MABILIS lumipas ang oras ng makauwi kami ni Hell sa kaniyang condo. Mas malaki pa ito kaysa sa inaasahan ko. Hindi ko akalaing sa murang edad ay magkakaroon siya ng kaniyang sariling condo. Samantalang ako ay palamunin pa rin ng kuya ko. Mabilis sumagi sa isipan ko ang kapatid ko kaya't agad kong kinuha ang telepono ko saka iyon chineck kung mayroon na bang text or chat ng kuya ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaya ako na ang unang nag-chat sa kaniya. Agad kong tinype kung kamusta na siya dyan at agad iyong sinend sa kaniya. "Sino ka text mo?" mabilis akong napatingin kay Hell na ngayon ay hindi maipinta ang kaniyang mukha na animo'y hindi gusto ang aking ginawa. Ano ba ang masama sa ginawa ko kung nag-chat lang naman ako sa kuya ko? " I was just checking to see if my brother h

