Chapter 14 - In my head

1810 Words
Nathaniel "Boss, may problema ba?" narinig ko na tanong ni Kuya Sherwin pero wala roon ang atensyon ko. Dalawang linggo na ako hindi makatulog ng maayos at makapag-isip ng maayos. Dalawang linggo na ang lumipas mula ng huli ko nakita at nakasama si Charlotte. Ilang beses ako pumunta sa opisina nito hanggang sa wala na akong maisip na dahilan na sasabihin sa mga tao na nandoon. Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko at hindi ako busy sa trabaho ay baka bawat minuto o oras ay minessage ko na siya at tinawagan. Ang hindi ko kasi maintindihan ay bakit niya ako iniiwasan dahil sa pagkakatanda ko ay okay kami ng gabing iyon at tumugon siya sa halik ko. Kinailangan ko nga lang na pigilan ang sarili ko dahil ayaw ko na madaliin siya. I was hoping that we start over again. "Nathaniel, okay ka lang ba?" tanong ulit ni Kuya Sherwin at this time ay tumingin ako sa kanya. "Ano ang pwedeng maging dahilan para umiwas ang isang babae?" tanong ko at gulat na tiningnan niya ako. Nanatili itong tahimik at nakatingin lang sa akin. Pinatong ko ang hawak kong lapis saka sumandal sa upuan at tumingala. Pagkalipas ng ilang minuto ay umayos ito ng upo. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. "Pwedeng ayaw niya sa iyo at hindi niya iyon masabi kaya mas pinili niya na umiwas na lang," sagot niya at napaisip ako. "Kung ayaw niya sa akin bakit hinayaan niya ako na halikan siya? Bakit tumugon siya sa halik ko? Bakit nararamdaman ko na gusto rin niya ako?" naguguluhan na tanong ko sa sarili ko at marahan akong umiling. "Pwede rin naman na gusto ka niya pero natatakot siya kaya imbes na tanggapin niya sa sarili ay umiwas siya hoping na mawawala rin iyon," sabi niya at bigla akong napatingin sa kanya at umayos ng upo. "That's make sense pero ano ang kinakatakutan niya?" bulong ko habang nag-iisip. "Malaki ang possibility na may nangyari sa kanya noon na dahilan para matakot siya na buksan ang puso niya. Sinaktan, naloko, iniwan at marami pang bagay na pwedeng ginawa sa kanya noon," paliwanag niya at yumuko ako. "Mukhang seryoso iyan Nathan kasi ngayon lang kita nakita na ganyan pagdating sa babae," nakangiti na puna niya at huminga ako ng malalim. "Exactly Kuya Sherwin ngayon lang ako nagkaganito at hindi ko alam kung bakit. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay iba na agad ang nararamdaman ko. Ang lakas ng dating niya sa akin at habang tumatagal ay mas gusto ko na kilalanin siya," paliwanag ko sa kanya at tinapik niya ako sa balikat. "Nagkaganyan ka ngayon kasi hindi ka sanay. Ang inaasahan mo kasi katulad ng ibang mga babae ay they will present their self to you openly. Nakukuha mo kasi halos lahat ng gusto mo na hindi mo na kailangan paghirapan. Hindi ko sinasabi iyon sa masamang way at hindi ko rin sinasabi na masama ka. Ang gusto ko lang na maintindihan mo na minsan ay kailangan mo rin paghirapan at tuunan ng pansin ang isang bagay bago mo iyon makuha. Subukan mo muna na kunin ang tiwala niya para makuha mo rin ang attention niya at pagtagal ay ang pagmamahal niya. Ligawan mo siya para ipakita mo sa kanya ang intensyon mo at ipakilala mo ang sarili ko sa kanya," paliwanag niya at napaisip ako. Tama lahat ng sinabi ni Kuya Sherwin kaya ako naging ganito ay dahil hindi nangyari ang inaasahan ko. Nag-effort din naman ako na makilala ang isang babae pero hindi sa lahat ng pagkakataon lalo na kung ang babae mismo ang nagpapakita ng motibo. Anim na buwan ang pinakamatagal ko na relasyon at mostly ay one-night stand o casual s*x ang mga iyon kaya hindi ko alam kung paano ko liligawan si Charlotte. "Maraming salamat Kuya Sherwin," nakangiti na sabi ko at nakangiti na tinapik niya ako sa balikat. Tinapos na namin ang ginagawa naming proposal para sa isang health facility. Kailangan namin gumawa ng quotation at proposal para sa darating na preliminary bidding. Pagkatapos namin ni Kuya Sherwin ay pinatawag ko si Gemma para bigyan ng instruction sa gagawin niya. Natapos ang maghapon pero wala pa rin ako nakuha na response mula kay Charlotte. Kailangan ay makaisip ako ng paraan para makausap ko si Charlotte. Hindi pa ako totally sigurado kung love nga ba ang nararamdaman ko para kay Charlotte. Ang tanging alam ko lang sa oras na ito ay gusto ko si Charlotte at ngayon ko lang naramdaman ito. Gusto ko malaman kung hanggang saan ako dadalhin ng nararamdaman ko. "Nasaan ka?" tanong ni Miguel pagsagot ko sa tawag niya. "Office pa ako pero pauwi na ako. Bakit?" tanong ko habang inaayos ko ang gamit ko. "Tumawag si Froilan nagaaya sa bar ni Darwin," sagot ni Miguel. "Okay, sunod na lang ako," sagot ko naman. "Patapos na rin naman ang session ko rito at doon na ako diretso. See you there Nathan," sabi niya bago mawala sa kabilang linya. Nauna na umalis ang mga employee at ako na lang ang naiwan. Pinag-aralan ko pa ulit kasi kung tama ba ang ginawa namin kanina ni Kuya Sherwin. Pagkatapos kasi namin mag-usap ay gumaan na ang pakiramdam ko. Ang goal ko ngayon ay makuha ko ang tiwala ni Charlotte sa kahit anong paraan. Wala sa ugali ko ang sumusuko agad dahil katulad ng sinabi ni Kuya Sherwin ay ginagawa ko ang lahat hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko. Pinalaki ako ni Dad sa ganun na mindset kaya naman mula noon hanggang ngayon ay dala-dala ko iyon. "Akala ko pa naman mauuna pa si Miguel sa iyo," natatawa na sabi ni Antonio at natawa ako. "Papasok na ako nang makita ko siya na mag-park. Akala ko nga mauuna pa siya kasi sabi ni patapos na sila sa photo shoot nila," sagot ko at inabutan niya ako ng beer. Isang personal fitness instructor sa mga kilalang personality si Miguel pero lately ay na discover siya para maging model. Australian ang father niya at Filipina naman ang mother niya. Pagkatapos siya ipinanganak sa Australia ay dito na sila namalagi ng parents niya. "Starting the party without me?" sigaw ni Miguel pagpasok nya sa VIP room kung nasaan kami. Mula naman sa likuran niya ay makikita ang kasama niya na mga babae na malamang ay kasama niya sa photo shoot kanina. Binati muna ni Miguel ang mga kaibigan namin na kasalubong niya bago makarating sa pwesto namin ni Antonio. "Mabilis ka talaga Nathan, akala ko mauna pa ako sa iyo rito," nakangiti na bati niya sa akin at natawa lang ako. Binigyan ni Antonio ng bote si Miguel na agad niya ininom na parang tubig lang. Tiningnan ko ang mga kaibigan namin na nagsisimula ng mag-party kasama ang mga kasama ni Miguel. "Sabihin mo lang sa akin Nathan kung sino sa kanila ang gusto mo makilala at ako na ang bahala," bulong ni Miguel at napailing ako. "May problema ba, Nathan?" tanong niya sa akin dahil iyon ang inaasahan niya na reaksyon ko. "Pagod lang," pilit ang ngiti na sagot ko at nagtataka na tiningnan niya ako. "Ano ba ang okasyon at nagpa-party si Froilan?" tanong ko. "He is getting married," nakangiti na sagot ni Miguel. Half-chinese and half-pilipino si Froilan. Sa kanilang magkakaibigan siya ang kadalasan nag-organize ng mga event para sa mga foundation na tinutulungan namin. Ang pamilya lang naman niya ang may-ari ng isang kilalang Mall dito sa Pilipinas. Mayaman ang angkan niya at solong anak lang siya. "Nakilala na niya iyong girl na pakakasalan niya?" curious na tanong ko at tumango si Antonio. Maya-maya lang ay pumasok na si Froilan sa kwarto at nag-palakpakan kaming lahat. Binati siya ng lahat at kitang-kita sa mukha niya ang saya kaya I assume na maganda ang kinalabasan ng pagkikita. "Congratulation Bro," nakangiti na bati ko sa kanya ng lapitan ko siya. "Thank you Bro," nakangiti na tugon naman niya. "Guys, thank you all for coming here on such a short notice," sigaw niya at tumingin sa kanya ang lahat. "I am getting married!" sigaw niya at naghiyawan saka nag-palakpakan naman kami dahil sa binalita niya. "Let's all celebrate," sabi niya at tinaas ang bote saka sabay-sabay kami uminom. Nag-kasiyahan na ulit ang lahat samantalang ako ay nakaupo lang at umiinom. Tiningnan ko lang ang mga ito . Sinenyasan ako ni Miguel na lumapit sa mga ito pero nakangiti na umiling lang ako. Wala ako sa mood ngayon at mas gusto ko na uminom lang. "Kumusta Nathan?" tanong ni Froilan at umupo sa tabi ko. "Okay naman," sagot ko. "I can't believe na ikakasal na ako. Hindi ko na imagine na ganito pala ang maramdaman ko kapag nakita ko na siya," masaya na sabi niya. "Ano ba ang inaasahan mo?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya bago tumingin sa akin. May mga naging girlfriend naman si Froilan na hindi Chinese pero noon pa man ay sinabi na niya sa amin na may nakalaan na para sa kanya. Hindi naman tumutol si Froilan sa kagustuhan ng Papa niya. May kasunduan sila ng parents niya na pagdating niya ng twenty-five at wala pa siyang girlfriend o hindi pa siya kasal ay matutuloy ang napagkasunduan noon. Nagkataon naman na single siya ngayon dahil nag-break sila last year ng girlfriend niya. "Wala as in wala. Hindi ko inaasahan na mapapaniwala ako sa sinasabi nila na love at first sight. Kahapon nang makita ko siya I was lost of words and didn't expect that I would fall like that. From the moment she enter the room I can't take my eyes off her. This might sound funny but she's the only person I can see in the room," kwento niya. "I totally get it," bulong ko at dinikit ko ang bote ko sa bote niya saka uminom. "The most unbelievable thing is that the moment we talk to each other we instantly feel the connection. She is funny, may sense kausap, opinionated, independent at higit sa lahat she is different. Just like me pumayag siya na makilala ako just to see kung may chemistry o connection ba siyang maramdaman. I think I found the girl I have been looking for," nakangiti na kwento pa niya. "Congrats, Bro. I am so happy for you because you finally found someone," nakangiti na bati ko sa kanya at nag-toast kaming dalawa. Hindi ko alam pero habang nagsasalita si Froilan ay isang tao ang na imagine ko na sakto sa description niya. Naalala ko ang gabi na kasama ko si Charlotte at kahit ilang oras lang kami nag-usap ay nakilala ko agad siya. Magaan siya kausap at madaling patawanin. Hindi siya takot sabihin kung ano ang opinyon niya. Huminga ako ng malalim dahil hindi na naman siya mawala sa isip ko. I just hope na bigyan niya ako ng pagkakataon na mas makilala pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD