Ilang araw na rin simula noong welcome party ng lolo ni Brenz. Katulad nga nang hula ko, hindi na naman ako pinapansin ni Brenz. May dual personality disorder nga ata ‘tong tao na ‘to. Biglang nakikipag-usap sa akin noong gabing ‘yon na parang magkaibigan na kami tapos ngayon balik na naman ang pagiging arogante.
Sure na talaga akong Rosales ang taong ‘yon. Mana sa lolo. Hindi naman sa nagrereklamo ako o nag-assume ako na kakausapin niya ako. Pero oo na. Akala ko talaga kakausapin niya ako ulit. Tsk.
“Ano na naman ba iniisip mo diyan?” nababahalang tanong ni Trina sa akin.
“Ha?” nagtataka kong tanong sa kaniya. May sinasabi ba siya?
“Anong ha? Girl okay ka lang ba talaga?” nag-aalala niyang tanong sa akin.
Napaayos naman ako ng upo at tinignan si Trina. Napansin ko naman na nakatingin din sa akin ang mga kagrupo namin. Nagtataka rin ang mga mukha nila. Kanina pa ba ako lutang?
“Okay ka lang ba Mel? Pwede naman natin ‘to ipagpa-bukas. Total hindi naman agad kailangan ang outputs natin.” Nag-aalalang tanong ni Jea, kaklase ko at kagrupo ko rin ngayon.
Lima kaming nandito ngayon sa isang café malapit lang sa school para sana pag-usapan ang tungkol sa project namin. Pero mukhang masisira ko pa ang meeting naming dahil sa kakaisip ko sa lalaking ‘yon. Na-guilty tuloy ako.
Ngumiti ako sa kanila kasabay ng pag-iling ng ulo ko, “Hindi na kailangan. Okay lang ako. Sorry.”
“Okay lang,” nakangiting sabi naman sa akin ni Blair.
“Saan na ba tayo?”
“Sa mga kailangang bilhing materials,” sagot naman sakin ni Clea.
Mabuti nalang at mababait ‘tong mga kagrupo ko at maintindihin. Nagpapasalamat na rin ako at hindi ko kasama ang ugok na iyon.
Nagpatuloy naman ang meeting namin. Paminsan-minsan napapahinto rin kami at puro kagaguhan ang pinag-uusapan na siyang dahilan kung bakit kami tawa ng tawa. Napapatingin pa nga ang ibang tao dito sa café sa pwesto namin. As usual, ang bida ng usapan ay si Trina na kung magkwento parang walang katapusan. Kasama niya pa si Blair na grabe kung makapalo sa amin. Binabae po si Blair kaya kung mapapansin niyo vibes lang namin siya.
Habang kami naman nina Clea at Jea ay puro tawa lang. Malapit ng mag-6 pm ng matapos kami. Halos umabot ng 3 hours ang meeting namin dahil may kasamang chekahan dahil sa kadaldalan nina Trina at Blair.
Nang makauwi na ako sa bahay ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko. Gumawa pa nga ng group chat si Trina kaya hindi naputol ang tawa ko dahil sa nag-aaway na silang dalawa ni Blair sa group chat. Nagkakapikonan na silang dalawa at ang rason? Kung sino sa kanilang dalawa ang mas maganda. Naku! Wala talagang pinipiling edad ang pagiging isip bata. Habang reactor naman kami nina Jea at CLea sa kakulitan ng dalawa. Tawa lang ako ng tawa sa kanila habang nakahiga sa kama ko ng biglang may nag-notify sa akin sa i********:.
My phone slip out of my hand and it fell on my face ng mabasa ang name na nasa notification ko. Agad akong napa-upo sa higaan ko at kinuha ulit ang phone ko na nasa tabi ko na. I open it again and talagang tinitigan ko ng maayos ang name ng nag-follow sa akin. Oh My God!
Ilang segundo pa ang nagdaan ng bigla naman may request ng message sa akin. Nang mabasa ko ang pangalan ng nag-message sa akin halos mapamura pa ako sa gulat, kaba, pag-aalinlangan, pagkalito, excitement. What?! Excitement? Oh my God, help me! Hindi ko na alam anong gagawin ko.
Magre-reply ba ako?
O hindi?
Magre-reply ako?
O hindi?
Reply?
No.
Reply?
No.
Reply?
N---
Nahinto naman ako sa pag-iisip ng kung magre-reply ba ako o hindi ng mag-text sa akin si Trina.
From: TriNaMaganda
Hoy! Gaga nagchat sa akin si fafa Brenz.
To: TriNaMaganda
Ha? Ano naman ngayon?
From: TriNaMaganda
Follow back mo daw siya. Uyy lume-level up na love life mo gurl. Ahahahhahah
Talagang nag-chat pa siya kay Trina para lang e-follow ko siya? Tapos noong mga nakaraang araw hindi nga ako pinapansin ng lalaking ‘yon. Bahala nga siya. Hindi ko siya e-fo-follow back. Pake ba niya kung hindi ako mag-follow back? Hindi naman siguro required na mag-follow back sa nag-follow sayo ‘no? Bahala siya diyan.
Nilagay ko nalang ang phone ko sa study table ko at pumasok na sa banyo para mag-shower. Nilalagkit na ako.
Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas na ako sa banyo. Kinuha ko ang phone ko sa study table at ng ma-open ko na ay nagulat ako sa dami ng mga messages galing sa isang unknown number. Napansin ko naman ang ilang messages ni Trina sa akin.
From: TriNaMaganda
Follow mo daw siya. Galit na si fafa Brenz mo.
From: TriNaMaganda
Gurl, follow back mo na. Hindi ako tinitigilan e.
From: TriNaMaganda
Gurl sorry. Hindi talaga tumigil si fafa mo tapos hiningi niya number mo. Binigay ko na. Ang haba ng hair mo si fafa Brenz pa talaga ha. Assuusss if I know kinikilig ka diyan. Ahahahaha sige na atupagin mo muna love life mo magtutuos pa kami ni Blair-the-Barbie.
Kahit natatawa ako sa huling line ay hindi ko pa rin maiwasan murahin ang pinsan ko sa isipan ko. Babaetang ‘to. Bakit niya binigay number ko?
Tiningnan ko naman ulit ang number na nag-message sa akin. Magre-reply ba ako? Ano ba kasing problema ng lalaking ‘to? Bakit ba kasi gusto niyang e-follow back ko siya? Bakit niya hiningi ang number ko?
Sa pangalawang pagkakataon, nabitawan ko na naman ulit ang phone ko. Pasalamat nalang ako at naka-upo na ako sa bed ko kaya sa bed nahulog ang phone ko. Paano ba naman kasi, biglang nag-ring ang phone ko at tumatawag ‘yong unknown number na sinisigurado kong number ni Brenz.
Sasagutin ko ba?
Napatitig nalang ako sa phone ko na nagri-ring pa rin.
Sasagutin ko ba?
Sasagutin ko ba?
Sasagutin ko ba?
Sasagutin ko ba siya? Cheret. Ahahaha
Jusko! Nagagawa ko pa talagang mag-isip ng ganito ngayon.
Napahinga naman ako ng maluwag ng tumigil na sa pag-ring ang phone ko. Haays salamat naman at tumigil na siya.
Tinitigan ko pa ng ilang minuto ang phone na nakalapag sa bed para masiguradong hindi na siya tumatawag. Ewan ko ba pero bigla akong nanghinayang na may halong lungkot ng hindi ulit nag-ring ang phone ko.
Ang gaga ko rin ‘no? Ako na nga ‘tong hindi sumagot at ako pa talaga ang nanghinayang. Ay ang galling lang talaga!
Nag-inarte pa kasi at hindi sinagot ang tawag.
“Baka naman importante ‘yong sasabihin niya?”
Bigla naman akong napa-isip at napasabunot sa buhok ko ng ma-realize na masyado ko lang ata binigyan ng meaning ang tawag niya.
Hindi na naman siya tumawag ulit kaya baka hindi importante ‘yong sasabihin niya.
‘Di bale na nga, malalaman ko naman ‘yon bukas total may isang klase ako tomorrow and I’m sure papasok ‘yon. Hindi naman ‘yon uma-absent kahit minsan at mukhang hindi rin siya ganoong klase kaya pwede ko siyang matanong bukas.
Tama.
Kaya mabuti pa at mag-beauty rest na ako kahit wala akong beauty. Ang importante ay makapag-rest.
Yes, another fact from me.
Kinabukasan ay hindi ako mapakali dahil late na akong gumising. It feels so cringe for me to say it but yeah Brenz and his antics are the reasons why. Nandidiri ako dahil hindi naman ako ganoon mag-isip dati and the feeling is new to me kaya siguro late na ako nakatulog at…gumising. It’s all because of that freaking Brenz-the-Rosales. Ugh!
Kahit nagmamadali sa pagkilos ay hindi ko pa rin inayawan ang pagkain. Duh! Food is life kahit ma-late sa school. Really Mel? Enough with these thoughts.
After madaliang breakfast na para bang nasa Olympics ako ng pabilisan kumain. Sana mayroong ganoon dahil siguradong panalo na ako. Just kidding.
Nang makarating na ako sa campus ay 1 hour late na ako dahil sa traffic. Kung minamalas ka nga naman o-oh. Ang malas ko ata ngayong araw ulit. Haays.
Hindi na rin ako pumasok sa first class ko dahil siguradong mapapahiya lang ako. Sino ba naman kasi pumapasok sa klase kahit 1 hour late na di ba? Oh well, may kaklase nga akong ginawa ‘yon. Kung iisipin ko, nakakatawa ang pangyayaring ‘yon. Paano ba naman kasi, nakakatawa ‘yong sinabi nang prof namin doon sa late naming kaklase.
‘Oh, ang aga mo naman pumasok. Early for your next class. May 1 minute ka pa.’
And our prof said those words with a smiling face and a sarcastic tone. Kaya sinong hindi matatawa doon. Pero I know sa part nang kaklase ko, hindi ‘yon nakakatawa kundi nakakahiya kaya nga hindi nalang ako papasok. Feel me?
“Mabuti naman at pumasok ka na ngayon, miss late-for-the-third-time.” Bungad ni Tri sakin pagka-upo ko agad sa tabi niya.
Nagpalipas lang naman ako ng ilang minuto sa field ng school habang naghihintay sa next class ko. Mabuti at Friday ngayon at halos walang gaanong klase ang mga estudyante sa first period kaya naman marami ang mga estudyante na naka-tambay lang sa field at kung saan parte ng school. Kaya hindi ka mahuhuling nag-skip ng class.
“Please don’t tell me about it. Masama na nga ang araw ko, mang-iintriga ka pa.” pag-susungit ko sa kaniya.
“Ano na naman ba rason mo ngayon?"
Heto na naman tayo.
“Buti sana kung may jowa ka kaya alam ko na kung bakit ka late.”
Dagdag pa niya.
Teka…anong koneksyon ng dalawang ‘yon? Kung ma-late may jowa na agad? Naku naku!
“Sshh oo na…last na ‘to. Kaya quiet ka na,” sita ko sa kaniya.
“So ano nga? Noong una na-late ka dahil biglang nagkasakit ang driver niyo. Given na ‘yon dahil wala ka pa namang license at that time. The second time, na-late ka because of diarrhea. So, what’s your reason now?”
Talagang sinabi niya pa ang word na diarrhea. Oo na, ako na ang palaging may masamang templa ng tiyan.
“Tsk. Na-late lang talaga ako ng gising. ‘Yon lang.”
Tinitigan naman niya ako ng mabuti at parang hindi siya naniniwala sa akin.
“Talaga? Hindi dahil kay fafa Brenz?” pang-iintriga niya.
“Ha? Bakit naman siya nasama sa usapan?”
“Haler? Mukhang tinatakasan mo talaga na pag-usapan siya ano? Nakalimutan mo na bang hiningi niya ang number mo kagabi? Kaya ka siguro na-late dahil late na kayong natapos mag-usap kagabi?”
Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to? Hindi naman kami nag-usap kagabi. Oo nga at tumawag siya, nag-message at nag-sent ng follow request. Still, hindi kami nag-usap. Teka, ‘yong messages niya hindi ko pa pala nababasa. Masyado kasi akong nag-overthink bakit niya ginawa ang mga ‘yon kagabi. Come to think of it, pareho lang din kaming dalawa ni Trina ngayon. Masyadong umaandar ang imagination.
“Gawa-gawa ka rin, ano? Hindi naman kami nag-usap kagabi.”
“Ha?”
Kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya na parang naguguluhan na din.
“Anong ha?”
“Kasi bakit kayo hindi nag-usap? Sigurado naman ako na tinawagan ka niya kagabi.
Nagmamadali pa nga siyang hingin ang number mo. Akala ko magtatapat siya sayo,” bakas pa rin ang pagtataka sa mukha niya habang sinasabi ‘yon sakin.
“Pero tama ka nga siguro dahil kung nag-usap kayo dapat late din si Brenz pero hindi naman. Di ba? Pero bakit kayo hindi nag-usap?” sunod-sunod niyang tanong sakin.
“Anong siguro? Tama talaga ako. Parang hindi mo ako pinagkakatiwalaan niyan ah,” naiinis ko sabi sa kaniya. Syempre arte lang ‘yon. Ganito lang talaga kaming dalawa. Alam naman niyang hindi talaga ako naiinis sa kaniya.
“Ito naman ohh…syempre hindi. Nagtataka lang talaga ako.”
“Hindi ko kasi sinagot ang tawag niya k---“
“Ikaw naman pala ang rason e. Bakit hindi mo sinagot?” malakas niyang tanong na may halong galit.
“Umayos ka nga,” mahina kong sita sa kaniya saka tumingin sa likod ko. Mabuti nalang at wala si Brenz. May ilang minutes pa naman bago ang sunod naming klase.
“Hindi kasi, chance mo na sana ‘yon para magka-jowa gurl. Tapos pinakawalan mo pa? Aba kung ako sayo hindi na ako magiging choosy ‘no. Iea, Brenz Rosales na ‘yon. Kahit na lolo ni---“
Tinakpan ko naman ng isa kong kamay ang bibig ni Trina ng makita kong papasok si Brenz. Inalis naman ni Trina ang kamay ko sa bibig niya ng makita si Brenz na lumapit samin.
“Yes?” nakangiting tanong ni Trina. Naku naku! Abot tenga ang ngiti.
“The Dean is looking for you,” diretso niyang sabi habang nakatingin sa akin. So I assume na ako ang kinakausap niya.
“Sige sige.”
Nagmadali naman akong tumayo at sumunod sa kaniya na agad na tumalikod at naglakad.
Hindi na rin ako nakapag-paalam kay Trina dahil sinundan ko agad si Brenz. Ang bilis maglakad.
Pero noong wala na gaanong mga estudyante sa paligid namin ay dahan-dahan na siyang naglakad hanggang sa sabay na kaming dalawa. Bigla ko naman naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko naman alam kung pwede bang pag-usapan ‘yon o hindi na. Pero na-guilty rin talaga ako dahil hindi ko sinagot ang tawag niya. Isa pa, curious din ako kung bakit niya hiningi ang number ko.
Kaya with all the confidence and positivity that are around me, I pulled all my strength as bravely ask him.
“Bakit mo nga pala hiningi ang number ko sa pinsan ko?”
Hindi naman siya sumagot kaya nagsalita ulit ako, “Pasensya ka na ha kung hindi ko masagot ang tawag mo. Busy kasi ako kagabi kaya ganoon.”
Pagdadahilan ko. Tiningnan ko naman siya sandal at napansin ko parang natatawa siya sakin pero pinipigilan niya lang.
“May nakakatawa ba sa sinabi ko? Sorry talaga ha.”
Ano ba? Pagtatawanan niya lang ba ako? Minsan nga lang ako maging ganito sa kaniya.
Tumigil naman siya sa paglalakad ng nasa harap na kami ng dean’s office. Humarap siya sakin habang nakahawak sa door knob ng office.
“Actually, the reason why I ask your number from your cousin is because the dean asked me for it. There was some error with his sss that’s why he can’t talk to you. That’s why I sent you a message in Instragram. The main point here is that we are both chosen to be part of the debate team for the upcoming universities’ competition. It’s not even me who called you last night. It was probably the dean. I don’t have any reason to call you. Lastly, you are funny and your imagination inside your little brain makes me laugh.”
Huli niyang sabi na siyang nakapagpatigil sakin at sa buong mundo ko. Para akong nabuhusan ng tubig na mula sa Antarctica. Sobrang lamig na parang naging yelo na ako mismo sa kinatatayuan ko. Gusto ko rin sampalin ang sarili ko dahil sa mga pinag-iisip ko. Na-late pa ako dahil doon. Tapos…tapos…mali pala lahat ng ‘yon. Isang malaking akala lang pala ang lahat?
Nang pumasok siya sa office ng dean ay doon na ako nabalik sa tamang pag-iisip at sumigaw ng walang kahit anong boses. Yes, you feel me, right? Para akong baliw habang sinasabunutan ko ang buhok ko at pinag-papapadyak ang mga paa ko.
I’m doomed!