Tahimik ang lahat habang nakikinig sa instructor na nagtuturo sa harap. May ibang umaarteng nakiking, ang iba ay matiim na nakikinig habang nagsusulat sa kanilang kuwaderno, ang iba ay natutulog sa likod. Isang tipikal na klase kung ating papansinin. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang mga babae kong kaklase na sakin nakatingin. Ako ba ang blackboard? Guro ba ako dito para ako ang tingnan ng mga ito? Tsk.
Bakit ba hindi nawawala ‘tong mga babaeng ‘to. Puro paganda lang nalalaman e. Well, hindi ko naman sinasabing masama ‘yon. Pero pinapunta ba sila ng mga magulang nila sa eskwelahan para magpapansin? Tsk. Mga babae nga naman.
Hindi ko naman nilalahat. Ugh. Ano ba ‘tong mga iniisip ko? Brenz, mag-concentrate ka nga sa pakikinig sa tinuturo sa harap. Kailan pa ba ako nagkaroon ng panahon isipin mga babaeng ‘yan? Haaays ito na ata epekto ng isang linggong walang tulog.
“Okay class. Just study your notes and if you have further questions about the Parliamentary Government, you can go to my office.” Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Mr. Tan.
“Yes, Mr. Rosales?” Seryoso nitong tanong. Napahawak naman agad ako ng mariin sa hawak kong libro at tumingin ng diretso kay Mr. Tan.
“I’m sorry, sir. I--- I--- I really need to go to the comfort room, sir.” Huh? Seriously? Sa lahat ng rason ‘yon pa talaga Brenz?
I guess I really need a long sleep.
“Oww okay. Dismiss class.” Hirit nito at agad na lumabas ng classroom. Napaupo naman ako agad at hinawakan ang noo dahil sa pagkairita.
“You’re not yourself now Brenz.” Biglang singit ng isa sa mga barkada kong si Dan.
“Oo nga. May problem ba?” Nag-aalalang tanong din ni Jacob.
“Nothing. It’s just because I haven’t been sleeping for a week now.” Diretso kong sagot habang nililigpit ang mga gamit ko.
“Masyado mo nang inaabuso ang katawan mo, bro. You should relax sometimes.”
“Oo nga. Sama ka samin mamaya. Hangout tayo sa Boulevard.” Pag-aaya ni Dan.
Tiningnan ko agad sila matapos kong isukbit sa kaliwang balikat ang bag ko.
“Hindi ako pwede mamaya dahil may family dinner kami. Kakauwi lang ni lolo galing sa hospital kaya pinatawag niya kami sa mansion.” Tanggi ko agad sa kanila. Masyado pa akong busy para magpakasaya at sigurado naman akong hindi ako papayagan ni papa lalo na’t palapit na ang finals ngayong second sem.
“Napapadalas ata pagpunta ni Gov sa hospital. Masama na ‘yan” May halong pag-aalalang saad ni Jacob.
“Matanda na rin siya kaya ganyan. By the way, it’s okay bro. Basta sa birthday ko huwag kang mawawala.” Agad na singit ni Dan habang sumisingkit pa ang matang nakitingin sakin. Para naman ‘tong babae, tsk.
Binangga ko lang siya sa balikat ng mahina lang naman at nilagpasan sila. Palabas na ako ng marinig ko pa ang mahinang pag-uusap nilang dalawa na may halong awa, “Sana makalabas na siya sa pamilya na ‘yan.”
Alam ko naman na nag-aalala na sila sakin at naaawa. Sino nga naman ang hindi? Kung alam lang ng lahat kung ano ang kabayaran ng karangyaan na tinatamasa ko mula sa pamilya namin. Sigurado akong maaawa lang din sila sakin at hindi nila nanaisin ang ganitong buhay. Walang kalayaan.
“Sir.”
Agad na bati sakin ng mga katulong dito sa bahay namin. Binigay ko ang bag ko sa kay manang Linda habang tinitingnan ang kabuuan ng bahay namin.
“Dumating na sila papa?” Tanong ko agad habang dahan-dahan na umaakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko habang si manang Linda ay nakasunod sakin at hawak ang bag ko.
“Kanina pa iho. Nasa hall sila sa itaas at kasama niya si Mayor Diaz doon.” Napahinto agad ako sa sinabi ni manang.
“Nandoon din ba sila tito at lolo?” Mahina ang boses kong tanong habang walang ekspresyon ang mukhang nakatingin sa harap. Hindi na ako humarap pa kay manang dahil mas inalala ko ang pagdating ni Mayor Diaz.
Ano na naman ba ang pinag-uusapan nila? Tanong ko sa sarili sabay napatingin sa ibaba kung nasaan ang daan papuntang hall.
“Wala si Governor, pero nandoon si Senator.” Mahina rin na sagot ni manang na alam na wala dapat makarinig samin dalawa. Saka lang ako nakahinga ng maluwag at naglakad ulit.
“Si Mama at Leanne?”
“Nasa kusina po sila at tinuturuan ni madam si Ms. Lea gumawa ng cupcake.” Mahinhin na sagot ni manang.
Sa lahat ng mga katulong namin si manang Linda lang ang pinagkakatiwalaan ko. Siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata kapag wala si mama at kasama si papa mag-asikaso sa mga businesses ng pamilya namin at mga political matters and events.
“Salamat manang. Tawagin niyo nalang ako kapag aalis na kami. Kailangan ko munang magpahinga.” Pagod kong pakiusap kay manang saka kinuha ang bag ko sa kanya.
“Gusto mo bang pagdalhan kita ng inumin at pagkain?” Nag-aalalang tanong niya.
Sobrang malala na siguro itsura ko ngayon.
“Hindi na po. Itutulog ko lang ito.” Nakangiti kong sagot. Ayaw ko nang mag-alala siya lalo na at may katandaan na rin siya.
Nagpaalam lang siya at agad na umalis. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Medyo dim ang loob pero hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw at agad ko nang hinubad ang suot kong uniporme. Tiningnan ko ang kabuuan ng katawan ko pero may suot pa akong pants. Tumalikod ako at tiningnan ang mga pasa na nakuha ko mula pagkabata na hindi na matatago pa ng mga magagarang damit.
I just need to take some rest bago sumabak sa walang kwentang dinner mamaya. Mahirap makisama sa pamilya ko, inaamin ko. Marami kang malalaman na hindi ko aakalaing nangyayari sa totoong buhay. At alam kong hindi lang ako ang nagdurusa dahil sa sarili kong pamilya. I know somewhere, if not near from us, someone is suffering because of this family.
I look at the mirror again and I smirk.
Huh. This smirk will lure them.
I’m Brenz Lian Santiago Rosales. I’m disgusted from where I belong, but I will tell you.
“I live in a forest lead by monsters, but I’m not one of them. I’m the monster who will stop them.”