Bigla naman nag-vibrate ang phone ko kung kaya’t binuksan ko muna ito.
Pagkatapos kong basahin ang message ay siya naman ang pagdating ng prof namin.
“Get ready,” mahina kong sabi at sakto lang para marinig ni Trina. Hindi na rin siya nagsalita at nakita ko nalang ang pagtango niya.
“HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRHDAY TO YOUUUUU!!!” sabay-sabay naman ang pagkanta naming lahat ng mga kaklase ko kaya walang naging problema sa plano namin.
“HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY!...”
Napapatingin agad ako sa labas ng classroom namin ng nakita kong nakadungaw ang mga estudyante sa pintuan at bintana habang nakikisabay samin kumanta. Habang ang mga kaklase ko ay nakahawak ng mga regalo nila at ang iba ay nakahawak ng mga placards.
“Happy birthday to youuuuu.”
“Para po sa inyo, sir. Happy birthday po,” bati ng kaklase kong si Bea na siyang nagsimula ng surprise na ‘to.
Napangiti naman si Sir Gomez sabay tanggap ng regalo. Nakangiti siyang nakatingin sa amin lahat, “Maraming salamat sa inyong lahat…at syempre sa inyo din diyan sa labas.”
Sabay-sabay naman nagpalakpakan ang lahat. Matapos ay unti-unti na rin umaalis iyong mga estudyante na nakikanta sa amin sa labas.
“I really appreciate it class. Thank you again!”
Pagkatpos naming maibigay ang mga regalo naming at kaunting birthday message ay nagsimula na rin siyang magturo samin. Kahit nga nagtuturo siya ay kita pa rin ang mga ngiti sa mga labi niya. Kita naman sa mga mukha ng mga kaklase ko ang satisfaction dahil napasaya namin si Sir Gomez. Major professor namin siya pero marami na rin siyang naitulong sa amin lahat kaya masaya rin kaming mapasaya siya ngayong kaarawan niya.
Hindi na rin nagtagal ang klase namin sa kaniya dahil kaunti nalang din ang mga oras na natira noong matapos kaming mag-greet sa kaniya.
After ng class naming kay Sir Gomez ay sa hapon pa ang susunod naming klase ni Trina kaya naman napagdesisyonan namin na sa malapit nalang kami na mall kakain at para makabili na rin kami ng susuotin sa welcoming party ng lolo ni Brenz. And speaking of Brenz, naiinis ako sa kaniya hanggang sa matapos ang klase naming kay Sir Gomez. Paano ba naman kasi, palagi niyang kaharutan ‘yong senior namin. Haler, nasa klase po tayo. Akala ata nila nagda-date silang dalawa kanina. Naku, ang sasarap sapakin. Nai-imbyerna ang beauty ko sa kanila ah.
“Eia, punta muna tayo sa Velvet Boutique,” napa-isip naman ako sa sinabi ni Trina. Marami nga kaming mapagpipilian doon kaya magandang doon muna kami magsimulang maghanap ng susuotin.
“Okay.”
Hindi nga kami nagkamali ng pinuntahan dahil pagpasok pa lang namin ay magaganda at eleganteng mga damit na agad ang sumalubong sa amin.
“Oh my God! This is so beautiful,” hindi makapaniwalang turo ni Trina sa isang violet slit-ball-gown na nakasuot sa isang mannequin.
“No no, my dear. Red ang dress code na nakalagay sa invitation letter kaya hindi mo pa rin kakailanganin ‘yan,” kontra ko agad sa kanya.
Paano ba naman kasi, may pa-dress code pang nalalaman ang lolo ni Brenz. Tsk kulang nalang ata mascara. Sa lahat ng kulay, bakit red pa? Christmas lang ang peg? O di kaya Valentine’s Day? Ahahha haaays walang kwenta.
“Tsk. Bakit ba kasi may pa-dress code pa si Gov,” kita ko naman ang inis sa mukha ni Trina habang sinasabi ‘yon.
Nabitin naman ang pagsasalita ko ng mapansin ang sunod-sunod na flash. Hindi nga ako nagkakamali, may nagpi-picture samin. Agad ko naman silang hinarap at nginitian. Mabilis rin naman nakuha ni Trina ang nangyayari kaya agad naman siyang lumingon sa likod niya at ngumiti rin.
Take note that was not a fake smiles. We really need to make sure that we have the composure dahil any moment ay may kukuha ng mga pictures samin and that’s not new to us. However, we smile genuinely to them. Unless we are not in the right mood.
Hindi nalang namin sila pinansin ulit at naghanap nalang ng magandang susuotin. We are in a public place after all kaya expected na ‘to na mangyari. Pasalamat nalang kami at binibigyan rin nila kami ng space.
“Gurl, labas ka na diyan. Ang bagal-bagal mo naman magbihis,” pansin ko naman ang pagkainip sa boses ni Trina.
“Ang ingay mo talaga kahit kai---“
“Oh my God!”
Nang tingnan ko siya ay kita ko ang pagka-amaze sa mga mata niya habang nakabuka pa ang bibig na tinatakpan kaunti ng dalawa niyang kamay.
“What? Do I look bad?” nagtataka kong tanong sa kaniya na naestatwa na sa kinatatayuan at nakanganga pa rin.
Bumalik naman ako sa loob ng dressing room at tiningnan ang sarili ko. Okay naman ah.
“You look so beautiful, Eia!”
“Ay daga!” gulat kong sigaw habang nakahawak sa dibdib ko. “Langya ka Trinaaaa. Huwag kang manakot diyan. Bigla-bigla ka nalang susulpot e,” inis kong sabi sa kanya habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. Nenerbyosin ako sa babae na ‘to e.
Hindi naman niya pinansin ang mga sinabi ko at tumawa lang ng tumawa. Rinig siguro sa labas ang lakas ng tawa ng babaeng ‘to kasi biglang pumasok ‘yong isang sales lady ng boutique.
“Everything’s fine ma’am?” nagtatakang tanong ng sales lady.
“Yes, don’t worry. Thank you,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Ngumiti naman siya at agad nang umalis.
Pinalo ko agad si Trina na agad naman napahawak sa balikat niya, “Ikaw ha, alam mo naman na ang bigat niyang kamay mo.”
“Tawa ka kasi ng tawa diyan,” nakakairita rin itong babaeng ito e.
“Oh silly, nakakatawa lang kasi talaga ang reaction mo. Pero wait, back to business, you look so hot ling-gorgeous-goddess-like Eia,” naa-amaze niyang sabi habang masuri akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
I’m actually wearing a b****y red gown that is also fit with my body. Tube siya and is made of satin, however, ang kinaganda niya is that it’s in fish tale design na aabot hanggang lupa kahit na mag-heels pa ako. It shows my body fit and fair white skin. Medyo kita rin ang cleavage ko at backless siya kaya naman kitang-kita talaga ang likod ko.
“Wow! Parang Catriona Gray datingan natin diyan a,” ngumingising sabi ni Trina.
“Tsk. Is that a complement?”
“Of cpurse, dear,” nakangiti niyang sabi sabay hawak sa mga balikat ko at hinarap ako sa whole body mirror.
“That beauty will lure the Rosales,” makahulugang sabi ni Trina saka siya nagpaalam na lalabas na para makapagpalit na ako.
As expected, ang binili niyang dress ay iyong kapareho ng design na nagustuhan niya kanina. In red color nga lang. nevertheless, it really suits her. She looks like a living Barbie. Hindi na ako magtataka kung marami na naman pipila diyan after the party. Malas nga lang nila dahil taken na ang ate Trina niyo. Pang-Vinzon ang beauty e. Pak.
Bumili na rin kami ng heels na babagay sa gowns namin. I bought a skin-toned 8 inches heels na babagay rin naman sa gown ko. Hindi rin naman makikita iyon dahil hanggang floor ang taas ng gown ko. While Trina bought a red 6 inches heels na may strap pa sa ankle niya. She will look like a living fire in that dress. Sabi pa niya, she don’t need high heels kasi matangkad naman siya. She’s right though. She’s 158 cm long while I’m 157 cm. I guess having a model-like heights are in this family. Though not by blood.
After an hour of roaming inside the mall, we finally take off to the nearest fast food chain. We just ordered burgers, pizza, milktea, and fries. Yeah, we’re fine with it. Nakakahilo rin kasi mag-ikot sa buong mall kaya naman hindi kami kumain ng sobra. Wow. Really kasi madali lang masira ang tiyan ko kaya hindi ako kumain ng proper lunch. Naki-rides naman sakin si Trina kaya bumagsak nalang kami sa isang fast food chain.
It was nearly 2 o’clock in the afternoon when we decided to go back in campus. Hindi naman malayo sa univ ang school, mga 10-15 minutes lang. Depende kung walang traffic. Kotse na rin naman ni Trina ang dinala namin para hindi na sayang sa gas.
Madali lang din natapos ang oras at natapos rin agad ang 2nd and 3rd class ko that day. Hindi ko na rin nakita si Brenz, hindi kasi kami magkapareho ng time of class sa ibang subjects.
“Good morning manang,” bati to kay manang Cecil pagkapasok ko sa dining area.
Nadatnan ko siyang naghahanda ng kakainin ko. Nag-text lang din si mommy kanina asking if I’m okay. They’re really busy right now kaya buti nalang makakapunta pa sila sa party nila Brenz. Hindi na rin ako nagtagal kumain dahil male-late na rin ako sa klase ko.
“Okay class, that’s all for today. Good bye. Dismiss class.”
Kanya-kanya naman ng ayos ang mga kaklase ko at ang iba ay nagsialisan na rin.
“I’ll just wait for you outside Eia,” paalam ni Trina sakin. Nagtaka naman ako dahil bakit hindi nalang niya ako hintayin dito sa loob e patapos na rin naman akong magligpit ng mga libro ko.
“We need to talk,” agad akong nahinto sa pagliligpit ng marinig ang boses niya.
Wala namang ibang estudyante dito sa school na kilala kong malamig at mababa ang boses kundi siya lang. Nang tumingala ako sa kaniya ay seryoso na naman ang mga mata niya. Those eyes. Sometimes I can’t stop looking at those eyes like I just want those eyes to look at me. There are also times I tremble looking at it and I hate it. Kaya naman pala lumabas si Trina dahil sa impaktong ito.
“Need something?” kalmado kong tanong sa kaniya habang walang kurap na nakatingin sa mga mata niya. This time, his eyes are slowly making my heart melt.
Akala ko ba wala na kaming dapat pag-usapan ng lalaking ito. Wala na rin naman nanggugulo samin about the articles, which is good for me. At least, hindi ko na pro-problemahin ang mga tao sa paligid ko…at siya.
“If my grandfather ask you about the articles, just don’t mind him. He’s not yet talking to me about it, but I know he’s just waiting for the party to come so he could confirm it with his own eyes and ears,” seryoso niyang sabi sakin.
“How could I not mind him when he’s the Governor? But, don’t worry, I’m not a hindrance to you. You can do whatever you want with your grandfather. And leave my business to me,” mariin kong sabi sa kaniya. Sino ba siya para pagsabihan ako sa kung ano ang dapat gawin o hindi gawin?
Agad na akong tumayo at dinala ang mga gamit ko. Hindi na rin naman siya nagsalita pa kaya nagpatuloy na rin akong maglakad.
“Anong pinag-usapan niyo?” echuserang tanong ni Trina pagkalabas ko.
Hinarap ko naman siya at huminga ng malalim bago siya hinawakan sa magkabilang balikat.
“Gurl, hindi ko alam isa ka na rin palang reporter ngayon?” pang-iinis ko sa kaniya.
Tinggal naman niya ang mga kamay ko na nakahawak sa mga balikat niya, “Gaga nagpapatawa ka ba?”
Huminga ulit ako ng malalim bago tumalikod sa kaniya at nagsimulang maglakad. I don’t want to talk right now. I’m not okay.