CHAPTER 13

1637 Words
“Kumusta na ‘yong article about you and Brenz, Iea?” nag-aalalang tanong ni Trina. Pagkatapos kasi noong huli naming pag-uusap dalawa ni Brenz ay nalaman ko nalang na umuwi na pala siya pagkatapos sabihin ng guard ng school na pwede na umuwi ang mga estudyanteng nasalanta. Mayroon kasing service na mag-uuwi samin na dumating na at nauna si Brenz dahil sinama siya sa first batch na hinatid. Nang makauwi naman ako, ay sobra ang pag-aalala nila mommy because of two reasons. Kasi na-stranded ako sa school and dahil sa articles na lumabas tungkol samin ni Brenz. Yes, articles with s po talaga. Kasi nang bago ako makauwi sa bahay naming ay may isa pang article ang lumabas, and this time, it was an intimate photos of us. Iyon ‘yong time na inilapit ni Brenz ang mukha niya sakin na halos maghalikan na kami. Todo paliwanag naman ako kina mom and dad kung bakit may ganoong photo at sobrang galit sila dahil ginawa ‘yon ni Brenz. And it’s been three days since then, nawala na rin ang bagyo kaya balik eskwela rin kami kinabukasan noon. Now, it’s Monday again and balik na ulit kami sa klase. Nagawa naman ng paraan nila mom na ipa-delete ‘yong article pero nagsilabasan lang din ang iba pang articles about us again and again. Sabi naman nila mom na wala namang ginagawa ang side nina Brenz kaya hinayaan nalang naming dahil mawawala rin naman ‘yon.  “Okay lang, marami pa rin ang mga naglalabasan na article. Hindi sila mawala-wala kaya hinayaan nalang nila mommy dahil huhupa rin naman ‘yan,” seryoso kong sagot sa kaniya.  Wala kasi ako sa mood ngayon. Una dahil sa mga articles tungkol sa relasyon kuno namin ni Brenz. Pangalawa ay dahil sa tingin ng ibang mga babae sakin dito sa school. Bukod kasi sa media, ay mainit din ang mga tingin nila sakin at parang kakainin na ako ng buhay. Pangatlo, naiinis ako dahil parang wala lang kay Brenz ang lahat at parang mas sanay pa siya sakin pagdating sa ganitong bagay. Haaays nakakainis.  “Don’t worry gurl. Everything will be okay.” Hindi na ako sumagot kay Trina at pinikit nalang ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang paligid ko. Nandito rin kasi kami sa labas ng building, sa park sa harap ng building to be specific dahil kakatapos lang ng first period namin at may 2 hours pa bago ang susunod. Maganda kasi dito dahil fresh ang hangin habang ang mga estudyante naman na naririto ay may kanya-kanyang mundo habang nakaupo sa bleachers or sa damuhan. “Babe, subuan mo naman ako niyang burger,” rinig kong sabi ni Trina. Kasama rin kasi namin ang boyfriend niyang si Vinzon. Isa rin ‘to sa kinaiinisan ko e. Halos maging chocolate na sila dahil sa sobrang tamis ang sasarap pag-uuntugin. Nakakainggit lang. “Sige babe, ahhh…”tiningnan ko naman silang dalawa ng masama. Sa harapan ko pa talaga nagsusubuan. Mga walang respeto. Hindi ba nila alam may single sa harap nila at sobra sila maging sweet. Okay, ako na ang bitter. Lord, nasaan na po ba ang para sakin? “…nasa likod mo.” Agad naman akong bumaling kay Tri ng magsalita siya. “Anong nasa likod ko?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Ewan ko ba pero parang ‘yon ang binigay ni Lord na sagot sa tanong ko e dahil on time talaga ang pagkasabi ni Tri at ‘yon lang talaga ang narinig ko. “May naghihintay ata sayo at nasa likod mo,” kinikilig niyang sabi habang nakaturo sa likod ko. Ngumunguso naman si Vinzon sa likod ko kaya dahan-dahan na akong tumingin sa likod ko. At kung minamalas ka nga naman oh-oh, si Brenz pa talaga ang nasa likod ko habang seryosong nakatingin sakin. Hindi ko pa mabasa-basa kung anong nasa isip niya. “Puntahan mo na. Mukhang gusto ka ata makausap,” ulit ni Trina. Wala naman akong magagawa pa dahil sa kailangan ko rin siya makausap. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at tumayo na. Naglakad agad ako papunta sa kaniya pero bigla siyang tumalikod at naglakad. Mukhang gusto niya na sumunod ako sa kaniya, kaya naman ginawa ko nga. Napunta kami sa likod ng parking lot ng school. Wala rin mga tao na naririto ngayon. Nang humarap na siya sakin ay agad na akong nagsalita. “Ano ang kailangan mo sakin?” tanong ko sakaniya habang diretsong nakatingin sa mata niya. Hindi siya agad nagsalita kaya nagsalita ulit ako, “Kung tungkol ‘to sa articles, huwag kang mag-aalala dahil ako na---“ “I don’t care about the articles,” diretso niyong sabi sakin. Medyo nasaktan naman ako doon kahit alam ko naman talaga na wala siyang pakielam sa articles na lumalabas. Masakit lang na wala talaga siyang pakielam. Umayos ako ng tayo at tiningnan ulit siya sa mata, “Kung ganun, anong kailangan mo sakin?” Hindi siya nagsalita at may kinuha lang sa libro na hawak-hawak niya. Inabot naman niya ito sakin. Kahit nagtataka ay kinuha ko ito mula sa kaniya at binuksan. Governor Rosales Welcome Party – ‘yan ang nakalagay sa front ng binigay niyang invitation. “My grandfather asked me to give it to you since your family’s businesses are also connected to our businesses. As you can see, the governor is coming in Manila. He thinks that you are my girlfriend, but don’t worry about it, I’ll handle him.” Seryoso niyang sabi. Nakakapagtaka dahil para siyang walang buhay ngayon habang sinasabi sa akin ang lahat ng ito. Maybe this is really the true color of their family. Even Brenz, wala siyang pinagkaiba. “Is that all?” nakita ko naman ang pagtataka niya ng sabihin ko ‘yon. Maybe he’s not even expecting na iyon lang ang sasabihin ko. I think I should cut all these craps and stop thinking na hindi siya katulad ng pamilya niya. “Yes.” Seryoso ulit niyang sabi habang naka-maintain pa rin ang walang emosyon niyang mga mata ang mukha. “Okay,” tanging sabi ko at umalis na. Maybe I was wrong about him. After all, he still have their blood. After that talk, hindi na ako bumalik kina Trina at pumunta nalang sa library para doon na magpalipas oras. Natapos rin ang klase ngayong araw at heto ako ngayon nagd-drive pauwi sa amin. Wala pa rin sina mom at mukhang hindi sila makakauwi ngayon or maybe even tomorrow or next day after tomorrow. I’ll just send her a text about the invitation later. I know pupunta rin sila. That night, mag-isa akong kumain. Tinapos ko lang din ang kinakailangan kung ipasang paper works at maaga na rin akong natulog pagkatapos. I felt so tired, physically and emotionally. I was wrong really, I guess. “Good morning, manang Cecil,” bati ko kay manang ng matapos papasok na ako sa dining area. Wala pa rin sila mom at nag-reply naman siya sakin na pupunta sila sa party ni Gov at sa araw na iyon pa sila uuwi – which is three days from now. “Good morning din sayo, iha,” nakangiting bati rin ni manang. Napangiti na rin ako dahil napakagaan niyang ngiti. Gumanda bigla ang umaga ko. “Thank you manang,” pagpapasalamat ko ng nag-serve na siya ng pagkain ko. I’m into heavy breakfast pero mabilis kong tinapos ang pagkain dahil ayaw kong maabutan ng traffic papunta sa school. “Nakatanggap din ba kayo ng invitation galing sa lolo ni Brenz?” tanong ko kay Trina habang nakangiti kaming nakatingin sa ibang estudyante na kakilala naming. “Yes,” tipid niyang sagot habang nakaakbay sakin. Mas matangkad kasi siya sa akin ng isa pulgada kaya ganyan. And baka hindi ko pa nasasabi sa inyo, she’s skinny, really.  Heavy eater rin siya like me pero hindi po siya lumalalki. Hindi rin naman ako mataba, ‘yong sakto lang. Maypagka-tanned din ang balat niya, while I have a fair white skin. Frankly saying, hindi naman talaga kami magkadugo. However, we treated each other as one. “How was your talk with Brenz,” pang-uusisa niya. Bigla naman akong nawala sa mood, but I just get rid of it and smiled at her. “We really didn’t talk that much. He just gave me the invitation,” parang balewala kong sagot sa kaniya. Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sakin,” What? Why? I though you think---“ “Stop right there Trina. That won’t be good,” seryoso kong sabi sa kaniya. At saka ako nagpatuloy sa paglalakad. “But, maybe love is greater now that how we thought it was,” ang mga estudyante naman na nakarinig sa sinabi ni Tri ay hindi na nakiusisa at nagpatuloy na sa paglalakad. Huminto naman ako at hinarap si Trina. “We’ll be late, let’s go.” ‘Yon lamang ang huli kong sinabi at agad ng tumalikod at naglakad ulit papunta sa classroom sa first class namin. Sumunod naman si Tri pero may distansya na samin. Nang makaupo ako pagdating sa classroom namin ay napansin ko pa muna na nakikipag-usap si Brenz sa isang flirty namin na kaklase. Galing siya sa 4TH Year, as I remembered. Ilang segundo lang ay sumunod na rin si Trina. Bigla naman nag-vibrate ang phone ko kung kaya’t binuksan ko muna ito. Pagkatapos kong basahin ang message ay siya naman ang pagdating ng prof namin. “Get ready,” mahina kong sabi at sakto lang para marinig ni Trina. Hindi na rin siya nagsalita at nakita ko nalang ang pagtango niya. The plan just started.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD