Pagmulat ko ng aking mga mata natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na lugar. Nakatali ang bibig ko at kamay, Sa di kalayuan naman ay may naririnig akong umiiyak..
Sa pagkakatanda ko, nagmamaka-awa ako sa Tita ko na hindi nya ako iwan pagkatapos ay tinulak nya ako at sa tingin ko, muli kong naalala ang tunog ng bumubusinang truck sa utak ko. Umiling-iling ako, kung ganon patay na ako?
Pero hanggang dito pa naman sa kabilang buhay pinagmamalupitan parin ako? Bakit ako nakatali? Bakit ang dilim dito!
Tapos may narinig akong mga boses galing sa tapat ko, "Nandyan na ba lahat? Yung babaeng may pula ang mata kasama ba dito?"
"Opo."
"Siguradong kikita tayo ng marami dito lalo na nasatin ang babaeng yon. Anong nangyari sa Lady? Nandyan din ba sya?"
Sandali lang, ang sitwasyon na 'to-Human Trafficking ba 'to?! Pero hindi ko maintindihan, paano naman ako napadpad dito? Sa pagkaka-alam ko nasagasahan ako!
"Sige, isakay nyo na sila ng barko." Kailangan na natin silang i-transport dahil pag-dating ng bukang liwayway ay maghihigpit nanaman sila sa daungan."
"Masusunod po!"
Pagkatapos nilang mag-usap ay ginawa nung mga tauhan nito ang pinag-uutos ng parang leader nila. Binuksan ang mga bakal na parang selda, pagkatapos ay pinagpapalo kami para lang tumayo.
"hmm-!!"
Nagpupumiglas ako pero mas lalo pang nilakasan ang pagpalo sa akin.
"You Scoundrels! Akala nyo ba hahayaan nalang ni Lace ang ginagawa nyong ito!? Makikita nyo, uubusin nya kayo!" Galit na timbre ng isang babae sa mga sindikato.
"Oo na, my fair Lady. Kilos na, KILOS!" Sinigawan nila yung babae tapos ay itinulak nila ito ng malakas kaya bumagsak sya sa sahig at parang nagasgasan yung mukha nya. Tumingin naman ng masama ang babae sa kanila.
"Ikaw! Anong tinatayo-tayo mo dyan! Lakad!" Nabaling naman ang atensyon nung isa sa akin at muli nanamang hinampas ang aking hita. Mangiyak-ngiyak akong naglalakad sa sinasabi nilang pupuntahan namin.
Kasabay ko namang naglalakad yung babae, lupaypay at tila wala na syang kaluluwa habang nag-lalakad, Nakaka-awa naman sya pero mas nakakaawa ako. Akala ko patay na ako pero buhay pa ako't ito na-aabuso nanaman ng mga tao.
Tahimik nalang naglalakad ang lahat nang biglang bumagsak ang babae na naglalaban kanina kaya napatigil ako.
"Hoy! Bumangon ka dyan!"
Sinisipa sya ng mga di kilalang lalaki upang patayuin, "Tabi! Kung ayaw nyang tumayo, hahambalusin ko nalang sya upang hindi na talaga makatayo pa!" Nakatingin ako sa babae, nangangati ang aking sarili upang tulungan sya.
Aktong hahambalusin na sya ng mahabang pamalo nang tumakbo ako upang ako para lang ako ang sumalo sa palo.
"Argh!"
Mapilay-pilay akong bumagsak sa katawan ng babae, tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"...."
Gulat naman itong tumingin sa akin.
"A-acrasia!" Pero naguluhan ako nang tinawag nya ako sa aking pangalan. Teka, kilala nya ako? Imbis na iinda ko yung sakit na nararamdaman ko, napa-isip ako kung bakit nya ako kilala.
"Acrasia, anong ginawa mo! Bakit mo isinangga ang sarili mo para sa akin?!"
Hindi ako makasagot dahil sa tali na nasa aking bibig.
But it's really true, she knows me.
"That's enough."
Ngayon naman ay may narinig kaming boses galing naman sa may likuran namin.
"Lace!"
Sino naman itong lalaking 'to? Sya ba ang magliligtas sa amin. Kung ganon mabuti naman kasi hindi ko na kayang maglakad pa dahil sa natamo ko.
May nakita rin akong mga nagsisiliparan sa ere at inaatake ang mga sindikato. Hindi lang yon, may mga pa-ilaw pa sya, ano yun? Nag-iispark galing sa kamay nila.
"Lady Lucrece, are you alright?"
May lumapit sa amin na black long haired guy, medyo matangkad sya at may asul na mga mata.
"Please carry her. Sinangga nya ang sarili nya para sa akin. I can handle myself."
Nagkatinginan naman kaming dalawa ng lalaki, medyo kinakabahan ako dahil lang sa pagkakatitig nya sa akin. Palapit yung kamay nya sa mukha ko nang ipikit ko ang mga mata ko dahil narin sa takot.
"Hanggang kailan mo ba balak isubo yang tali sa bibig mo?"
Napamulat ako ng dalawang mata nang maramdaman kong hinawakan nya yung tali sa bibig ko, sa sandaling paghawak nito ay naglaho ang tali ng walang kahirap-hirap. Tinanggal nya rin ang pagkakatali sa kamay ko pagkatapos ay binuhat nya ako.
"Ugh..." Medyo nasasaktan ako sa pagbuhat nya sa akin dahil narin siguro sa natamo kong pasa.
"Anong masakit sayo?" Maginoo nitong wika, "Y-yung likod ko..."
"Kung ganon dahan-dahan akong maglalakad, tiisin mo lang ang sakit hanggang sa karwahe. Maliwanag ba?"
Tumango nalang din ako kasi wala akong magagawa, habang palayo kami sa lugar na yon. Nakita ko yung babae kanina, may nakalabas na Triangle sa harapan na nagliliwanag pati sa lupa. Pagkatapos nakita ko pa yung liwanag na lumipad papunta sa langit pagkaraan ng ilang segundo ay kumidlat ng matindi sa lugar na yon.
Nakarating naman kami ng lalaking kasama ko sa isang karwahe, Ini-upo nya ako sa upuan ng dahan-dahan pagkatapos ay umupo narin sya sa kabila.
"H-hindi mo ba tutulungan yung babae?"
"Ha? Bakit ko naman sya tutulungan? Ikaw lang ang pakay ko."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya.
"Seryoso ka? Teka, paano yung iba?"
Tumingin sya ng masama sa akin at bigla syang nag-smirked.
"Sige, bigyan mo ako ng dahilan para iligtas ko sila."
Napa-shrug ako ng konti, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi hindi ko talaga sila kilala. Natahimik nalang ako habang patuloy parin syang nakatingin sa akin ng masama.
"My Lord, where do you wish to go?"
"Take us home. Quickly."
Napatingin nalang ako sa labas ng bintana habang dahan-dahan nang umaandar ang karwahe. Home, uh? Saan ang bahay nya? Saka bakit nya ako isasama doon? Kilala nya ba ako? Bakit hindi ko sya kilala?
Ibinaling ko ang aking pansin sa kanya, nakatingin sya sa kabilang bintana nang bigla itong tumingin sa akin.
"Your eyes are really stunning don't you think so?" My eyes? What about my eyes? "They're stunning that I want to remove them out of your skin." Dagdag pa nito.
Nakaramdam ako ng matinding takot dahil sa kanyang sinabi. Sino ba 'tong lalaking 'to? Bakit ako lang ang iniligtas nya, bakit hindi nya tinulungan ang iba?
"Pfft! What the heck is wrong with you? Bakit napaka-seryoso mo?" Bigla naman syang lumagapak ng tawa, hindi ko naman ngayon alam ang dahilan kung bakit sya tumatawa.
May topak ba ito sa utak? Anong nakakatawa pagkatapos nya akong takutin?
Bigla syang tumayo at pasimple naman syang umupo sa tabi ko.
"Acrasia. Wag kang mag-alala, pagdating mo sa bahay tatawagan ko kaagad ang mga mang-gagamot kaya mag-pahinga ka muna dyan."
Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako kilala pero hindi ko naman sila kilala. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Nakatingin nalang ako sa may bintana nang huminto ang karwaheng sinasakyan namin.
Tumayo ako kahit masakit ang pakiramdam ko at lumabas kaagad sa karwahe. Nagulat ako nang makita ko ang lugar kung nasaan kami ngayon, ang lawak at ang laki. May fountain din sa harapan ko, "W-where in the world...I am?" bulong ko nalang sa sarili ko.
"What's wrong with you? Kanina ka pa kumikilos ng kakaiba dyan."
Hindi ko sya pinansin sa halip ay lumapit ako sa may fountain na bumubuga ng tubig at uminom na mismo doon ng napaka-bilis. Kanina pa kasi ako uhaw na uhaw.
"Acrasia!" Sigaw naman ng lalaki sa akin pagkatapos ay bigla nya akong hinila palayo sa fountain. "What the heck are you doing?! Did you lost your sane?" Hinarap nya ako sa kanya pagkatapos ay nakatinginan kami, parehas kaming gulat na gulat sa isa't isa hindi ko mawari kung bakit.
"W-what are you doing? I'm just drinking..." Medyo nanginginig ang boses ko nang sinagot ko sya.
"Drinking? In the fountain?! Are you crazy?!"
What's the big deal, I mean-Nagawa ko ngang kagatin yung lubid kanina kahit na marumi di ba?
"Renen, are you there?"
"Yes, Milord."
"Carry her and give her first aid first. Call all the priests and doctors in the city."
Binuhat ako ng isa pang lalaki, naka-piggy back ride ako sa kanya. Tahimik nalang ako, ipinatong ko yung ulo ko sa may balikat ng lalaki kasi sobrang sakit ng pakiramdam ko.
Hindi ko parin maalis sa mukha ko ang pagkamangha nang makapasok na kami sa loob, mala-kulay ginto ang mga gamit nila. Hindi lang yun, ang laki din ng chandellier nila.
Nakatingin ako sa may side nang bigla kaming mapadaan sa isang malaking salamin. "AHH!" Napasigaw ako ng hindi ko napapansin.
Huminto naman sa paglalakad ang bumubuhat sa akin, "Anong problema?" tanong nito.
"Sino yung babaeng nakita ko sa salamin?"
Napansin kong nagtinginan ang dalawa, sa tingin ko naguguluhan sila sa sinabi ko pero ako ang mas lalong naguguluhan dito ano!
Humakbang pabalik ang lalaking humahawak sa akin, to be specific. Dinala nya ako mismo sa may salamin.
Nagulat ako ng sobra, konti nalang lalabas na ang mga mata ko sa sobrang laki ng mga ito.
"S-sino 'yang babaeng yan?" At bakit sobrang ganda nya?
"Niloloko mo ba kami? Malamang ikaw." Sagot naman ng lalaki sa may gilid ko, naka-dull face sya sa akin nang tumingin. "Acrasia, wala ba silang pina-inom na droga sayo? Ang taas ng saltik mo sa utak alam mo ba?"
Hala? Kayo ang mataas ang saltik! "Hindi naman ganyan ang itsura ko kahapon bago ako mamatay ah-!"
"Mamatay?" Tanong naman ng isa, "May ipina-inom yata sa kanya. Bilisan mo Renen at tumawag ka na ng priests." Tapos ay inilayo na nila ako sa may salamin.
Dahan-dahan akong inilapag nung matangkad na lalaki sa may sofa, nakatingin naman halos sa akin ang mga katulong nila.
Napatingin naman ako sa kamay ko, napansin ko rin kung gaano kaliit ang kamay ko kumpara sa itsura ko dati, tapos kulay blonde yung buhok ko, hindi lang yun ang pinagkaiba-Yung mga mata ko kulay pula din. Kung ganon ako ang tinutukoy nung mga sindikato kanina?
"Acrasia, nakikinig ka ba?"
Muli ko napansin yung lalaki na may itim at mahabang buhok na nakikipag-usap sa akin.
"Malaking problema ito, mukhang wala sya sa kanyang sarili." Ani ng katabi nya.
Kanina ko pa gustong itanong kung sino sila kaya tumingin ako sa kanilang dalawa at inilabas ang natitirang katapangan sa akin.
"Sino kayo? Nasaan ako? Bakit kilala nyo ako?"