“Ikaw!”
“You!"
Anong ginagawa ng lalaking ‘to? Bakit sa lahat ng tao dito sa school ngayon siya pa talaga ang nakabangga ko? Lokohan ba ‘to? Napatingin naman ako sa buong paligid ko para maghanap ng secret camera baka pinaglalaruan ako dito. Kasi nga diba iniiwasan ko na nga na mabanggit ang pangalan niya tapos siya pa ang nakabangga ko. Seryoso ba ‘to?
“Are you done checking my face?” huh? Napayuko agad ako dahil dun sa sinabi niya. Napatitig na naman ba ako sa kanya? ‘Di nga?
“Tsk,” dinig ko pa galing ‘yon sa kanya ha.
Nang tiningnan ko siya ay tapos na niyang pulutin lahat ng libro niya. “Next time, huwag kang tatanga-tangang maglakad lalo na’t hindi ikaw ang nag-iisang estudyanteng dumadaan dito,” turo niya pa sa hallway na may iilan nalang ang dumadaan.
Wait, bakit ako lang ang may kasalanan?
Agad naman akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Hindi pwedeng ako lang ang may kasalanan samin dalawa. Bigla naman kumunot ang noo niya ng tinitigan ko siya ng matalim. Takot ka rin pala e.
“Excuse me Mr. Rosales, hindi lang ako ang may kasalanan satin dalawa. Hindi lang din ikaw ang dumadaan at busy ako sa kausap ko sa phone. Kung tumitingin ka rin sa daan mo at hindi ka humarang sa daan edi sana hindi tayo magkakabangga. Ikaw na sana ang nag-adjust, diba?” pambabara ko sakanya.
“First of all Ms.Tuazon, ang daan mo dapat ay nasa right side. Kapag nagmamaneho ka ba, sa left lane ka ba dumadaan?” nanghahamon niyang tanong sakin. Sinusubukan ata ako ng lalaking ‘to ah. Pa-serious type and silent type pa siya kanina tapos ngayon sobra kung makabara. Bakla ata ‘to e, pumapatol sa babae.
“Huh, pa-first of all first of all ka pa e wala ka ngang second na sinabi e,” kung barahan lang ang pag-uusapan hindi ko siya tatalikuran.
Bigla naman sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Pero ang kinabigla ko ay nang dahan-dahan siyang lumapit sakin. Anong gagawin ng lalaking ‘to? Napaatras naman ako ng isang talampakan nalang ang lapit niya sakin.
“Second miss, I don’t have time for you and your closed mind. Sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo at ng hindi ka makaabala sa ibang tao. Third, try to wipe your saliva para hindi ka mapagkamalang elementary.”
Napanganga naman ako sa mga sinabi niya at agad siyang tinulak papalayo sakin. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya ‘yong putulin. “Lastly, kung mambabara ka siguraduhin mong nasa lugar ka para mambara,” huli niya sabi saka ako nilagpasan.
Aba?! Akala mo kung sinong pa-pogi and pa-cool kanina tapos ngayon nang-aaway ng babae. Maypa-lastly-lastly pa siyang nalalaman. Lastly mo mukha mo.
Napatingin naman ako sa kanya habang naglalakad papasok siya sa cafeteria. Doon ko lang din napansin na pinagtitinginan na kami ng ilang mga estudyante na nasa paligid lang din naman saka lang ako nakaramdam ng hiya. Haays nakakahiya talaga, patay talaga sakin ang lalaking ‘yon sa susunod.
“Sino ba siya sa tingin niya? Wala lang siya kumpara kay Brenz ‘no”
“Oo nga. Ang taas ng tingin niya sa sarili niya. Akala niya siguro mas mataas pa ang ampon na katulad niya sa isang Rosales,” rinig kong pagtsi-tsismisan ng ibang estudyanteng nakakita sa nangyari kanina.
Doon ko lang napagtanto kung ano ang lugar na sinasabi kanina ni Brenz Rosales. Tama, ampon nga lang pala ako. Ahahhaha nakakatawa nga naman na makipag-away ang isang katulad ko. Haaays.
Hindi ko nalang pinatulan ang mga nagsabi nun tungkol sa’kin. Tama rin naman sila kaya naglakad nalang ako palayo sa kanila para hindi ko na marinig pa ang iba nilang sasabihin. Haaays.
Alam ko naman na ampon lang ako pero kailangan ba talaga nilang ipamukha sa’kin ‘yon? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Malaking kasalanan ban a maging ampo ka para tingnan ka nila na may halong panlalait at pandidiri? Sapat na ba na dahilan ang pagiging ampon ko para husgahan nila ako gamit ang mapangmata nilang mga ugali?
Napabuntong hininga nalang ulit ako sa mga iniisip ko siya ka bumalik sakin ang araw na nalaman ko na ampon ako. Hindi naman nila alam ang kwento ko pero kung makahusga sila sa akin parang mas may alam pa sila kaysa sa akin. Nawalan ako ng gana. Konting salita ko lang marami nang nanghuhusga. Tao nga naman.
“Umalis ka nga diyan sa upuan ko. Doon ka sa likod, doon bagay ang ampon na katulad mo,” pang-aaway sakin ng isa sa mga kaklase ko na si Kendra. Umalis kasi ang teacher naming dahil pinatawag sila sandali sa principal’s office.
“Oo nga. Ampangit mo tapos ampon ka pa. Hindi ka bagay dito sa school namin,” singit naman ng isa kong kaklase habang umiiyak ako sa upuan ko yakap ang pink bag ko.
Ano na naman ba ang problema ng mga taong 'to? Akala ko ba college student 'tong mga 'to? Bakit asal batang kulang sa aruga?
“Tigilan niyo nga si Iea, kayo nga ang pangit e,” pagtatanggol sakin ng pinsan ko na si Trina dahil kaklase ko rin siya. Nasa harap ko siya at hinarangan sina Kendra.
“Huwag ka ngang humarang diyan. Hindi mo naman totoong pinsan ‘yan e kaya huwag mon a siyang ipagtanggol,” sigaw ni Kendra.
“Pinsan ko siya kaya tumigil ka,” galit na rin na sigaw ni Trina saka tinulak si Kendra habang mas umiyak ako ng umiyak sa likod niya.
Nabigla naman ako ng tinulak din nung kasama ni Kendra si Trina. Agad akong napatayo at pinuntahan si Trina habang nagmamadaling lumabas ang iba kong mga kaklase para siguro puntahan si ma’am.
“Isusumbong ko kayo sa daddy ko,” umiiyak na sigaw ni Kendra habang nakaupo pa rin sa sahig.
Nandito kami ngayon sa guidance office kasama ang mga magulang naming at ang teacher namin. Umiiyak pa rin si Kendra at ‘yong isang kaklase ko na nang-way samin habang yakap sila ng mga mommy nila. Habang nakaupo ako sa tabi ni mommy at nakaupo naman si Trina sa tabi ko. Tinatanong lang nila kami sa mga nangyari kanina pero ayaw umamin nila Kendra na sila ang nauna.
Naalala ko tuloy noong highschool kami ni Trina. Ganito rin 'yong nangyari. May nang-away sakin tapos pinagtanggol niya ako kaya tuloy na-guidance kami. Ang malala grounded kaming dalawa ng 1 buwan. Kahit na ganoon ang nangyari, pareho pa kaming masaya dahio sa itsura nung kaklase namin na nang-away sakin ng mapatunayan na siya talaga ang nag-umpisa.
“Ma’am, sila Kendra naman po talaga ang nauna e. Nag-uusap lang po kami ni Iea tapos lumapit sila at inaway si Iea. Sabi nila ampon daw si Iea,” pagsusumbong Trina. Pinatahimik naman siya ni tita Tin at saka kinausap nila mommy sila Mrs.Queno.
“Ma’am, hindi naman po ata tama na ginawa ‘yon ng bata sa anak ko. Pero naiintindihan ko naman na mga bata lang sila kaya hindi nila ala mang ginagawa nila,” mahinhin na sabi ni mommy.
“Aba hindi pwede ‘yon. Nasaktan ang anak ko tapos ganun nalang,” galit na sabi ng daddy ni Kendra.
“Mr.Ammelio, ang anak mo ang nauna at wala naman kasalanan ang anak ko. Mga bata lang sila kaya naman turuan ‘yan kung ano ang tama,” seryosong sabi ni daddy.
“Sinasabi mo bang mali ang pagpapalaki namin sa anak namin? Saka totoo naman talaga na ampon ‘yang batanag ‘yan,” galit na sabi ng daddy ni Kendra habang nakaturo sakin.
Sasagot pa sana si daddy ng biglang tumikhim si Mrs.Queno. “Walang patutunguhan ang lahat ng ito kung pati kayong mga magulang nila ay nag-aaway mismo sa harap nila,” mahinahon na sabi ng may katandaan na guidance councillor ng school naming.
Kaya huminahon narin ang lahat saka sila nag-usap ng seryoso sa kung ano ang mga dapat gawin para maresolba ang problema. Umabot sila ng 1 oras bago matapos ang mahabang diskusyon pagkatapos ay umuwi na rin kami.
Nang makauwi na kami sa bahay ay kinausap ako ng masisinsinan nila mommy at ipinaliwanag nila sakin ang lahat ng nangyari kanina. Inamin rin nila ang katotohanan tungkol sakin.
“Anak, hindi ka man galing samin ni daddy pero anak ka naming. Naiintindihan mo ba?” naiiyak na sabi ni mommy habang hawak ang maliliit kong kamay. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya habang nakayuko at umiiyak.
Itinaas naman ni daddy ang mukha ko at tumingin sa kanya, “Mahal ka namin ni mommy kaya kahit anong mangyari ‘yon lang ang mahalaga. Anak ka naming at ‘yon ang totoo. Maliwanag ba?” tumango lang ako kay daddy at tinitigan ng mabuti ang naiiyak niyang mga mata.
“Opo daddy, mahal ko rin po kayo ni mommy,” naiiyak kong tugon sa kanila saka yumakap kay daddy. Niyakap naman ako ni mommy mula sa likod ko habang hinahaplos ni daddy ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa ay nakayakap din kay mommy.
Para sa isang 7 years old na bata, tinanggap ko ang katotohanan na ‘yon. Nung una ay nasaktan ako at nanibago kasi nga palagi nalang nasa utak ko na ampon lang ako. Pero nasanay na rin ako sa lahat mula sa mapanghusgang mga mata hanggang sa p*******t ng mga tao sakin noon. Natigil lang ang mga pangbu-bully sakin nung Senior High kasi doon lang ako natutong lumaban sa mga tao at balewalain ang opinion ng ibang tao.
Natapos lang ang malalim kong pag-iisip sa mga nangyari ng mapansin kong nasa harap na pala ako ng kotse ko. Pumasok nalang ako agad saka huminga ng malalim bago in-start ang kotse. Napasobra ata pagod ko ngayon.