“BILIS NAMAN!” inis na utos nito sa akin habang pababa kami ngayon mula sa itaas. Hawak-hawak nito ang kaniyang mga gamit at iba pa. Ganon din ang gamit ko na kaunti simula nung kinuha niya ko. “Terre!” sigaw niya ng makababa kami at agad-agad namang lumabas ang isang may katandaan na nakasuot ng scrub suit. Terre? Bakit ganito niya tawagin ang mas matanda sa kaniya? “Hoy! Ikaw umaayos-ayos ka ng pagtawag kay alingTerre! Hindi kayo magka-edad ha!” masama akong tinignan nito ng batukan ito bago ko sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon. Hawak-hawak niya ang kanyang batok habang nakatingin sa akin at sa kaniyang ginawa. “Pasensiya na po aling Terre,” paghihingi ko ng pasensiya ka sakanya ngunit nakasimangot lang lalo iyon. Parang hindi siya sa sang-ayon sa mga sinabi ko at sa ginawa ko.

