Chapte 33

687 Words
Zaki's POV Maaga akong nagising para sunduin ang kababata ko sa airport,tulog pa si Karen kaya hindi ko na siya ginising para magpaalam. Sinabihan ko rin si Gina na palipatin siya sa guest room katabi lang yun ng kwarto ko. Nang dumating ako sa bahay hinatid ko muna si Margo sa kwarto niya tsaka ako pumunta ng kusina para tingnan kung nakahanda na ang pagkain. Nakita ko naman si Manang na nag-aayos ng lamesa. "Manang okay na po ba ang pagkain,"tanong ko. "Handa na iho pwede na kayong kumain," "Si Karen kumain na po ba,"tanong ko ulit. "Hindi pa.Hinanap ka niya kanina nung bumaba siya dito ang sabi ko sinundo mo ang kababata mo.Mukhang nag-iba yata ang mood niya sa sinabi ko,"sabi ni Manang. Lumabas ako ng kusina at pinuntahan siya sa kwarto niya,pagpasok ko nakadungaw siya sa bintana mukhang nakita niya ang pagdating namin. "Kumain ka na ba,"tanong ko sa kanya. "Hmmm..tipid naman na sagot niya tsaka siya naglakad papasok sa loob ng banyo.Lumabas ako ng kwarto para pumunta ng kusina,pagpasok ko naghihintay na sa akin si Margo sa hapag kainan.Inutusan ko naman si Gina na hatiran ng pagkain sa Karen. "Sino si Karen?hindi ka naman dati nagdadala ng babae dito sa bahay mo,"tanong ni Margo. "Kumain ka na lang Margo,"sagot ko. Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa library sumunod namak si Margo sa akin.Umupo ako sa sofa at tumabi naman siya nilagay niya ang kamay niya sa hita ko. Bigla namang may kumatok kaya kinuha ko ang remote para buksan ang pintuan,nakita ko si Gina at sa likuran nito ay si Karen kaya tinanggal ko ang kamay ni Margo sa hita ko. Baka kung ano na naman ang isipin niya,ang hirap pa naman niyang suyuin.Nagpa-alam siya na kung pwede daw siyang lumabas para magpadala ng pera sa probinsya. Pinayagan ko naman siya pero sinabi kong pasasamahan ko siya sa mga tauhan ko. Habang nasa kwarto pa si Karen nagbilin naman ako sa mga tauhan ko na wag na wag nilang aalisin ang paningin nila kay Karen. Nakita ko siyang pababa ng hagdan dumiretso siya sa labas at hindi ako pinansin.Matapos kong kausapin ang mga tauhan ko lumabas na kami nakita ko si Karen na naghihintay sa tapat ng pintuan. Hinapit ko siya sa beywang bago siya pumasok ng sasakyan para sana halikan pero nagulat ako ng iniwas niya ang labi niya sa labi ko kaya hindi ko siya nahalikan. "Aalis na kami para makabalik agad,"sabi niya bago tuluyang sinara ang pinto ng sasakyan. Napatingin na lang ako sa papaalis nilang sasakyan. Mahigit isang oras na ay hindi pa bumabalik ang mga tauhan ko na kasama ni Karen.Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko,nakita ko sa screen na tumatawag ang isa sa tauhan ko na kasama ni Karen. "Hello,"sagot ko sa tawag. "Boss,may problema po kanina pa po namin hindi mahanap si Miss Karen.Nagpaalam po siyang mag c.r pero kanina pa po hindi pa siya lumalabas kaya pumasok kami sa loob ng banyo pero wala po siya sa loob mukhang tinakasan po kami."mahabang paliwanag ng tauhan ko. "Bumalik kayo dito sa bahay ngayon din,"sigaw ko sa kausap ko. Karen....tinakasan mo na naman ako.binato ko ang vase sa pader dahilan para magka pira-piraso ito,hindi pa ako nakuntento binuhat ko ang tv at hinagis ulit sa pader. Para na akong mababaliw,hindi ko inaasahan na tatakasan niya ako.Kahit saan ka magpunta Karen hahanapin kita hinding-hindi ka makakapagtago sa akin. Lumabas ako ng kwarto para bumaba,nakita ko naman ang mga tauhan ko na kasama ni Karen papasok ng pintuan. Agad ko silang sinalubong at isa-isang pinagsusuntok at tinadyakan. "Isa lang ang inuutos ko sa inyo hindi niyo pa nagawa ng maayos ang trabaho niyo,"natakasan kayo ng isang babae,"sigaw ko sa kanila. "Pasensya na boss nakaabang naman po kami sa labas ng c.r pero hindi po namin siya nakitang lumabas,"paliwanag ng isa. "Umalis kayo sa harapan ko baka hindi ako makapagpigil at maaga ko kayong maibaon sa lupa,"galit na sabi ko. Agad naman silang nagtayuan at tumakbo palabas ng pintuan. "Ako na po ang bahala boss titingnan ko po ang cctv sa pinuntahan nila,"sabi ni Gina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD