Chapter 9 - It's YOU

2300 Words
Nathaniel "Mr. Silvano, we will get back to you once we evaluate all the proposals. We hope to work with your company in the future," sabi ni Mr. Gopez ang isa sa mga owner na nagpatawag ng meeting. "Thank you Mr. Gopez for inviting us to join this meeting and hope to have a chance to be qualified in the bidding. We are also looking forward to work with your company as well," tugon ko at nakipag-kamay ako rito bago umalis. Naimbitahan kami na magpasa ng proposal para sa isang condominium. Ang hinahanap nila ay isang supplier, dalawang company para sa installation at dalawa rin para sa service and maintenance. Maraming supplier na umattend at nagpasa ng proposal dahil malaking project iyon. Sa tingin ko naman ay na meet namin ang mga requirements na kailangan. Sa bidding ay doon pa lang malalaman kung saan category mapasama ang company namin. Alin man sa tatlo ay kaya ng company namin ibigay. Kung sakali na makuha kami ito ang pinakamalaking project namin for this year kaya I am hoping na makapasok kami sa bidding. "Boss, diretso na po ba tayo sa office?" tanong ni Gilbert pagpasok namin sa sasakyan at napatingin ako rito. "Oo, Bakit?" tanong ko rito. Kapag umaattend ako ng kahit anong events na may kinalaman sa airon ay nag-sasama lagi ako ng isang o dalawang technician. Gusto ko marinig ang mga opinion nila tungkol sa project na papasukan namin. Mas sila ang nakakaalam kung kaya ba namin o hindi ang isang project. Importante na ma express nila ang opinion nila dahil sila ang gagawa at para maramdaman din nila na may karapatan sila. "Tumawag po kasi si Joy nagkaroon daw po ng problema sa isang building na hawak natin," sagot nito. Tinawagan ko agad si Joy habang nakatigil ang sasakyan ko para malaman ko ang buong detalye. May mga company na kami ang service at maintenance ng mga aircon. Malaking bagay din iyon sa company namin dahil hindi naman palagi may installation. Pagkalipas ng ilang minuto ay sumagot na si Joy. "Ano ang nangyayari? Saang lugar?" tanong ko agad dito. "Sa Makati po Boss iyong building po ni Mr. Clarkson. Tumawag po siya kanina at sinabi na lahat ng aircon ay namatay at ayaw po gumana. Nandoon na po ang team ni Kim at Kuya Sherwin pero kulang pa raw po sila. Pasusunurin ko po sana si Gilbert doon," paliwanag nito. "Pa-check sa system kung kailan tayo huling naglinis doon at kung ano iyong huling service natin sa kanila. Papunta na kami roon huwag mo na tawagan ang team ni Eddie kasi mahirap ang ginagawa nila at hindi iyon pwedeng ma-postponed. Pa-send na rin ang number ni Mr. Clarkson just in case," bilin ko rito. "Okay po Boss," sagot nito. "Nakasama ka ba na mag-service roon?" tanong ko kay Gilbert at tumango ito. "Tawagan mo si Kim or Sherwin alamin mo kung ano na ang sitwasyon doon," utos ko dito na ginawa naman nito at binuhay ko na ang makina ng sasakyan. "Boss, mukhang sa electrical daw po ang problema pero hinihintay pa nila iyong electrician sa building," sabi ni Gilbert at tumango ako. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nasa parking lot na kami ng building. Ang first floor ay office, ang second floor ay insurance company at ang third floor naman ay lending company. Kailangan maayos agad namin ang mga aircon dahil hindi pwede matigil ang operation ng mga company sa bawat floor. Kumuha ako ng spare na t-shirt mula sa backseat at nagpalit para maging komportable ako sa paggalaw. Pagpasok sa building ay nakita ko agad si Kuya Sherwin. "Anong balita na?" tanong ko rito. "Ang daming problema rito Boss, una pumutok ang ilan sa mga breaker na inaayos na ng technician nila. Dito sa first floor pinacheck ko lahat ng unit ilan doon ay sira ang capacitor pero ilan ay sira na ang compressor. Hindi pa tapos si Kim at Danny mag-check para magawan ng report. Sa second floor nandoon si Val at Ricky para mag-check. Sa third floor naman si Archie at Jay ang naka-assign pagdating po nila," report nito at tumango-tango ako. "Nakausap mo na ba ang owner ng building?" tanong ko. "Hindi pa Boss pero may nakausap ako kanina na babae siya ang in-charge sa second floor. Natawagan na raw po nila si Mr. Clarkson at papunta na po rito," sagot nito. "Pakisabi sa lahat na kung minor repair lang ay gawin na para mapa-gana ang mga unit pero kung major repair ay gawan ng report para magawan naman ng quotation," sabi ko at tumango ito saka kinausap ang mga technician through radio. "Gilbert, paki-puntahan iyong electrician kung okay na ang mga breaker ng aircon para mapagana na lahat ng unit at ma-asses ng maayos," sabi ko at tumango ito. Pinuntahan namin ni Kuya sherwin ang first floor para alamin kung ano na ang assessment ng technician. Base sa report ni Kim minor lang ang mga problem at ginawa na nito. Ipinaliwanag na rin ni Kim sa Manager ang nangyari at kung ano ang ginawa ng mga ito. Umalis kami roon na gumagana na ang lahat ng aircon. Pinapunta ko ang dalawa sa third floor dahil kararating lang nina Archie para mapabilis ang pag-check ng mga unit. Bago kami umakyat papunta sa second floor ay may lumapit sa amin na babae. "Boss siya ang nakausap ko kanina si Miss Jasmine," pagpapakilala ni Kuya Sherwin sa babae na kaharap namin. "Nathaniel Silvano," pagpapakilala ko naman sa sarili ko. "Jasmine Abulad," nakangiti na tugon nito ay nakipag-kamay sa akin. Bago ako magsalita ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at nang tingnan ko ay si Joy ang tumatawag. Sinabi nito ang mga kailangan ko malaman tungkol sa previous record at tinawagan din nito ang dating may hawak sa building para alamin ang history. "Thank you Joy," sabi ko bago ko pinatay ang phone ko. "Ms. Abulad, ginagawa na po ng team ko ang lahat para gumana ang lahat ng unit pero hindi po ako sigurado kung magagawa po namin iyon lahat. Lumalabas po kasi na may recommendation na po pala iyong previous maintenance regarding sa mga unit. Kailangan ko po makausap si Mr. Clarkson para maipaliwanag po sa kanya ang lahat," paliwanag ko rito. "Ganoon ba? Sige po sabihin ko ang mga staff ko na huwag na bumalik sa office. Papunta na rin naman po si Mr. Clarkson nasa meeting lang po siya kanina," tugon nito. "May naiwan pa po ba sa floor ninyo?" tanong ko. "May naiwan pa ako roon na isang employee para magbantay muna. Paakyat na rin naman ako dahil naiwan ko pa ang gamit ko sa taas," sabi nito. Sumakay na kaming tatlo sa elevator papunta sa second floor. Titingnan at aalamin na rin namin ni Kuya Sherwin kung ano na ang lagay ng mga unit doon. Pagpasok sa second floor ay nagpaalam si Ms. Abulad na pupunta muna ito sa office nito. Naghiwalay kami ni Kuya Sherwin para tingnan ang bawat aircon. Pagsilip ko sa isang office ay nakita ko ang isang babae nakayuko at abala sa pagsusulat. Nang mag-angat ito ng mukha ay natigilan ako dahil familiar ang mukha nito. Hindi lang basta familiar pero hindi ako pwedeng magkamali dahil may ilang gabi na ito ang kasama ko sa panaginip. "Monique," tawag ko sa pangalan nito. Napatingin ito sa akin at gulat na gulat ang dalaga. Kitang-kita ko sa ekspresyon ng mukha nito na hindi ito makapaniwala at ganoon din naman ako. Sino ang mag-aakala na magkikita pa kami pagkalipas ng ilang buwan. Napapanaginipan ko ito pero hindi na ako nag-abala na hanapin ito. Saglit na pumikit ito at naglakad ako papasok sa office nito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi ko maalis ang tingin ko rito katulad kung paano ko ito tingnan noong una ko ito nakita sa bar. May kakaiba at hindi ko maipaliwanag na effect ito sa akin na ngayon ko lang naramdaman. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa mga mata nito. "Charlotte," tawag mula sa may pintuan at agad ito tumayo. Bakit ito tinawag na Charlotte? Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkagulat kanina ay nakita ko na parang takot ito. Naguguluhan ako kung bakit ganoon ang reaksyon nito ng tawagin ito sa ibang pangalan. Tumingin ako sa paligid at tumigil ang tingin ko sa display cabinet kung saan makikita ang pangalan na Charlotte Olivarez at nandoon ang pictures nito. Gusto ko magalit at the same time ay tumawa dahil hindi ko akalain na ibang pangalan ang binigay nito sa akin. "Charlotte, you can go now. Si Mang Lino na ang magbabantay dito," nagmamadali na sabi ni Miss Jasmine na kausap ko kanina at ngumiti ang dalaga. "Mauna na ako Mr. Silvano," paalam nito nang tumingin sa akin at nakangiti na tumango ako. "Okay po Miss Jasmine," tugon ng dalaga na halatang kinakabahan. "Charlotte," paulit-ulit na banggit ko sa pangalan nito habang nakatingin sa mga mata nito. Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nakita ko ulit ito pero ang malaman na ibang pangalan ang ibinigay nito sa akin ng gabi na magkasama kami it was not a good feeling. Naalala ko bigla ang papel na iniwan nito na may nakasingit na pera. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko iyon. For no exact reason ay itinabi ko iyon sa wallet ko. Sa tuwing makikita ko iyon ay natatawa ako at naalala ko ang gabi na kasama ko ito. "Remember this?" sabi ko at pinatong ko sa ibabaw ng lamesa nito. Tumingin ito sa pinatong ko at nakita ko na huminga ito ng malalim. Lumampas ito sa akin at tumingin sa paligid saka sinara ang pinto. Nilapitan ko ang display cabinet para tingnan ang laman noon. Pinagmasdan ko ang mga pictures, award at certificates na nakalagay doon. "Charlotte Olivarez," banggit ko sa buong pangalan nito saka humarap dito. "Why?" tanong ko rito pagkalipas ng ilang minuto at tumaas ang isang kilay nito. "Hindi ko naman kasi alam kung magkano ang dapat ko na iwan — "You really think I am a escort?" natatawa na tanong ko at tumingin ito sa paligid. Kita sa mukha nito ang takot at pag-aalala na baka may makarinig sa usapan namin. Buong akala talaga nito ay isa akong escort. Pakiramdam ko ay na insulto ako dahil sa iniisip nito tungkol sa akin. "Do I look one? Did I strike you as an escort?" halos pabulong na tanong ko at salubong naman ang kilay nito. "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong nito at ngumiti ako. Kinuha ko ulit ang wallet ko at kumuha ako ng calling card. Inabot ko iyon dito at nagtataka na tiningnan muna ako nito bago nito tinanggap. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa card at dahan-dahan na tumingin sa akin. Ilang beses na palipat-lipat ang tingin nito sa card na hawak nito at sa mukha ko. "Nathaniel Silvano," pagpapakilala ko at nilahad ko ang isang kamay ko rito. Tumingin ito sa kamay ko sakay binalik ang tingin sa akin. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Hindi siguro ito makapaniwala na iba ako sa iniisip nito. Hindi ito nagsalita at tinanggap ang kamay ko. Napatingin ito sa akin nang pisilin ko ang kamay nito. Agad nito binawi ang kamay nito at hindi ko na pigilan ang mapangiti. "Sorry kung nagkamali ako ng pag-aakala. Ang alam ko kasi ay mga escort ang bisita ni Darwin that night. Hindi ko na inalam o tinanong dahil – "Dahil gusto mo rin ako makasama," nakangiti na dugtong ko sa sasabihin nito at tiningnan ako nito ng masama. "Huwag na natin pag-usapan iyon dahil nakaraan na. I am really sorry," seryoso na sabi nito at humakbang ako papalapit dito. Sa bawat hakbang ko papalapit dito ay humahakbang naman ito pabalik. Napangiti ako ng hindi na ito makahakbang dahil napasandal na ito sa pader. Pinatong ko sa dingding ang isang kamay ko sa gilid ng ulo nito at ang isa naman ay sa gilid ng bewang nito. Nanunuot sa ilong ko ang familiar na pabango nito. "I don't think sorry is enough," bulong ko sa tenga nito. "W-what exactly do you want, Mr. Silvano?" nauutal na tanong nito at tiningnan ko ito sa mga mata nito. "Have dinner with me," sagot ko at nilakhan ako nito nang mata. "And if I don't agree?" tumaas ang isang kilay nito. "I will just come here every day until you agree," nakangiti na sabi ko at napatingin ako sa labi nito. Kanina ko pa ito gusto halikan pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko na matakot ito sa akin. Ayaw ko na mag-isip pa ito ng hindi maganda tungkol sa akin. Ngayon lang kami nagkita at curious ako na mas makilala pa ito. Naramdaman siguro nito ang pagtitig ko sa labi nito kaya ito umiwas. Ilang sandali lang at pinatong nito ang dalawang kamay sa dibdib ko saka dahan-dahan ako tinulak palayo. "You have my number now Charlotte, so just call me when and where," sabi ko rito at naglakad na ako palabas ng office nito. "Boss, tapos na po sila," sabi ni Kuya Sherwin ng nakasalubong ko ito. "That's good," nakangiti na tugon ko at sumakay na kami ng elevator. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang nangyari kanina lang. Pagbaba namin sa first floor ay nandoon na lahat ng kasama ko. Napatingin ako sa relo ko at maaga pa naman para bumalik sa office. "Mananghalian na muna tayo bago kayo bumalik sa mga schedule ninyo," aya ko sa mga ito at masayang naghiyawan ang mga ito kaya napangiti ako. "Saan ka naman galing Boss kanina?" curious na tanong ni Kuya Sherwin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko at nakangiti na umiiling lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD