audrey pero wala naman gusto na kalabanin ito. Hindi naman ako takot dito pero sa palagay ko ay hindi worth it na patulan ko ang mga parinig niya.
"I am just being professional Miss Jas because I don't want to ruin my reputation with just a petty fight. I will let her talk and talk as long as it won't affect my work," tugon ko rito at nakangiti na tumango-tango ito.
"That's the right thing to do Charlotte. Just focus on your work and don't mind her," nakangiti na payo nito at ako naman ang tumango.
"I need all the form by friday for encoding," bilin nito at tumayo na ako palabas ng office ni Miss Jasmine.
Naglakad na ako pabalik sa office ko at napadaan ako sa office ni Audrey. Napatingin ito sa akin saka ako tinaasan ng kilay. May kausap ito sa telepono at nawala ang ngiti nito ng makita ako. Mas bata ito sa akin ng ilang taon kaya pagpasensyahan ko lang ito. Kahit na masyado na nito pine-personal ang lahat kahit hindi naman dapat ay tahimik lang ako. Kung tutuusin ay dapat friendly competition lang para sa improvement pero para rito ay iba ang nangyayari. Sa tingin ko ay hindi pa ito mature at ginawang laro ang trabaho. If I know at this moment ay hindi naman related sa work ang kausap nito. May mga bagay din ako nalaman pa tungkol dito pero mas pinili ko na tumahimik na lang.
"Ang laki ng problema niya," natatawa na sabi ko pagpasok ko sa office ko at pinatong ko na ang dala ko sa table.
Hindi muna ako umupo at nagtimpla ako ng kape. Habang humihigop ng kape ay napatingin ako sa display cabinet kung saan nandoon ang mga pictures, certificates at awards na nakuha ko sa loob ng mahigat pitong taon ko sa company. Mabilis na lumilipas ang panahon na hindi ko namamalayan dahil sa dami ng nangyari. Bigla ako na tigilan ng biglang tumigil ang pag-andar ng aircon at ilang sandali lang ay nakaramdam na ako ng init kaya binuksan ko agad ang bintana pati na rin ang pinto. Lumabas ako para alamin kung ano ang nangyari at hindi lang pala ako ang apektado dahil nagkakagulo sa labas.
"Ano ba naman 'yan kung kailan naman kainitan saka pa nasira ang aircon," galit na reklamo ni Audrey habang tumingin sa paligid.
"Mang Lino, tinawag na po ba ninyo sa maintenance ang nangyari?" tanong ko nang nakasalubong ko ito.
"Opo Mam Charlotte, tinawag ko po agad sa kanila. Magpapapunta raw po agad sila ng mga tao rito," sagot nito at nakangiti na tumango ako.
Ilang minuto lang ay lumabas si Miss Jasmine sa office nito at tumingin sa paligid. Halos lahat ay may hawak na kahit anong bagay na pwedeng gawin na pamaypay dahil sa init.
"Guys, I think the repair will take a long time. You can all go outside for the meantime maybe one hour just to make sure," sabi ni Miss Jasmine at tuwang-tuwa ang lahat.
Sinenyasan ako ni Irene na magkape kami at tumango ako. Bumalik ako sa office ko para kunin ang bag ko. Hindi lang pala ang floor namin ang apektado pero mukhang lahat ng floor ay nagkaroon ng problema. Sa isang coffee shop malapit sa office kami pumunta ni Irene para magpalipas ng oras. Pagdating naman doon ay umorder kami ng kape at cake.
"Kumusta ang kasal ni Clarissa at Kevin?" tanong nito habang umiinom ako ng kape.
Kamag-anak ito ni Kevin at hindi ito nakapunta dahil umattend ito ng training kasama ang mga financial advisor na candidate for manager. Ilang taon na rin ito company at isa sa mga close ko sa office.
"Okay naman ang dami nila na bisita at hindi ko ineexpect na ganoon karami ang relatives ninyo. Hindi ko na nakilala ang iba sa sobrang dami pero successful naman ang event dahil halatang pinaghandaan ng dalawa," nakangiti na tugon ko pagkatapos ko uminom.
"Hindi pa iyon kumpleto dahil ang iba na katulad ko ay hindi nakarating dahil sa work. Marami kasi silang magkakapatid bago sina Kevin lang ang konti," natatawa na sabi nito.
"Narinig mo na ba ang balita?" tanong ni Irene pagkalipas ng ilang minuto at napatingin ako rito.
"Magiging Team Sales Manager na rin si Audrey," sabi nito bago pa ako makapag-tanong at hindi na ako nagulat sa sinabi nito.
"Hindi na nakakagulat kung sakali nga na mangyari iyon," casual na tugon ko.
Nabanggit na iyon sa akin ni Miss Jasmine kaya mahahati na sa dalawang grupo dahil dalawa na magiging Team Manager sa floor na iyon. Hindi lang sigurado ni Miss Jasmine kung paano ang magiging arrangement at adjustment. Wala naman kaso kung ganoon ang mangyayari pero hindi maalis sa isip ng iba ang mapaisip kung bakit ganoon kabilis.
"Iyon nga rin ang sabi ng iba pero syempre once na mangyari iyon siguradong mas lalo pang lalaki ang ulo niya. Lalo lang tataas ang tingin niya sa sarili niya. Okay lang naman sana kung deserve niya," puno ng hinanakit na sabi niya at napaisip ako.
Wala ako sa position para magsalita na hindi deserve ni Audrey iyon dahil kahit paano ay ginagawa rin nito ang trabaho nito. Hindi ko naman masisi si Irene dahil may mga ka-close ito sa team ni Audrey kaya alam nito ang nangyayari. Hangga't maaari ay umiiwas ako na magsalubong ang landas namin dalawa dahil alam kong hindi maganda ang mangyayari.
"Hayaan mo na lang siya sis at wala naman tayo magagawa kapag nangyari na iyon," sabi ko at tumango ito.
Pagkalipas ng ilang minuto pa ay tumingin ako sa relo ko at halos isang oras na ang lumipas kaya bumalik na kami sa office. Habang sakay ng elevator ay kasabay namin ang mga gumagawa ng aircon. Base sa usapan ng mga ito ay mukhang malaki ang problema. Paglabas namin ng elevator ni Irene ay napansin namin na kami pa lang ang nakabalik doon. Tiningnan ko si Miss Jasmine sa office nito pero wala ito roon. Pumunta ako sa office ko at may naabutan ako na tao roon na gumagawa ng aircon. Magalang na binati ako ng mga ito at nakangiti na tinugon ko naman. Napansin ko na bagong company ito at hindi ang kadalasan na pumunta base sa nakasulat sa uniform na suot ng mga ito. Tinawagan ko si Miss Jasmine para alamin kung nasaan ito at kung ano ang gagawin namin dahil mukhang matatagalan nga talaga ang gagawin na repair.
"Miss Jas, nandito na po kami sa office pero mukhang hindi po agad maayos ito. I don't think it is advisable na pabalikin pa po natin sila rito dahil hindi naman sila maging komportable," sabi ko rito pag-sagot nito sa tawag ko.
"Oo Charlotte, mukhang hindi agad nila maayos. Kakatapos ko lang makausap ang owner ng building at ang senior technician nila. Ipinaliwanag nila sa akin na hindi simpleng repair lang ang kailangan at dahil bagong maintenance company sila ay aalamin pa nila ang history ng repair mula sa dating company na may hawak ng maintenance before," paliwanag nito.
"Could you do me a favor?" tanong niya sa akin.
"Sure," simpleng sagot ko.
"Please kindly inform everyone what is happening and tell them they don't need to go back to the office," sabi nito.
"Okay, I'll do that," tugon ko.
"Kung okay lang din sana Charlotte na mag-stay ka rin muna diyan habang hindi pa ako makakabalik," pakiusap nito at napatingin ako sa electric fan nakalagay sa gilid ng drawer ko.
"Okay po," sagot ko.
"Thank you," sabi nito bago mawala sa kabilang linya.
Ilang sandali lang ay lumabas na ang dalawang tao na naabutan ko sa loob ng office ko. Tinawag ko si Irene para magpatulong na tawagan ang ilan sa mga kasama namin at sabihin sa iba ang mensahe. Binuksan ko na ang electric fan at umupo na ako sa table ko. Tinawagan at pinadalhan ko ng message ang mga kilala ko na kasamahan namin. Naisipan ko rin na ipagpatuloy ko ang ginagawa ko dahil nandoon na rin naman ako. Binuksan ko ang isang button ang suot ko na polo para mas maging komportable ako. Sinabihan ko na rin si Irene at na isipan nito na puntahan ang prospect nito na client. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ko ang music gallery para mag-patugtog.
"Monique?" galing sa familiar na boses at nagtataka na inangat ko ang mukha ko.
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o guni-guni ko lang ang nakikita ko ngayon. Kahit ilang buwan na ang lumipas ay hinding-hindi ko ito makakalimutan lalo na ang mga mata nito. Saglit na ipinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko dahil ang bilis ng t***k ng puso ko. Pagmulat ko ng mata ay nagulat ako dahil ang lapit na nito sa akin. Napatingin ako sa mga mata nito na parang magnet dahil hindi ko magawa na umiwas.
"Charlotte," tawag mula sa may pintuan at agad ako napatayo.
Nakita ko na nagtataka ito sa mga mata ng binata habang nakatingin sa akin. Tumingin ito sa paligid at bigla ko naalala na ibang pangalan ang binigay ko rito ng gabi na nagkakilala kami.
"Charlotte, you can go now. Si Mang Lino na ang magbabantay dito," sabi ni Miss Jasmine at nakangiti na tanong ko.
"Okay po Miss Jasmine," tugon ko bago ito umalis.
"Charlotte," paulit-ulit na banggit ng binata sa pangalan ko at hindi man lang inalis ang tingin sa akin.
Hindi ko na pigilan ang napalunok dahil nararamdaman ko na bigla nanuyo ang lalamunan ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang binabanggit nito ang pangalan ko.
"Could this day get any worse?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa binata.