“Good evening!” Masayang bati ng mga katulong dito sa mansion ni lolo.
Maraming mga armadong tao at naka-unipormeng nakaitim ang nakapaligid sa buong mansion. Nakahilera naman ang mga katulong dito sa loob ng bahay at sila ang mga bumati samin habang nakayuko.
“Magandang gabi, Mayor.” Nakangiting bati ng right hand ni lolo na si Mr. Cruz.
“Magandang gabi din sayo Leo.” Seryoso naman ang mukha ni papa habang nakangiti si mama sa tabi niya at nakahawak sa siko nito. Kasama ko naman maglakad ang kapatid kong si Leanne na nakangiti din sa lahat.
“Nag-aantay na sila Governor.” Sunod na sabi ni Mr. Cruz saka siya naglakad at sumusunod lang kami sa kaniya.
Nakasilver dress si mama hanggang paa ang haba nito at bumagay sa kaniyang light make up at maputing balat. Nakablue dress naman si Leanne habang nakasuot ng flat shoes at kaunting make up din. Habang pareho naman kaming naka-tuxedo ni papa. Sobrang engrande ng mga suot namin pero pamilyang pagsasalo lang naman ang pupuntahan namin. Masyado ata silang naghanda para sa matandang ‘yon.
“Nandito na kayo.” Nakangiting bati agad ni lolo samin.
Ang mga ngiting ‘yan. Nagmano lang kami at bumeso sa mga kapatid ni papa na nandito din ngayon. Tipikal lang na pamilyang Pilipino kung una mo kaming titignan. Pero huwag kang pumikit at makikita moa ng katotohanan.
Pagkatapos ng munting kamustahan ay dumiresto na sa malaking dining table ang lahat. Nasa 20 katao kami halos lahat dito dahil kumpleto ang lahat. Habang kumakain ay wala na ang mga ngiti na makikita sa lahat. Seryosong nag-uusap ang lahat at may kaniya-kaniyang mundo.
Habang ako ay seryoso lamang na nakatuon sa pagkain ng bigla akong tanungin ni Greg. Isa siya sa mga pinsan ko at mas matanda siya sakin ng isang taon. Sa lahat siguro ng mga pinsan kong lalaki siya lang ang nakakasundo ko dahil na rin siguro sa sabay kaming lumaki. Ang iba kasi ay lumaki sa ibang bansa habang ang iba ay mas matanda samin o mas bata kaya wala akong nakakasundo. Lalo na at ayaw din naman nila sakin.
Wala naman akong problema doon. Parehas rin kami ng nararamdaman. Why? Because we all grown with that principle. Competition is always present kahit pa sa loob ng pamilya.
“Balita ko next month na ang finals niyo Ian?” Seryoso niyang tanong.
Para tumagal kas pamilya na ‘to kailangan mong makisama sa mga nakakatanda at sundin sila. Ibig sabihin kung seryoso silang nag-uusap dapat ganun din kami. Isa ‘yon sa patakaran ng pamilyang ito. Walang kwenta. Kaya ganito siya makipag-usap sakin ngayon.
“Oo.” Tipid kong sagot ng hindi tumitingin sa kaniya. Hindi talaga kami ganito mag-usap.
“Tsk. Kapag kinakausap ka tumingin kas kausap mo. Walang modo talaga.” Alam kong ako ang pinariringgan ni kuya George, nakakatandang kapatid ni Greg. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa kinakain ko. Wala akong panahon makipagtalo sa kaniya ngayon lalo na’t inaantok na ako.
“Aba.” Padabog siyang tumayo pero hindi parin ako kumibo.
“Tumigil na kayo.” Mariin na sabi ni lolo.
Agad huminto ang lahat sap ag-uusap at kinakain nila ng tumayo sila habang inalalayan ng mga private nurse niya.
“Gil kausapin mo ‘yang anak mo. Ayaw ko ng apong bastos.” Mariin aa ng ni lolo.
“Opo, pa.” Nakayukong sagot ni tito Gil. Takot sila lahat kay lolo e.
“Pero lolo,” hihirit pa sana si George pero binato siya agad ni lolo ng pagkain sa mukha.
Seryoso lang akong nakikinig sa kanila habang patuloy pa rin sa pagkain ko. Nagulat ang iba habang ang ilan ay nagpipigil ng tawa kasi nga sapol sa mukha.
“Tumahimik ka na George,” may pagbabanta na rin na saad ni tito Gil.
Agad naman akong napatigil sa pagkain ng tinawag ako ni lolo na may halong awtoridad, “Pumunta ka sa opisina ko Ian. Ngayon din.” Saka ito umalis. Napatingin ang lahat sa akin pero wala akong pakielam. Tumayo agad ako at walang tingin-tingin na sumunod kay lolo.
Isang matigas na bagay ang agad bumungad sa akin. Natamaan ako sa may dibdib pero hindi ako nag-react dahil sanay na ako at inaasahan ko na rin ‘yon.
“Ano na naman ‘yon Ian? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang makipag-away sa mga mahihina dahil hihina ka rin,” sigaw agad ni lolo.
“Pasensya na lolo. Hindi na ‘yon mauulit pa,” agad kong paghingi ng tawad dahil kung rarason pa ako sa kanya wala na rin ‘yong kwenta. Sirado na rin naman ang isip niya.
“Mabutin kung ganun. Lumapit ka muna at may pag-uusapan tayo.”
Kalmado naman niyang saad. Sanay na ako sa pagbabago ng asal niya kaya agad nalang akong sumunod sa kaniya. Lumapit ako sa harap ng lamesa niya at yumuko.
“May ipag-uutos po ba kayo sakin?”
“Oo,” agad niyang sagot at ibinigay sakin ni Mr. Cruz ang isang envelope.
“Ano po ito?” Nagtataka kong tanong. Ano naman ba ang pakulo ng matandang ito?
“Buksan mo,”sinunod ko naman ang sinabi niya.
“’Yan ang mga papeles na kakailanganin mo dahil lilipat ka ng bagong school.” Pagpapaliwanag niya habang isa-isa kong binabasa ang mga papers.
“Po? Bakit kailangan kong lumipat ng school?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
“Dahil kailangan mong mas palakihin ang mga connection mo,” sa tingin ko ay ginagamit mo ako para palakihin ang connection mo.
“Pero lolo…,”
“Wala ng pero pero, naiayos na lahat ng kakailanganin mo kaya wala ka nang dapat problemahin pa. Kaya mag-ayos ka na dahil bukas na bukas din ang flight mo papuntang Manila. Naasikaso na ni Leo ang lahat lahat. Ang kailangan mo nalang gawin doon ay mag-aral ka ng mabuti. Palawakin moa ng kaalaman mo sa politika at makipagkilala ka sa ibang tao na may malalaking impluwensiya sa bansang ito. ‘Yon lang ang hinihingi kong kapalit ng kalayaan mong ito,” pagpapaliwanag niya ulit.
“Para rin ito sa pamilya natin, apo,” dagdag pa niya.
Yumuko nalang ako na nagpapakita ng pagsang-ayon sa kaniya pero sa likod nito ang saya ko. Sa wakas umaayon din sa plano ang lahat. Huh.
“Opo lolo,” sagot ko saka tumingin ng diretso sa kaniya.