Charlotte
"Lot, doon na lang tayo magkita sa party. Pasensya ka na kung hindi kita masusundo at may tinatapos lang ako. Tumawag na rin si Monique at tinatanong kung papunta na tayo. Sinabi ko na sa kanya na ma-late ako nang dating," sabi ni Marjorie nang sagutin ko ang tawag niya.
"Okay papunta na rin naman ako. See you later," tugon ko at nawala na ito sa kabilang line.
Kalalabas ko lang sa wine shop para bumili ng regalo para kay Arnold. Nag-book na lang ako ng Grab dahil hindi ko dala ang sasakyan ko. Birthday ni Arnold ang asawa ni Monique ngayon at may celebration sa bahay ng mga ito. Double celebration din dahil na promote si Arnold bilang Head Project Engineer sa company kung saan siya nag-work. Okay na si Monique at Arnold lumalabas na kaya laging busy si Arnold ay dahil may tinatapos siyang project. Hindi na niya sinabi kay Monique dahil ayaw niya na ma-stress pa ang asawa niya. Sa ilang linggo na pagmamanman ng private investigator ni Monique ay walang nakikita na kakaiba. Pagkatapos mag-report ng private investigator ay pinayuhan namin si Monique na kausapin ng mabuti si Arnold para mailabas niya ang saloobin sa asawa. Masaya kami ngayon para kay Monique dahil hindi nasira ang pagsasama ng dalawa. Mahalaga talaga ang tiwala at communication sa isang relasyon. Nag-enrol si Monique sa baking class para mawala ang stress niya at malibang na rin. Iyon kasi ang na isip niya na dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagbubuntis. Suportado naman ni Arnold ang desisyon ni Monique at sinabi na kung saan masaya si Monique ay doon siya.
Pagdating ng sasakyan sa labas ng bahay ni Monique ay napansin ko agad ang maraming sasakyan. Malaki naman kasi ang bahay ng mga ito at may space sa labas para roon ganapin ang party. Ang bahay na iyon ay pamana ng magulang ni Arnold.
"Maraming salamat," sabi ko sa driver pag-abot ng bayad ko.
Miss ko na ang mga kaibigan ko dahil dalawang linggo ako nawala. Pinadala ako ni Miss Jasmine sa bagong bukas na branch namin sa Bicol. Through video call lang kami nag-usap nitong mga nakaraang araw kaya updated ako sa mga nangyari kay Monique at Arnold. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad ko hinanap si Monique o kaya ay si Arnold para batiin. May mga familiar na mukha ako nakasalubong na binati ako at nginitian.
"Charlotte!" sigaw mula sa likuran ko at napalingon ako.
Patakbo na lumapit sa akin si Monique at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako sa ginawa nito at ramdam ko na bumalik na ulit ang dati niyang sigla. Niyakap ko rin ito ng mahigpit at ilang sandali lang ay naghiwalay na rin kami. Nawala na ang Monique na may malungkot na mata. Ang nakikita ko ngayon ay babae na maaliwalas ang mukha at may kakaibang kislap sa mga mata.
"I'm so happy you are here Lot. Akala ko late ka rin darating katulad ni Marjorie," nakangiti na sabi nito.
"Nasaan si Arnold?" tanong ko at inangat ko ang dala ko na wine para sa birthday celebrant.
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng bahay papunta sa garden kung saan ay nandoon si Arnold. Masayang nakikipag-usap si Arnold sa mga kaibigan niya.
"Happy Birthday Arnold," nakangiti na bati ko sa kanya bago ko siya yinakap.
"Thank you so much Charlotte," nakangiti na tugon naman niya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Pinakilala niya ako sa mga kasama niya pero wala isa man sa mga ito ang nakakuha ng interest ko. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa loob ni Monique para kumain. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Marjorie at hindi ito mag-isa dahil may kasama ito na lalaki. Pinakilala niya si Chris sa amin bilang boyfriend niya at nakangiti na tumango lang kami ni Monique. Hindi na kami nagulat na may ipinakilala si Marjorie sa amin at katulad dati ay umaasa kami ni Monique na sana ay last na iyon.
"Bakit ngayon lang namin narinig ang pangalan na Chris?" tanong ko kay Marjorie nang saglit na umalis si Chris.
"Sorry girls, hindi ko naman intensyon na ilihim o itago sa inyo ang tungkol sa amin. Noon kasi ay hindi pa ako sure kung dapat ko ba siya ipakilala sa inyo. I mean lumalabas kami pero pakiramdam ko kasi hindi siya seryoso until the other night. Sumugod siya sa bahay at tinanong niya ako kung ano ba talaga kami. Kung ano ba raw ang status ng relasyon namin. Ayaw daw niya na wala kaming label dahil seryoso siya sa akin kaya ayon girlfriend niya ako at boyfriend ko naman siya. Halos tatlong buwan din kami nagkikita at lumalabas. Mabait siya, sobrang maalaga, masipag at hindi pera ang habol niya sa akin," paliwanag ni Marjorie.
"Ilang taon na ba siya?" tanong ni Monique at kinagat ni Marjorie ang labi niya kaya nagkatinginan kami ni Monique.
"Twenty-nine," halos pabulong na sagot niya.
Hindi naman si Chris ang kauna-unahang na karelasyon ni Marjorie na mas bata sa kanya dahil may naging boyfriend pa nga ito na mas bata pa kay Chris. Kaya ganoon ang reaksyon ni Marjorie ay dahil nangako siya sa amin na hinding-hindi na siya papatol sa mas bata pa sa kanya. Hindi nanggaling sa amin dahil siya mismo ang nangako sa sarili niya.
"Okay. Whatever makes you happy Margo," nakangiti na sabi ni Monique.
Hindi naman sa nagagalit kami o wala kaming pakialam kay Marjorie nagkataon lang na sanay na kami. Alam naman niya na ano man ang mangyari ay nandito lang kami para sa kanya. Hindi na namin siya kailangan payuhan dahil alam na niya ang sasabihin namin. Bilib nga ako kay Marjorie kasi ang bilis niya maka-move on at hindi siya natatakot na magmahal ulit kahit pa nga ilang beses na siya nasaktan. Pero kahit paano ay nag-aalala pa rin kami kasi sa sobrang bilis niya maka-move on ay natatakot kami na baka dumating ang panahon na mapagod na siya o kaya ay namamanhid na siya sa sakit. Mahal na mahal namin si Marjorie at gusto namin siya maging masaya dahil deserve niya iyon.
"We just want you to be happy," nakangiti na sabi ko at tinapik ang kamay niya.
"Yes, I am very happy right now," bakas sa mga mata niya ang kakaibang saya.
"Ano naman ang work ni boyfriend?" tanong ni Monique at dumating na si Chris kaya narinig niya ang tanong.
"Isa akong Auto mechanic sa isang Car shop," sagot ni Chris.
Obvious na may something talaga sa dalawa dahil kitang-kita sa tinginan at kilos ng mga ito. Natatawa kami ni Monique habang pinagmamasdan namin ang dalawa kasi parang bumalik sa pagka-teenager si Marjorie.
"Happy birthday," bati ni Marjorie at napalingon kami.
Nakatayo si Arnold sa likod ni Monique. Nagulat ang lahat ng biglang lumuhod si Arnold at tumayo naman agad si Monique. May kinuha siya mula sa likuran at nanlaki ang mata ni Monique ng buksan niya ang isang black box na may laman na jewelry set. Lumapit si Monique sa asawa niya at niyakap si Arnold. Nag-palakpakan ang lahat dahil sa nasaksihan at mas lumakas pa iyon ng halikan ni Arnold ang asawa niya sa harap ng maraming tao. Nagkatinginan kami ni Marjorie saka ngumiti dahil pagkatapos ng nangyari sa dalawa ay nanatili silang magkasama. Habang pinagmamasdan ko si Monique at Arnold ay naisip ko kung makakahanap pa ba ako ng lalaki na magpapasaya sa akin. Lalaki na makakasama ko at hinding-hindi ako iiwan. Kaso naisip ko na baka imposible na iyon mangyari dahil duwag ako. Naiisip ko pa lang ay natatakot na agad ako at naalala ko ang sakit na nangyari sa akin noon.
"Baby, kay Charlotte ka na kumuha ng insurance," sabi ni Marjorie at tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya.
"Naghahanap nga ako ng magandang insurance na pwede kong kunin," nakangiti na sabi ni Chris.
"Ganoon ba? May iba't ibang uri ng insurance kami na pwedeng ialok sa iyo. Mas maganda kung pag-usapan natin sa ibang pagkakataon para mas maipaliwanag ko sa iyo," tugon ko at tumango-tango naman ang dalawa.
"Buti na lang talaga at hindi totoo ang hinala ni Monique. Mabuti rin na hindi siya nag-padalos dalos at pina-imbistiga muna niya si Arnold. Paano na lang pala kung nakipaghiwalay agad siya at hindi muna inalam kung ano talaga ang nangyayari. Mahirap kapag nauna ang pagdududa kasi nawawala agad ang tiwala," sabi ni Marjorie habang habang pinagmamasdan namin ang dalawa at tumango ako.
"Importante kasi sa isang relasyon ang tiwala at pati na rin ang maayos na communication. Kapag may problema dapat ay pag-usapan muna para malaman ang both side. Hindi sapat ang duda lang dahil kadalasan ay nagkaroon lang ng alinlangan. Mahalaga rin na maging open sa isa't isa at sabihin ang nararamdaman sa bawat isa," katwiran ni Chris at napatingin ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan iyon.
"At least they learn their lesson at siguro naman ay alam na nila ang gagawin sa susunod. Muntik na sila magkahiwalay kaya dapat ngayon ay mas dapat nila pahalagahan ang isa't isa," nakangiti na sabi ko.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagpaalam na kami sa mag-asawa. May ilan na rin mga bisita ang umalis dahil patapos na party.
Yinakap ko muna ng mahigpit si Monique at binati ko ulit si Arnold bago kami umalis. Nag-book na lang ulit ako at hindi na ako sumabay kay Marjorie at Chris kahit pa mga nag-alok ang mga ito. Masaya ako para sa mga kaibigan ko pero hindi ko mapigilan ang malungkot. Pagdating ng sasakyan ay sinabi ko kung saan ako papunta. Imbes na diretso sa bahay ay naisip ko na sa isang bar pumunta.
"Just another night," sabi ko sa sarili ko habang nasa biyahe.