“Hindi po ba talaga pwedeng lumabas, kuya?” Pagpipilit ko mula sa guard ng school, dahil kailangan ko na talaga makita Hell.
Baka nagtatampo na iyon sa akin at kailangan ko siya makamusta. Ngayon ay nandito ako sa may gate namin at kinakausap ang guard. Halos magmakaawa na nga ko sa kagustuhan kong makalabas, ngunit hindi ako nito pinapayagan, dahil siya naman nga raw ang lagot pag may nangyari sa aking masama.
“Sige na, Kuya! Nasa ospital kasi ang boyfriend ko, e!” Pagmamakaawa ko pa ngunit kinuha nito ang telepono niya. “Sasabihin ko ‘to sa guidance kapag hindi ka pa umalis!” Iritableng sabi nito sa akin kaya naman ay wala akong nagawa kun’di ang umalis na lamang.
Naglakad na ‘ko paalis, dahil sa sobrang badtrip ko, ngunit isa na lang talaga ang naiisip ko. Over the bakod!
‘Yan ang naiisip ko, ngunit napakataas ng pader na iyon! Pero hindi pwede! Kailangan ko gawin ito para kay Hell! Ayon ang nasa isip ko habang naglalakad ako papunta sa building nila Hell, dahil ang mula sa second floor no’n ay kaunti lang ang layo ng pader mula roon.
Nasa klase naman ang mga istyudante kaya hindi ako nito mapapansin. Doon ako dadaan sa cr ng mga babae. Lahat ng cr dito ay may bintana kaya naman doon ako dadaan. Delikado nga lang iyon.
‘Yan ang aking balak ng saktong pagdating ko sa building nila ay takbo akong pumunta sa banyo.
Ito na! Ngunit pagpasok ko ay nanlaki ang mga mata ko. Bakit ang daming tao?! Kaya naman kinalabit ko ang isang babaeng naghuhugas ng kamay.
“Hi! Excuse me, ano kasi… break time niyo ba?” tanong ko sa kaniya, dahil iilan ang mga babaeng narito. Hindi naman sila mukhang nag-cutting, dahil hindi naman nila gugustuhing mag-skip ng class at tumambay sa banyo, ‘di ba?
“Wala kasi Teacher naming,” Sabi nito sa akin at kumuha ng tissue mula sa gilid ko. Hihintayin ko ba sila na umalis? Pero magtataka naman sila, kung naandito lang ako sa loob ng banyo baka sa gano’ng paraan ay isumbong nila ako.
Nanlumo akong bumaba mula sa building na iyon. Bakit naman ayaw nila akong papuntahin sa boy friend ko? Napatingin ako kabuuan sa aking dinaanan ng maisip na ito ang laging dinaanan ni Hell.
Nagningning naman aking mga mata nang isipin kong hinawakan niya kaya ang bakal na ito mula sa hagdan pagaakyat siya at bababa?
Napabungisngis ako...
“Nababaliw na siya...” Nawala ang ngiti ko nang may paakyat na dalawang babae na ngayon ay lumalayo sa akin, dahil sa parang iniisip nila na baliw na ‘ko. Napapikit na lamang ako sa hiya, dahil sa aking ginawa pero hindi ko iyon matago, dahil totoo naman akong kinikilig talaga!
Nang makababa ako ay napahinto na lamang ako nang makita ang classroom sa tabi ng hagdan na kung saan doon ko nakita si Yi at Mavie.
Kung saan doon naglahad ng nadarama si Yi para kay Mavie, ngunit sa masamang palad ay hindi siya nito mahal. Kung tutuusin nga ay bagay sila, dahil parehas din silang masama at magaspang ang ugali.
Inalis ko ang tingin ko roon at saka tumingin sa daanan.
Ito! Ito ang laging dinadaanan ni Hell at doon naman ako lagi nag-iintay sa kanya. Napangiti akong muli nang maalala ko lahat ng kagagahan ko simula nu’ng unang una ko siya nakita. Mula sa pagbato sa akin ng bote niya, mula sa pag-ipit ko ng kamay niya, dahil ‘yon ay kasalanan niya kung hindi ko iyon nagawa ay baka nasubsob na ang mukha ko sa sahig na mas lalong nakakahiya!
Mukhang mag-iintay na lang talaga ako ng mag-uwian, dahil hindi ko na alam talaga kung saan ako dadaan.
Pumunta ako sa gilid kung saan doon ko hinila si Hell upang magtago kami kila Mavie at Yi. May halong lungkot kong ginawa muli ang pagkakadikit ng aking likod mula sa pader, kung paano ako ganunin ni Hell. Kung paano niya ako corner-in sa mabilis na segundo.
Kung paano ko nakita ng malapitan ang kan’yang mukha, kung paano ako nakuha ng kan’yang mga mata.
Love...
Halos nanlumo nang maisip kong hindi ko siya mapuntahan ngayon, dahil heto ako... Walang maisip kung saan dadaan.
“Hayss!” Nagtaas na lamang ako ng tingin, dahil sa hindi ko na alam ang aking gagawin. Tinignan ko na lamang ang kabuuan ng pader na nasa harap hanggang sinundan ko ng tingin pa kaliwa.
Nakuha ng atensiyon ko ang isang pader na panay dahon. Medyo may kalayuan na ito mula sa aking kinatatayuan kaninaa at nahaharangan ito ng building. Sa madaling salita ay nasa likod na ako ng building nila Hell.
Tinignan ko ang likod ng building nila Hell at doon ko lamang napansin na may nakaharang pa pa lang pader. Fire wall ba ito?
Sa lahat ng building ay ito lamang ang may ganito, ngunit sumagi sa isip ko na parang mini garden ito, dahil ang pader ay napupuno ng kulay green na halaman na nakadikit lamang sa pader. bakit may ganito rito? Ngayon ko lamang ito nakita.
Alam din kaya ito ng mga ibang istyudante? O ako lamang?
Pero bumilog ang mga mata ko nang makita ko ang pader. Ang katabi ng pader na may mga halaman ay may katabing bakbak na pader.
Doon ko naisip ang idea ko!
Aakyatin ko ito talaga, dahil kaya kong hawakan ang mga hallow blocks na ito! Bako-bako ito! Ngunit doon ko lamang naisip na naka uniform nga pala ako. Naka palda ako!
Sinawalang bahala ko iyon, dahil sino ba naman ang pupunta dito, dahil oras ng klase ngayon. Inayos ko ang aking bag mula sa aking likod at itinali ang aking buhok.
Now Playing: Eye of the tiger by Survivor
'Den. DenDenDen... DenDenDen... DenDenDeeeeeeeennnnn…'
Tinignan ko ng matalim ang pader na aking aakyatan. Itinaas ko bahagya ang jacket ko mula sa aking braso at magkabilaan ko ‘yong ginawa.
Ngayon ay inakyat ko ito. Halos nasaktan lamang ako nang maramdaman kong nagasgasan ang aking sapatos. Mamahalin iyon! Pero para kay Hell gagawin ko ang lahat! Hindi ko alam pero nadalian lamang ako sa pag-akyat ng pader, medyo may kataasan ito ngunit hindi ko ‘yon alintana, dahil nadalian lamang ako talaga.
Hindi kaya akyat bahay ako noon?
Napahinto ako sapag-akyat ko nang maisip ko iyon, dahil hindi ko alintana ang taas nito at hindi rin naman ako takot? Bakit ang bilis kong makaakyat?
Agad kong dinako ang kamay ko sa dulo ng pader na kung saan ay tuktok na iyon ng pader. Makaka punta na ko sa ‘yo Hell!
Agad ko ring dinapo ang isa ko pang kamay doon na ngayon ay para akong nakasampay sa pader. Ipinatong ko ang baba ko sa flat na dulo ng pader at ngayon naman ay kailangan ko iangat ang aking paa.
“What are you doing?” Nagulat ako nang may nagsalita. Sa tinig pa lang ng boses na iyon ay kilala ko na kung sino iyon. “Yi! Ikaw ba ‘yan?” Tanong ko, dahil hindi ako makatingin sa ibaba. Agad kong idinako ang paa ko sa tuktok ng pader at mabilis kong inangat ang sarili ko. Ngayon ay yakap-yakap ko ang tuktok ng pader. Akala mo ay ile-letchon na ako.
Nakita ko si Yi na naka pamulsa lamang at tinignan ang ginagawa ko.
“Don’t try to stop me!” sabi ko.
Hirap ako sabihin iyon ay pinilit ko pa rin para malaman niyang hindi niya ako mapipigilan sa gagawin ko. Delikado nga ito pero ito lang ang dahilan para magkita kami ni Hell.
“You wish...” Mahinang sabi nito at saka naglakad palayo papunta sa pader na napupuno ng dahon, hindi ko na ito pinag-aksayahan pa ng pagkatataon at ibinaba ang aking paa mula sa kabilang pader.
Ngayon naman ay nakaharap na ‘ko sa firewall ng building nila Hell.
Now what? Pa’no ako baba?
Tatalon ako?
Ngayon ko lamang naisip kung ano gagawin ko sunod. Pa’no ako baba sa gan’tong kataas na pader?! Para akong nakasampay lamang sa pader at mukhang tanga! Ano na ang gagawin mo sunod, Stacy?!
Narinig ko ang isang tunog ng gate mula sa hindi kalayuan kaya naman ay napatingin ako gilid. Pinilit kong tignan iyon, dahil hindi ko talaga maaninagkung saan iyon galing. Halos kinakabahan ako na baka isinumbong na ako ng salaulang gwapong dugyot na iyon sa guard.
Hindi maare! Kailangan kong makita si Love ko! Wait for me Love!
Rinig kong muli ang tunog ng gate kaya naman ay sinilip ko ito kahit mahirap, dahil kung guard ito ay talagang tatalon na lang ako at tatakbo kahit pilay-pilay na ‘ko!
Hinahanap ko pa rin kung saan iyon galing, dahil ang alam ko naman ay wala namang gate dito. Hindi kaya ay nahihibang lamang ako? Halos kabahan ako nang isipin kong hindi kaya ay sinundan ako ng multong sinasabi ni kuya? O kaya naman ay isa itong haunted pader? Dahil may dahon ang pader?
Ngunit gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko ng may isang green gate na bumukas. Nanlaki talaga ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang lumabas.
Halos sobrang gulat talaga ako nang lumabas ang lalaking hindi ko inaasahang lalabas doon.
Yi?!
Para akong tangang umakyat dito! Tapos mayroon pa lang gate roon! Ang pader na napupuno ng dahon ay isang sercet gate! Mukha akong tanga! Pinagmukha akong tanga ng pader na ‘to! Ang kaninang tinitignan ko lang na pader at kinahahangaan ay isa pa lang gate!
Wala man lang nakapagsabi sa akin! Hindi niyo man lang sinabi?!
“Hayss!” Halos inis kong sabi nang isipin kong pinipigilan ko pa ang lalaking ito na huwag akong pigilan sa pag-akyat ko. Eh, hindi naman talaga ako pipigilan nito, dahil wala naman itong pake sa akin kahit iburol pa ‘ko ngayon ay wala itong pake sa akin.
“Don’t try to stop me!” Naaalala kong sinabi ko pa sa kanya! Jusko!
“Tss...” Dinig kong sabi nito.
Muli narinig ko ang gate. Siguro ay isinara niya na ito…
Napapikit na lamang ako, dahil sa kahihiyan. Meron pa lang daanan doon gayo’ng bakit hindi ko nakita?!
Panay bakit ang naiisip ko! Bakit hindi ko nakita?! Bakit hindi ko napansin?! Bakit ang tanga-tanga ko?!
Syempre! Natatakpan iyon ng dahon!
“Nice…” Nakarinig ako ng tinig mula sa ibaba. Alam kong si Yi iyon, dahil siya lang naman ang naandito. Ngunit ano ang nice? Nice na nakasabit ako rito? Nice na mukha akong tanga?
“Ano ‘yang underwear mo? ‘Yung may nakalagay na Monday, Tuesday, Wednesday?” Muling dinig kong tanong nito. Halos nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Yi! Nakalimutan kong mag-cycling shorts at tanging panty lamang ang suot ko!
Manyakis kang salaula ka! Dugyot na manyakis pa!
“Ano ba Yi?! Manyak k-” Halos nawala sa isip kong nakasabit ako sa pader nang kumalawa ang isang kamay ko mula sa pagkakahawak sa pader upang ayusin ang palda ko.
“Hey!” Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa kagagahan ko ay unti-unti akong nahulog mula sa pader.
Bakit ba ang malas malas ko lagi!
Mamatay na ba ‘ko? Pasensiya ka na, Love at hindi kita mapupuntahan ngayon, dahil feeling ko ako na ang dadalawin mo. Inaantay ko na lamang ang sarili kong mapadpad sa lupa habang nakapikit ako.
Ngunit dumilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may sumalo sa akin mula sa pagkakahulog ko.
Yi...