Chapter32

437 Words
Pumasok ako sa loob ng palawan pawnshop,kinuha ko ang cellphone ko at tinxt si Jessa kung merong palawan sa lugar nila. Sumagot naman agad ito na meron daw. Nag fill out ako ng form imbis na sa probinsya ko ipapadala ay kay Jessa ko ito ipinadala,mamaya ko nalang siya kausapin. Nang matapos ako, lumabas na ako at nagpaalam sa mga tauhan ni Zaki na magbabanyo lang muna.Buti na lang may pampublikong c.r malapit dito sa pinuntahan ko. Pumasok ako sa loob ng banyo nakita kong may kasama pala ako sa loob,napansin ko naman ang suot niyang sumbrero at maluwag na hoodie. "Miss pwede bang ibigay mo nalang sa akin ang sumbrero at hoodie mo babayaran na lang kita kung magkano ang presyo,"sabi ko. Tumango naman ang babae,hinubad niya ang sumbrero at hoodie niya tsaka binigay sa akin inabutan ko naman siya ng pera. Sinabi ko sa kanya na mauuna akong lumabas at sumunod nalang siya.pag tinanong siya ng mga taong nagbabantay sa labas sabihin niya na nasa loob pa ko. Nag-suot din ako ng face mask buti nalang parati akong may dala sa bag ko,kinakabahan man pero kailangan kong gawin to.Huminga akong malalim tsaka naglakad palabas ng c.r. hinawakan ko ang sumbrero na suot ko para hindi nila ako makilala.Matagumpay ko naman silang nalagpasan,mabilis ang bawat hakbang ko papalayo sa kanila. Pumara ako ng taxi para magpahatid sa terminal,tinxt ko ang kaibigan ko na sakay na ako ng taxi binigay ko rin sa kanya ang plate number tsaka ko pinatay ang cellphone ko. Halos isang oras din ang byahe ko ng makarating ako sa terminal,nakita ko naman ang kaibigan ko na nakatayo sa gilid.Nagbayad lang ako sa taxi at bumaba,nakita naman agad ako ng kaibigan ko sinalubong niya ako at niyakap. "Kailangan na nating umalis hindi tayo pwedeng magtagal dito."sabi ko sa kanya. "May problema ba besh,"tanong niya "Mamaya ko na sasabihin sayo," Bumili lang kami ng ticket namin sa bus pati pagkain at pumasok na sa loob ng bus. Habang hinihintay namin na makaalis ang bus hindi ko maiwasang kabahan.Alam kong walang pakialam si Zaki na umalis ako pero alam ko din na hindi niya papayagang ilayo ko sa kanya ang anak niya. "Besh okay ka lang ba bakit parang hindi ka mapakali diyan,"tanong ng kaibigan ko. "Besh may sasabihin ako sayo," Sinabi ko sa kanya ang lahat pati na rin ang pagbubuntis ko at kung sino ang ama,akala ko magagalit siya pero pinili niyang unawain ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng unti-unti ng umuusad ang sinasakyan naming bus,medyo malayo din ang byahe namin kaya mas pinili naming matulog na muna habang nasa byahe kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD