CHAPTER 3

1086 Words
“HUHUHUUHUUHUHUHUHUH.” “Tama na kasi. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito oh,” pagpapatahan ko sa pinsan ko s***h bff na si Trina. Kanina pa kasi siya iyak ng iyak tapos pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng Jollibee. “Trina, tumahan ka na kundi iiwan kita dito,” pagbabanta ko sa kanya habang nakatakip ang isa kung kamay sa mukha ko. Ugh. Langya kanina pa siya iyak ng iyak tapos ang lakas pa ng boses.   “HUHUHUHUHU bakit hindi pa siya nagre-reply sakin Iea (Eya)? 30 minutes na simula nung umuwi siya sa kanila tapos hindi pa siya nagt-text sakin,” pagmamaktol niya.  Haays bakit ba ako nadadamay sa kagagahan ng babaeng ‘to? Sobrang praning pagdating sa boyfriend niya. Kasi 30 minutes ago magkasama kami dito sa mall, oo, third wheel po ako. Kasi naman may libre daw, totoo naman talaga na meron. Libreng kahihiyan. “Baka naman kasi na-traffic lang si Vinzon, di ba? Hello gurl?! Friday po ngayon,” naiirita na ako sa babaeng to ha. Kung hindi ko lang to pinsan nabigwasan ko nato. Naku, makita niya. “Edi sana nagt-text siya diba na na-traffic siya. Hindi ‘yong piang-aalala niya ko ng ganito.” Bigla naman may lumapit na isang staff. Actually, pang limang beses na siyang nagpabalik-balik dito. “Ma’am…” “Okay na miss. Ako nang bahala sa babaeng ito,” pagputol ko agad sa sasabihin nung babae. Nakakairita na kasi e, humanda talaga sakin ‘tong babaeng ‘to. “HUHUHUHU----,” ayan tumahimik din. Tissue lang pala katapat ng babaeng ‘to e.  “Ano? Masarap ba ang tissue? Huwag ka ngang OA diyan. Ano bang akala mo dun sa boyfriend mo? Musmos na bata na kailangan 24/7 alam mo kung nasaan at kung anong ginagawa? Ano? Umamin ka nga sakin, girlfriend ka ba niya o nanay? Nakakairita ka na ah,” pagtatalak ko sa kaniya. Iiyak pa sana agad siya ng dinagdagan ko ng tissue ang nasa bibig niya. “Tahimik sabi e, kanina pa ako naririndi diyan sa kakaiyak mo. Nas-stress ako sa’yong gaga ka. Tumahimik kana kundi ipapalapa kita sa lahat ng manok na binebenta nila dito.” Natahimik agad ako ng mapansin na sumisigaw na pala ako. My God! Tiningnan ko ang mga tao na kumakain din dito sa loob at halos lahat sa kanila ay nakangangang nakatingin sakin.  Nanlumo naman ang mga binte ko at agad na napaupo habang nakatingin sa mga tao. Tahimik pa rin ang lahat kaya dali-dali ko nang kinuha ang bag ko at kay Trina saka siya hinila paalis sa Jollibee. Waaaaahhhhhhhhh. Pareho naman kaming hinihingal pagdating sa kotse ko sa harap lang din ng Jollibee. “Waaaaaaaahhh!!! Nakakahiya!!!” sigaw ko agad. Nang kumalma na ang paghinga ko ay bumaling agad ako kay Trina na nasa tabi ko. Hindi naman niya agad inasahan ang sunod kong ginawa. “Gaga ka pati ako nasali sa kakahiyan na ginawa mo kanina,” naiirita kong sabi sa kanya habang sinasabunutan siya. “Paano kung may nakakuha ng picture o video kanina? Lagot ako kina mommy niyan,” hestirikal kong sabi habang ang sarili ko naman ang sinasabunutan ko. Gulat lang siyang nakatingin sa akin at parang nagp-process pa din sa kaniya lahat ng sinabi at nangyari. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at ilang sandali lang ay sabay din kaming sumigaw sa kahihiyan na ginawa naming, “Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!” Tiningnan ko agad siya ng matalim bago nagsalita, “Oh? Ngayon alam mo na ang kahihiyang ginawa natin doon sa loob? Naku hindi na talaga ako sasama sayo sa susunod, gaga ka.” Nangagaliiti kong sabi sa kanya. “Sorry na Iea, hindi na mauulit to,” paghingi niya ng tawad sabay hawak pa sa kamay ko.  Nagpapaawa pa si talaga e no, “Usog ka nga dun, galit pa ako sa’yo.” Umusog din naman siya. “Haaays paano na kung may nag-video sa nangyari? Pareho tayong lagot niyan,” nag-aalala kong sabi sa kaniya. “E ikaw naman kasi, bakit k aba tumayo at sumigaw?” natatawa niya pang tanong sakin. “Really? Kailangan mo pa bang itanong ‘yan? Nakakairita ka kasi kanina, ang OA mo,” naiirita ko pa rin na sabi sa kaniya. “Sorry na nga e, hindi na mauulit. Pero ang strong mokanina gurl ha.  Para tayong nasa drama ahahahhaa,” wala na talagang pag-asa ‘tong babaeng ‘to. Kaniha halos himatayin na sa kakaiyak tapos ngayon parang wala ng bukas kung makatawa. Sa Mental ata ‘to dapat e, haaays. “Inaasar mo ba ako?” matalim na ang mata kong nakatingin sa kaniya niyan.  “Ang serious mo naman lately gurl. Hindi kita ma-reach alam mo ba iyon?” “Hindi mo naman ako kailang abutin para maging seryoso ako sayo,” nagtataka pa siya sa una kung ano ang sinasabi ko pero bigla rin siyang ngumiti at hinawakan ang kamay habang nagsisimula nang tumulo ang kaniya mga luha. Here we go now ahahahah. “Bakit hindi? Langit ka at lupa ako. Napakahirap mong abutin. Hindi ko alam kung hanggang kalian ko pa kayang magtiis,” umiiyak niyang sabi. “Pero kunting tiis nalang mahal ko, matatapos na rin ang paghihirap mo,” syempre hindi ako magpapatalo sa kaniya no. umiyak din ako at hinawakan siya sa mukha. “Mahal ko,” yumuko siya at umiyak ng malakas. “Hindi ko alam na kayo na pala dalawa? Oh?! Ere-recommend ko na ba kayo kina mommy at tita? Baka may kailangan silang artista bilang baliw sa mental?” agad kaming naghiwalay dalawa ng may magsalita sa likod naming. “Oh! Bakit kayo tumigil? Nagv-video pa ako dito e,” nakangising sabi ng tao sa sa likod namin. “Jan? Anong ginagawa mo diyan?” nagtatakang tanong ni Trina sa kapatid niyang naka-cross ang mga kamay sa dibdib na nakatingin sa amin habang may hawak na phone sa kaliwang kamay. Ngumisi naman ito bago umayos ng upo, “Napasobra ata drama niyong dalawa ngayong araw na nakalimutan niyo akong nag-aantay sa inyo dito sa loob ng sasakyan?” kalmado nitong sermon sa amin. “Mga walangya kayo! Iniwan niyo ako dito kasi sabi niyo sandali lang kayo kakaain at magt-take out kayo para sakin! Sabi niyo maghintay ako sa loob ng sasakyan at mabilis lang kayo! Mga ateeeee isang oraaaas akong naghintay dito,” sigaw nito kaya napapikit nalang kami ni Trina. Baliktad ata nangyayari ngayon ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD