“SORRY JAAAAAAN!!!” sabay naming sigaw ni Trina huhu. Double kill ata mangyayari samin dalawa nito ah. Meliea Dale Ponce Tuazon, rest in peace!
HUHUHUHUHUHUHUUHUHUHUHUHUHUH
“Hoy alam niyo bang may transferee na papasok ngayon dito sa block natin?” narinig ko pag-uusap ng ilan sa mga kaklase ko.
“Saan mo naman nalaman ‘yan?” paninigurado ng isang kaklase naming. Umupo naman ang lalaki kong kaklase at parang sobrang importante ng sasabihin e, “Totoo nga ang sinasabi ko. Ako nga mismo ang nakarinig at nakakita e dun sa teachers office. At sure ako sa narinig ko na pamangkin siya ni Senator Rosales.”
“Kahit anak pa siya ng president, wala kaming pakielam. Kaya bumalik na kayo sa upuan niyo dahil paparating na si ma’am,” agad na singit ng isa sa mga representatives ng batch namin sa 3rd year Political Science.
Dali-dali naman nagsi-ayos ng upo ang lahat ng pumasok agad si ma’am Recenlo kasama ang isang lalaki. Matangkad siya at may kaputian, sakto lang ang laki ng mga mata niya at may kalakihan ang katawan. Sobrang kinis din ng balat niya at mukha, edi sana all diba flawless.
May kahabaan ang kaniyang buhok, alam niyo ‘yong buhok ni Daniel Padilla parang ganun din tas kutis James Reid. Mali ata ang kursong pinasukan nito e. Dapat nasa linyahan ng pag-aartista, flight attendant o di kay---
“Gurl, tikom bibig naman diyan baka ‘di ko masalo lahat ng laway mo e,” natauhan naman ako dun sa sinabi ni Trina.
Well yeah, actually, kambal po talaga kaming dalawa hindi po kami naghihiwalay. Jusko. Pero back to the topic.
“Ha? Okay ka lang? Kadiri ka ha wala ngang laway e,” sabi ko habang kinakapa ang bibig ko kasi nga diba baka totoo e mahirap na. Pero wala naman talagang laway na tumulo, babaeng ‘to talaga tinawanan lang ako.
“Okay Mr. Rosales, you can take your seat behind Ms. Tuazon,” agad naman akong napatingin diretso kay ma’am.
What?! Bakit sa likod ko pa? Ano?! Bakit?! Teka pake ko ba kung sa likod ko siya umupo? Wala lang naman sakin ‘yon. Sino ba siya? Waahhh ano bang nangyayari sakin? Teka, OA ko ata ngayon ah? Hoooy Meliea isang Rosales lang ‘yan.
“Hoy, Iea,” napatingin naman ako ng masama ng bigla niyang kinurot ang tagiliran ko. “Bakit ba?” irita kong tanong sa kaniya.
“Anong bakit? Hindi ka ba nakikinig diyan? Hello, gurl? Kanina ka pa kinakausap ni Mr. Rosales.” Napabalik naman ako sa ulirat ko ng maprocess ang sinabi ni Trina. Saka ako dahan-dahan na tumingin sa likod ko, “Yes?”
Suplado naman ng taong ‘to. Kapag nginitian ka dapat ngumingiti ka rin. Chos! Gawa-gawa ko lang 'yon. Pero totoo, nasobrahan ata sa sungit ito dahil hindi ngumingiti. Akala siguro niya siya na ang pinakamataas sa lahat ng tao nandito.
“Excuse me miss, but move your chair ‘coz there’s no space here,” agad naman akong napatingin sa upuan niya at oo nga hindi siya makaupo dahil sakin. Haaays bakit hindi nagr-run ang utak ko ngayon?
“Oh, I’m sorry---,” hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang buhatin ang upuan ko pati ako kasi nga nakaupo ako, diba?
Kita ko naman ang pagkagulat ng iba sa ginawa niya kasi nga ang lakas niya para mabuhat ako ng ganun lang. Well, hindi naman ako ganun kabigat pero nac-conscious ako kasi baka mabigat ako. Ah ewan.
Ang ilan namang mga babae ay parang mahihimatay na sa kinauupuan nila dahil ginawa niya amaze na amaze e pati nga si ma’am e. Habang itong pinsan ko lang ay mag nag-iisang reaksiyon, kinilig po siya mga kaibigan. Ihampas ko kaya sa kaniya ‘tong bangko, naku!
“Hmm,” tumikhim naman si ma’am sa harap kaya nabaling na sa kaniya ng lahat ng atensyon.
Umayos kaagad ako ng upo habang ang katabi ko ay para pa rin may bulati sa pwet kasi hindi mapakali e. Kinikilig ba talaga ‘to o ano? Ang isa naman sa likod ko ay umupo lang na parang walang nangyari. Assuming lang ata ako kanina ah. Haaays bahala na nga siya diyan bumibwisita pa sa utok ko hindi tuloy ako makakapag-concentrate nito ngayon. Lord God, help me.
“Ang bilis ata ng balita kumalat sa buong campus ngayon. Iba nga talaga ang hatak kapag ma-impluwensiya ang pamilya and take not gwapo pa,” kinikilig pa rin na sabi ni Trina.
Ewan ko ba kung bakit buong araw e pangalan ng lalaking ‘yong ang naririnig ko. Brenz pala pangalan niya ha, Brenz pa nga ahhahaha. Wait natatawa ako sa sarili ko ngayo ahahhaha.
“Hoy Iea, okay ka lang ba talaga?” nag-alala at nagtatakang tanong ni Trina.
“Ha? Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ano bang problema sakin? Concern na concern ata ‘tong babaeng ‘to. “E kasi naman, kanina sa klase palagi kang nakatulala tapos ngayon tumatawa ka ng mag-isa ngayon? Ano, okay ka lang ba talaga? Gusto mo pa-check up na kita? Ano? Magsalita ka naman diyan?”
Ha?! Paano ako makakapagsalita kung dire-diretso siya kung magtanong. “Wait nga lang, isa-isa lang kasi. Paano kita masasagot kung talak ka ng talak diyan. Mahina kalaban ano ka ba,” pagbibiro ko sa kaniya.
“Oh e so ano nga? Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo? Samahan kita sa cli---“
“Sshhh…,” pagpapatahimik ko sa kaniya habang nasa bibig niya ang isang hintuturo ko. “Ganyan nga, una wala akong sakit at okay lang ako. May iniisip lang ako, okay?” sagot ko sa kaniya.
“An---“
“Sshhh…,” pagpapatahimik ko ulit sa kaniya. “Pwede tumahimik ka muna? Wa---“
“Sshhh…,” pagpapatahimik niya din sakin. Aba ginaya pa ako ha. “Sabihin mo nga sakin si Brenz ba nandiyan sa utak mo ngayon?”
“Hin---,” pinatahimik niya ulit ako. Ano ba ‘to? Para kaming mga tanga nito e. “So si Brenz nga. ‘Wag kanang magsinungaling sakin kasi kilala na kita,” seryoso naman ata nito.
“Kilala mo naman pala ako bakit ka nagtan---,” napatakip agad ako sa bibig ko. Langya ako pa magpapahamak sa sarili ko nito e. Wala pa naman katapusan kung magtanong ‘tong babaeng ‘to. “So, siy---“
“Uy, nandiyan na si Vinson. Bye! Kita nalang tayo bukas,” agad kong singit sa sasabihin niya kasi ayaw kong marinig kung ano man ‘yon.
Nagmamadali akong naglakad at hindi na narinig pa ang sasabihin niya. “Uuwi ka na agad, Iea?” tanong ng boyfriend ni Trina na si Vinson ng humarang siya sakin.
“Ha? Ah, oo. Emergency kasi e. sige, ingat kayo ni Tri ha. Ba-bye,” nagmamadali kong sabi sa kaniya saka siya nilagpasan.
Nang makalabas na ako cafeteria ay agad na akong huminga ng malalim. Whoa. Muntik na ako dun ah, pero bakit ko ba iniiwasan mabanggit si Brenz? E si Brenz Rosales lang naman ‘yon. Haaays makauwi na nga lang. Nagtataka siguro kayo kung anong ginagawa naming sa cafeteria ng alas 6 ng gabi.
Well, nakasanayan na rin ng mga estudyante dito na kumain sa gabi sa cafeteria mismo bago umuwi kasi nga hassle na saka nakakagutom din ang klase at nakakatamad na kumain kapag nakauwi na sa bahay. Kaya sobrang dami ng estudyante sa loob ngayon. Busy as always e.
Nabalik ako sa realidad ng biglang mag-ring ang phone ko sa loob ng tote bag na nakasukbit sa balikat ko. Agad ko naman itong sinagot, “Yes dad.” Napatawag ata sila ngayon? Wala na ba silang taping? “Hi, anak!” Teka si mommy to e, “Mom, ikaw ba ‘yan?”
“Yes, anak. Nalowbat kasi ako kaya phone nalang ng daddy mo ang ginamit ko. Pauwi ka na ba ngayon?” Sweet talaga ni mommy, miss ko na tulog sila dalawa ni dad.
Mahirap kasi silang makasama lately kasi pabalik-balik sila sa Japan para mag-taping sa bago nilang drama na magkasama. Ang hirap kapag sikat sa Entertainment Industry ang pinanggalingan mo dahil pati ikaw ay magiging isa sa mga atensyon kahit hindi ka man nag-aartista.
Nung una nagrereklamo pa ako kasi minsan nav-violate na ang rights and privacy ko pero ngayon mas okay na kasi may dagdag security kapag nasaan ako kahit wala sa tabi atleast alam ko nasa paligid lang sila. Masasanay ka rin naman kasi wala kang choice.
“Anak, nandiyan ka pa ba?”
“Mom? Yes.”
“Are you fine, dear?” nag-aalalang tanong niya sa kabilang linya. “Yes, mom. Don’t worry, ano nga po ulit ‘yong sinasabi mo?”
Dahil sa sobrang occupied na ang isip ko at pakikinig kay mommy hindi ko na napansin pa na may mababangga pala ako. “Aray,” bigla ko naman narinig ang pag-aalala ni mommy sa kabilang linya. “I’m fine, mom. I’ll just call you later. Bye. I love you!” agad kong tinapos ang tawag at tiningnan ang taong nakabangga ko na nagpupulot ng mga librong dala niya.
“I’m sorry,” paghingi ko agad ng tawad. Haays dahil ‘to sa gunggo---
“It’s fine.”
Agad akong napatingin sa lalaking nakabangga ko ng mabosesan ko siya. Bakit parang kilala ko hoses nito? Siguro kaklase ko. Napansin ko rin na tumigil siya sa pagpupulot at tumingin ng diretso sa mata ko.
“Ikaw!”
“You!”