CHAPTER 15

2821 Words
I was about to get outside the car when mom suddenly speaks. “You should be careful, Meliea. Seems like something bad will happen. We haven’t met the Governor yet. We don’t know what kind of person he is,” paalala ni mommy habang nakahawak sa kamay ko. I just saw dad nod.  This is the night. Tonight is the welcoming party of Brenz’s grandfather. I’m quite nervous, but I didn’t do something wrong. “Be careful, but be yourself my darling,” mom softly said as she put her hand in my cheeks. I see in her eyes how afraid she is. I just nod and smiled at them to make their feelings at ease, and to hide my nervousness. Smiles means thousands of meaning, I should remind myself with that.  Without saying anything, I walked out of the car and stood outside the Rosales’ Mansion with pride and confidence, of course, with elegance. Mom and dad followed too. I let them walk first, then I followed them. Marami na rin ang mga sasakyan na nasa labas so I expect na marami ng mga makapangyarihang tao sa bansa ang nasa loob ng mansion. “Good evening, Mr. & Mrs. Tuazon…” nakangiting bati ng isang naka-suit na lalaki habang pormal na yumuko kina mom and dad. “...and to you Ms. Tuazon,” bati niya rin sakin habang matamis na nakangiti. He’s tall and have a white skin. I supposed nasa 23-25 years pa lang siya. Sakto lang ang katawan niya and baby face. He looks cute too with those glasses. Cute. He just lead us sa isang event hall na pwede nang ma-cater ang nasa 100-150 guests. When I roamed my eyes through the place, I saw how everyone turned their gaze on us. Mom and dad didn’t even bothered looking to everyone but I can feel they’re smiling. I just plastered a half smile to everyone as I look at those whom I knew. There are celebrities in here too. As of the moment, I saw eight senators already. There are also governors, mayors, and business women and men I guess. I know almost all of these people. Kahit palagi naman akong sinasama nila mom kapag may ganitong occasion simula noong bata pa ako, I still feel awkward kapag tinitingnan nila ako. It feels so creepy. Really. “Hello beautiful,” Trina tease me as I went to her. “Oh please, don’t tease me Tri. Their gaze is creeping me out already,” pagbibiro kong sagot sa kaniya. She just laught a little before clinging her arms unto mine. “You should be here earlier, hindi ko na rin matiis ang mga tingin nila,” she said while shrugging her head. “Oh by the way, I saw Brenz here a while ago. He’s so handsome with those red suit. You should have seen him. Oh well, you’ll see him later naman, but he’s really handsome,” pansin ko naman ang kilig niya. Pero hindi naman ako tutol doon. Brenz is really handsome kahit ano pa man ipasuot mo sa kaniya. “Tsk. Pasalamat ka wala si Vinzon dito.” “Duh, sabi ko lang naman gwapo siya. As if naman jojowain ko ‘yon. Eh sa iyo na iyon no. Kuntento na ako sa bb Vinzon ko,” maarte talaga ‘tong babaeng ‘to kahit kalian. I just rolled my eyes and didn’t answer her. We just talked for a while nang may lumabas na mc at pumunta sa harap ng event hall. Everyone then stopped what they’re doing. Everyone looks fabulous and elegant with their suits and dresses tonight, by the way.  “Good evening, everyone. Thank you for coming tonight. We are here to welcome the former senator. Governor Alejandro Rosales, Sr.,” after saying that, the crowd welcomed the governor with a round of applause. As I remembered, he’s already on his early 80’s. Still he walks just fine – without a wheelchair. “Good evening everyone,” he greeted us in a monotone voice, and you could feel the power in his voice. He sounds scary even if it’s not that loud. Considering how old he is, it’s expected na mahina na ang boses niya. Some people from the crowd answered him while some people just smiled to him. “I’m grateful that you came here tonight. I know that you are all busy people, that’s why I’m so thankful you are here…” Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni governor ng makita ko sa gilid na may nakatingin sakin. He’s wearing a red suit that is perfect for him. Trina is right. He really looks so handsome with that red suit. Nasa sulok lang ata siya ngayon. Medyo madilim sa kinatatayuan niya kaya hindi ko masyadong makita kung saan ba talaga siya nakatingin. He’s holding a glass of wine while standing straight. Sa gawi ko nakabaling ang katawan ulo niya. Or maybe not. Nabalik naman sa reyalidadn ang utak ko ng mapansing nagpalakpakan na ang lahat. Governor Rosales is shaking people’s hand. Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala siyang magsalita. After the speech, everyone get back on their businesses. I and Trina scoop some foods because we are already hungry. Doon na rin kami umupo sa maliit na mesa sa gilid, at malayo sa mga taong politico, showbiz, at negosyo lamang ang pinag-uusapan. Of course, they’re here not for food or even the fact of welcoming the governor. They’re here for business and for their own benefits, nothing more and nothing less. These people really thinks about power and money. As for me and Trina, food is the reason why we came here. “Where’s kuya Tom at ‘yong sutil mong kapatid?” I don’t mind even if people are watching us eating right now. Kahit pa nagsasalita ako habang ngumunguya. In fairness naman kasi, masasarap ang pagkain nila. “Ayaw niyang sumama. Mga matatandang babae lang naman daw ang nandito at walang mga chicks while my younger brother went to his classmates’s birthday,” umiiling niyang sagot sakin before biting her favorite strawberry cake. Natawa naman ako sa sinabi ni Trina at sa reaksiyon niya habang sinasabi iyon. Kuya Tom is Trina’s older brother. Three years din gap namin sa kaniya and at the moment on showbiz industry. As he said, he can’t just use his brain, he need to use his good looks too to earn money. Kuya Tom really is a handsome man with a thick head. Ahahhaha. We were enjoying our foods when a man came to us. The same man who led us earlier here in the event hall. “Ms. Tuzaon.” “Yes? Is there something wrong?” nag-aalala at nagtataka kong tanong sa kaniya. “Wala po Miss. The governor just want to talk to you,” magalang nitong sabi. Medyo kinabahan ako nang sinabi niyang si governor ang gustong kumausap sakin. Is this all about me and Brenz? “Why?” I asked him in serious tone. Even if I’m nervous, I still need to stay brave. “You can ask him that question personally miss.” I have no choice then. I just looked at Trina and smiled to her to assure na okay lang ako. “I’ll be back,” nakangiti kong sabi saka tumayo at sumunod doon sa lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan. As he leads me to the governor, I was also amazed by how modern the house looks like. Everything from its white ceiling, light gold walls and clear glass walls, and the white floor. They have a taste huh. The chandelier at the living room is also elegant and looks so expensive. The man leads me to the stairs. We are going on the second floor I guess. I have some trouble with my gown and I think he noticed it. He let me hold his elbow while I’m holding my gown up para hindi ko matapakan. “This way miss,” he finally talk as he slowly open a black door at end of the hallway on the west wing. Nauna siyang pumasok sa loob para siguro ipaalam na nandito na ako. He opens the door again and let me in. Ramdam ko na rin na nanlalamig na ang mga kamay ko. I’m nervous. Nakita ko naman si governor na nakaupo sa harap ng lamesa na may maraming papeles. Nagulat naman ako ng makita si Brenz na nakaupo sa sofa sa harap mismo ng pintuan. He’s looking straight in my eyes. Pero hindi ko mabasa ang iniisip niya. As usual. “Welcome, Ms. Tuazon.” The governor talk so I look at him. “May kailangan po ba kayo, sir?” Tumayo siya ng dahan-dahan at naglakad papunta sa sofa. “Take a sit first.” Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harap mismo ni Brenz.  I look at Brenz and as always I can’t read him. He’s too complicated. Nakatitig lang din siya sakin. Habang ang lolo niya ay umupo sa upuan sa gitna. “Bakit niyo po ako pinatawag, sir?” Tumingin ako sa lolo ni Brenz at pinakiramdaman ang tingin niya sakin. Pero katulad ni Brenz, hindi ko rin ito mabasa. Mag-lolo nga. Tumikhim naman siya at tumingin kay Brenz. “Is it about the articles?” Wala pa ring sumasagot sa kanilang dalawa. Bakit pa nila ako pinapunta dito? Ano? Trip lang nila? Umayos naman ng upo si Brenz at tumingin ng diretso sa lolo niya. “I’ve told you, hindi na natin siya kailangan ipatawag dito lolo.” May bahid ng galit ang boses ni Brenz at saka bumaling ng tingin sakin. “I think I did the right decision, iho. If not, I won’t see that side of yours.” Natatawang sagot ng lolo niya. Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang side ng upuan. “Lolo,” may pagbabantang tawag ni Brenz sa lolo niya. Now, hindi ko na sila maintindihan dalawa. Kanina ayaw akong sagutin tapos ngayon makikita ko pa ata silang mag-away dalawa. “You’re adapted, right?” Baling sakin ng lolo niya. Hindi naman bago sakin ang ganoong tanong. Pero sa tono ng boses niya parang gusto niyang iparating na mababa akong klase ng tao. Ngumiti ako ng konti sa lolo niya habang mahigpit na nakahawak sa purse ko, “Yes sir.” “Then, you’re not qualified to be my grandson’s girlfriend,” diretso niyang sabi sa akin. Mas humigpit naman ang hawak ko sa purse ko at mas pinalawak ang ngiti sa mga labi ko. I need to show him na hindi ako naapektuhan sa sinabi niya. Wala naman namamagitan sa amin ng apo niya pero hinusgahan na niya ako. At ‘yon ang kinagagalit ko. “Lolo, sinabi ko na sayo na wala kaming relasyon ni Ms. Tuazon.” May diin na sabi Brezn sa lolo niya. “Really?” panunuya nito. “Sa inaasal mo ngayon parang iba ang pinapapatunayan mo sakin.” Ulit nito. “I think you’re wrong about me Governor. Una sa lahat, wala kaming relasyon ng apo niyo. At sa nakikita ko ngayon, mas hindi ko gugustuhing magkaroon ng ugnayan sa apo niyo o sa pamilya na ito. Pangalawa, oo at ampon ako pero wala iyong kinalaman sa kung ano ako. Panghuli, huwag ninyo po akong gamitin kung may nais kayong malaman tungkol sa apo niyo.” “Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Mr. Rosales,” Seryoso kong saad sa kanila habang pabaling-baling ang tingin ko sa kanila. “Nasagot na po ang mga tanong niyo Sir. If you don’t mind, kailangan ko ng bumalik sa baba.” Agad na akong tumayo at naglakad. Hindi ko gugustuhing manatili pa dito. Hindi ako pinalaki para sabihan ng ganoon nalang. Hindi ako tanga para hindi malaman ang gusto niyang sabihin. Malapit na ako sa pintuan ng magsalita ulit ang lolo niya. “Ang lakas rin ng loob mo pumunta dito sa party ko kung hindi ka naman nababagay dito. Pero inaamin ko na matapang ka nga pero hindi ka napalaki ng maayos ng mga magulang mo ngayon. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Sino ka ba sa tingin mo?” Napapikit agad ako ng lumakas na ang boses ng lolo niya. “Lolo, tama na. You can go now Ms. Tuazon.” Imbes na sundin ko ang sinabi ni Brenz ay humarap ako sa kanila at tinitigan ng diretso ang lolo niya. This time, without the fake smile. “I object Governor. Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. At hindi po mataas ang tingin ko sa sarili ko. Sa totoo nga po niyan, walang-wala po ako kung ikukumpara sa inyo. Sa kabilang banda, walang-wala rin po kayo kung ikukumpara sakin.” Makahulugan kong sabi sa kaniya. “Anong ibi---“ “Pero tama po kayo na malakas ang loob ko dahil kung hindi, hindi ko rin po kayo masasagot ng ganito.” Pagputol ko sa kaniya. Napangisi naman ako sa sarili ko. Ang lakas nga ng loob ko ngayon. Huwag ko naman sana ‘tong pagsisihan. “At siguro nga hindi ako nababagay sa party na ito kung hindi naman magagaling na tao ang mga nandito,” napatingin ako sa ceiling para hindi tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatawa naman ng malakas si Gov. “Kaya ba napili mo ang babaeng ito?” Tumatawa niyang tanong kay Brenz habang nakaturo sakin. “Hindi ko po siya gusto lolo,” seryosong sagot ni Brenz. “Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako gusto ng apo ninyo at wala pong mamagitan sa amin,” seryoso ko ring sabi sa lolo niya. Hindi naman sumagot ang lolo niya at huminto na rin ito sa kakatawa. Seryoso naman niya kaming tiningnan dalawa. “SIguraduhin mo lang na wala ka talagang gusto sa babaeng ito Brenz dahil hindi ko rin matatanggap ang isang ampon na katulad niyan.” Mahinahon ngunit may diin nitong sabi kay Brenz habang nakaturo sakin ang hintuturo niya. Hindi naman sumagot si Brenz at iniyuko ang ulo niya para sumang-ayon dito. Huh. Talaga bang hindi niya ako ipagtatanggol sa lolo niya? Hindi naman sa may iba akong gusto niyang gawin. Pero kahit bilang kaklase niya man lang, hindi niya ba ako ipagtatanggol sa lolo niya na pinagsasabihan ako ng kung anu-ano? Siguro nga tama ako. Pareho lang silang lahat. “At ikaw…” Tumayo naman ang lolo niya at humarap sa akin. “Huwag ka ng lalapit sa apo ko. Kung ayaw mong may mangyari sa mga magulang mo. Hindi mo pa ako kilala, iha.” Pangbabanta nito sa akin. “Kanina hinahamak niyo ako. Ngayo naman pinagbabantaan niyo ako. According to Artic---“ “Alam ko ang batas kaya hindi mo ako kailangan turuan. Mas alam ko ang batas kaysa sa inyo.” May bahid ng galit niyang sabi sakin. “Kung ganun, may mali ba sa batas? O magkaiba ang batas na alam natin Governor?” Napangisi naman ako ng makita ang pagkabigla at pagtigil niya. Tumayo naman si Brenz at humarap sakin. “Tama na. Sinabi ko nang makakaalis ka na.” Seryoso pa rin nitong sabi habang nakatitig ng diretso sa mata ko. Napangisi ulit ako sa sinabi niya at hindi ito pinansin. Bumaling ako sa lolo niya at seryoso ulit itong tiningnan. “I think the latter suits you Governor. We are under the same state and lead by the same government. You had read and studied the law when you were in law school while I’m reading and studying the law now. It changes overtime, but we both knew it and are updated to it. However, I guess we just don’t apply the law in different way, we have different understanding about it. I hope I’m not mistaken, but I also hope you know your mistakes.” “The law is not just for you to play Governor. It’s bigger than you think. And I hope you know what I mean.” Tahimik naman silang dalawang nakatingin sakin. Tumikhim saglit si Governor habang diretso pa rin nakatingin sakin si Brenz. “See you in school, Mr. Rosales.” Huli kong sabi bago umalis sa silid na iyon.  I’m not just no one, Governor. You should know it by now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD