Napatingin na lamang ako sa mga mata niya na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. Napalunok akong muli nang makita ko nanaman ang kabuuan ng kani’yang mukha.
“f**k! You're so heavy!” Hirap na sabi niya at ipit na ipit na tinig nito nang sabihin yon sa akin. Ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang bitawan niya ako.
“Ouch!” Napatagilid ako maramdaman kong tumama ang likod ko sa lupa. Ihinulog niya ako na akala mo ay isa akong sako ng bigas! Mukha ba ‘kong sako ng bigas? Ramdam ko ang sakit ng likod ko, dahil ginawa ng dugyot na ‘to.
“Tumayo ka nga r’yan,” sabi nito sa akin, habang ako ay nakahiga pa rin sa sahig, dahil sa dinadamdam kong sakit. Oo, masakit! Syempre hindi pa magaling ang natamo ko nitong nakaraang araw tapos heto pa ngayon na dinagdagan pa ng hayop na ‘to.
Unti-unti akong tumayo habang hawak-hawak ko ang aking braso.
Masama kong tinignan si Yi na ngayon ay naka pamulsa lamang, habang nakatingin sa akin. Pagtayo ko ay agad kong pinagpag ang palda ko na mayroong dumi, dahil sa aking pagkakahulog! Oo, kasalanan ‘yon ni Yi! Bwesit ‘to.
“Ba’t ba ang tanga mo?” Nakatingin ito sa akin at ang kan’yang mga kilay ay halos magkadikit na. Lukot ang kaniyang polo at magulo ang kan’yang buhok.
Pogi nga ito ngunit ang ugali naman ay pangit. Kasing pangit ni Mavie.
“Sana hindi mo na lang ako sinalo!” Pag-iinarte kong sabi, habang ang mga kamay ko ay nasa aking braso at nakatingin sa kanya nang lukot ang aking noo. “Bibitawan mo lang din pala ako,” sunod na sabi ko at ngumuso. Inayos ko ang aking bag na nakasabit pa rin sa likod ko, dahil bag pack naman iyon.
“What did you just say?” Pagtatanong nito sa akin na ngayon ay naka taas ang isang kilay na akala mo ay nagmamaldita.
Totoong maldito ito! Nang maaksidinte kami ni Hell ay lagi ko itong nakakasalamuha. Kahit hindi ko gustuhin ay lagi ko siyang nakikita.
“Sinalo mo nga ‘ko tapos binitawan mo rin ako. Wala rin nasaktan lang din ako,” sunod ko. “Kung hindi kita sinalo, baka hindi lang ‘yan aabutin mo,” Sagot nito sa akin na ngayon ay sad’yang nakataas ang mga kilay.
“Gano’n din at least natuto ako sa kagagahan ko!”
“What?” Tanong nitong muli na halatang iritableng-iritable na. "W-wala.” Gano’n na lamang ang sinabi ko at saka nagsimulang maglakad. Ngayon ay nasa likod kami ng school. Kahit na ang bobo ko sa part na hindi ko alam na may gate roon. Mukha pa ‘kong tangang umakyat sa mataas na pader at mukhang tangang walang cycling!
Umi-stop ako nang maalala ko ang tanong nito sa akin kanina. Manyak ka talagang lalaki ka! Lumingon ako sa gawi niya, ngunit gano’n na lang ang gulat ko ng nasa likod ko ito. Naka sunod ito sa akin.
Agad kong sinawalang bahala ang nasa isip ko at taas tingin ko siyang tinignan.
“Una sa lahat hindi Monday, Tuesday ang panty ko! VS ang mga ‘to!” Pagmamataas kong sabi at proud na proud pa sa panty ko. Totoo namang VS ang mga panty ko, ah!
“Alam mo bang mukha kang tangang aakyat nang gano’n kataas sa pader?” Iritang tanong nito sa akin na ngayon ay akala mo ay bubugahan ako ng apoy. Napalunok naman ako, hindi ko alam ang sasabihin, dahil totoo naman ang sinasabi niya. Maari akong mabalian ng kung anong buto, dahil sa ginawa ko pero kailangan ko talaga mapuntahan si Hell.
“Pa’no na lang kung wala ako ro’n? ‘Di sa iba ka na fall?” Sunod na tanong nito na pinanlakihan ng mga mata ko.
“’Di sa iba ka na fall?"
Umiling-iling ako nang isipin ko ang hindi dapat isipin. Same words, different meanings!
Okay! Gano’n lang ‘yon! Bakit ba gan’to lagi ang apekto ng dugyot na ‘to sa akin? “A-Ahh...” saka lumunok ulit, hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko ng, dahil sa sinabi niya.
Wala namang mali sa sinabi niya, ako ang mali!
“Kailangan ko na puntahan si Hell.” ‘Yun na lamang ang sinabi ko at madaling tumakbo kahit dama ko ang kirot sa aking katawan. Maraming nangyari ngayong araw at lahat ng iyon ay nagawa ko nang dahil lamang sa iisang tao.
Inuulit-ulit ko sa ‘king sarili na kailangan ko makita si Hell. Kailangan ko siya makasama at makita kung ayos lang ba siya.
Nasa main road na ‘ko nang maramdaman kong parang may nakasunod pa rin sa akin. Kanina ko pa ito napapansin, ngunit hindi ko na lamang pinapansin.
Ma-tyaga akong pumunta sa may waiting shed upang maghintay ng bus o kahit taxi papuntang ospital, dahil wala na akong bike at kung mayroon man ay hindi ko rin naman magagamit, dahil sa ako’y nag-over the bakod lamang.
Marami akong naiisip at nauuna roon ang inis.
Tanda ko pa ang pangalan ng hayop na gumawa no’n kay Hell. Kasim.
Kasim ang pangalan nito at babalikan kita kung mayroon mang mangyaring ‘di kaaya-aya sa mahal ko. At isa pa ay paano ko sila gagantihin kung ang lakas ko ay hindi ko pa madala sa laban? Ang hirap nito ilabas. Ngunit mayroon sa akin ang sabik sa laban para akong uhaw sa laban.
Ang paghawak ng pana o palaso.
Hindi ko man masabi sa sarili ko, ngunit hinahanap-hanap iyon ng kamay ko. Siguro nga ay isa akong magnanakaw dati o isang akyat bahay?
Ngunit iba talaga ang kwento sa akin ni kuya. Isa akong sweet girl? Mahilig makipagbiruan? Pala kaibigan? At mahilig daw ako sa Dora?!
‘Nak ng potcha…
“Sinusundan mo ba ‘ko?” Marami man akong iniisip ay ramdam ko pa ring may naka sunod sa akin kaya naman agad akong muling huminto at hinarap ito. Naka pamewang ako sa isip-isip ko na talagang sinusundan niya ko.
“Pag-ikaw na kita ko sa pupuntahan ko ay tatadyakan kita palabas,” Biglang panakot nito at saka diretsong lumakad. Ngayon ay mas nauna na ito sa akin. Sinundan ko lamang ito ng tingin at nakita kong sumakay na ito ng taxi.
Ngumuso ako bahagya nang isipin kong saan naman kaya ito pupunta? Akala niya siguro at uuwi na ‘ko. Tss!
Napairap na lang ako at sinimulang maglakad at saka sumakay ng bus na saktong kakahinto lamang sa waiting shed. Lagi akong nasa pangalawa sa dulo ng bus at lagi din akong nasa tabi ng bintana, hindi ko alam kung ako lang ang gusto talaga ang tabing bintana.
Ang saya kaya sa tabi ng bintana. Papanoorin mo sila at nakakalibang na iyon. Mayroon namang nagfe-feeling nasa music video.
Ilang saglit pa ay nakababa na ako sa bus at sinimulang maglakad patungo sa ospital batid kong masakit pa rin ang aking likod, dahil sa pagkakabagsak ko sa ginawa ni Yi.
Sasaluhin ka tapos bibitawan ka rin pala.
Diretso akong pumunta sa kwarto ni Hell at saka kinatok iyon. Hindi na ‘ko nag-antay na may magpapasok sa akin, dahil sinimulan ko ng pumasok.
Gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang naandon si Yi.
Akala ko ay sinusundan niya ako?!
“Ha? Paano ka nakalabas?” Tanong sa akin ni Singko na ngayon ay litong- lito. Siguro ay nagtataka ito, dahil ang hirap makalabas ng mga normal na istyudante sa SHINUN. “How?” Tanong din sa akin ni Roku na ngayon ay nanliliit ang kan’yang mga mata na iniisip kung paano nga iyon nangyari.
Halata sa kanila ang pagtatanong sa isip, kung paano iyon nangyari maliban sa isang lalaki na ngayon ay nakangisi at nakadekwatro lamang habang ang mga kamay ay naka-cross.
“Yi? Alam mo ba? Magkasunod lang kayo,” tanong ni Si na ngayon ay nakatingin sila kay Yi. “Tanungin niyo siya kung saan siya dumaan,” Ngiting ani ni Yi. Halatang nangaasar...
“Saan ka nga ba dumaan?” si Roku.
“Ahh...” Napakagat na lamang ako sa ibaba ng labi ko nang hindi ko masabi sa kanila kung saan ako dumaan, dahil sa kahihiyan. “Can you f*****g stop that?” Gulat ako ng mapatingin ako kay Yi. Nalilito man akong tignan siya, dahil hindi ko alam kung ano ang ihihinto ko.
“Stop what?” Pikit-pikit ko pang tanong, dahil sa hindi ko alam kung ano ang ii-stop ko. “Biting your f*****g lips,” Diin na sabi niya na halos pagdikitin na ang mga kilay ko nang isipin na inaano ba siya ng labi ko?!
Pinagtaasan ko na lamang ito ng gilid ng labi at sinulyapan si Hell.
“Hindi pa rin siya nagigising,” ani Singko sa akin.
Agad akong umupo sa tabi ng kama niya at tinignan lamang ang kan’yang mga mukha. Napaka amo ng mukha niya kahit tulog siya napaka-gwapo naman nito.
Ang ilong niyang maliit na matangos. Ganito siya pala matulog? Ang mukha niya ay na hindi laging nakadikit ang kilay at akala mo ay laging galit sa mundo.
“Gantihan na natin ang mga ‘yon!” Biglang bigkas ni Roku kaya’t naman ay napatingin ako sa kanila. “Yi, kailangan natin balikan ang mga gagong ‘yon,” Dagdag naman ni Singko habang sila ay nakatingin kay Yi. Ngunit si Yi ay nakatingin lamang sa kan’yang kuko.
“Alam mong hindi pwede,” Sagot nito.
Naroon sa isip ko ang pagtataka nang sabihin nitong hindi pwede, bakit?
“Bakit?” Tanong ko.
“Yi, hindi pweding gano’n-gano’n na lang! Gawin natin nang hindi niya nalalaman!” Dagdag muli ni Singko na halatang-halata na kating-kati na ito gantihan ang mga gumawa nito kay Hell. Hindi nila pinansin ang tanong ko ngunit palagay ko ay alam ko na ang sagot, dahil si Hell ang leader ay siya lamang ang pwedeng magdeklara ng gagawin nila… ayan ang nasa isip ko.
“Why?” English ko na ‘yung tanong ko, baka ‘di nila gets ‘yung Tagalog.
“Wala ka na ro’n,” Sabat ni Yi sa akin.
“Hindi kami pwede kumilos nang hindi sinasabi ni Hell,” Sabi ni Si na siyang sumagot sa tanong ko. “Hindi niya nalalaman…” gaya ko sa sinabi ni Si, dahil kahit ako ay gusto kong maipaghiganti si Hell.
“He knows. He will knows…” si Roku. “So? Sinasabi niyong hahayaan niyo na lang ang gumawa nito sa kanya?” Oo, masama ang loob ko, dahil hindi sila makagawa ng paraan. “Kazu kami at hindi ka parte ro’n, kaya hindi mo alam ang batas,” Dagdag ni Yi.
Napapikit na lamang ako nang walang katarungan sa ginawa nila kay Hell. Maluha akong tinignan si Hell. Hindi ako papayag na hindi sila magantihan.
Hindi ako papayag na hindi sila nakalatay sa lupa. Nayukom ko ang aking kamay.
Alam ko ang taguan niyo.
Magkikita tayo bukas… Paghandaan niyo na ang lahat nang kaya niyong paghandaan, dahil hindi ako marunong magbigay ng awa.
Kasim...