Cinderella and Mr. Rabbit's Invitation
Sa gabi-gabing pagtulog ni Acrasia Penthesllea lagi nitong napapaginipan ang isang misteryosong lalaki na walang mukha sa kanyang panaginip. Sa tuwing sinusubukan nyang tignan ang mukha ng lalaki, ay wala itong ibang makita kundi blanko at sa tuwing kakausapin naman sya nito, natanim na sa utak ng dalaga ang malalim at tila kalmado nitong boses.
Kinaumagahan, mag-aalas kwatro iyon nang magising sa tilaok ng manok galing sa bakuran si Acrasia. Para sa kanya, pinaka mahirap na kalaban ang pag bangon ng maaga dahil hindi pa talaga sya nakakapag-pahinga ng maayos pero kailangan na nyang tumayo upang pag silbihan ang kanyang tita at dalawa nitong pinsan na akala mo ay mga anak ng isang hari't reyna.
"Nakaka inis, bakit kailangan pa na magkaroon ng umaga!" Reklamo nito sa kanyang sarili habang naghahanda na ng mailuluto para sa almusal ng kanyang pinagsisilbihan. Animo'y sya ay si Cinderella sa datingan ng kanyang buhay.
Binuksan nya ang refrigerator upang tumingin ng kanyang maaring lutuin, nakakita ito ng Itlog at Bacon. Halos nakalagay sa loob ng refrigerator ay pitsel ng tubig, coke na may laman na tubig, at bote ng mineral water na may laman parin na tubig.
"Hm, ba't puro tubig ang nandito? Wala akong maalala na puro tubig pinaglalagay ko dito ah."
Habang nag-iisip ay kinuha nya nalang ang Itlog at Bacon upang maisalang na sa kawali, binuksan nya ang stove at ipinatong ang kawali kasabay nun ay ang pag lagay ng mantika. Nang medyo mainit-init na ang mantika, isinalang na nya ang itlog at bacon sa kawali. Habang nag luluto naman sya ng ulam ay isinabay nito ang pagsasaing, hindi lang iyon, nagwalis narin ito ay nag mop sa loob ng bahay. Pagkatapos nyang lahat gawin iyon ay inihapag naman nya ang mga iniluto nya sa mesa at naghanda ng mga plato at baso na may kasama narin kutsara at tinidor.
Uupo na sana sya upang mag pahinga man lang kahit sandali nang bigla namang lumabas ang kanyang pinsang lalaki na nag-ngangalang Miko; batugan at walang ibang alam gawin kundi ang humilata buong araw. Umupo ito sa harap ng hapag-kainan, pagkakita ng kanyang pinsan sa ulam ay kaagad itong nagreklamo.
"Ba't ito nanaman?"
Sa isip-isip ni Acrasia sa mga oras na 'to ay halos pagsusumba't sa reklamador nyang pinsan, "Hindi ka naman nagta-trabaho! Sa tutuusin nga wala kang karapatan para mag-reklamo!"
Tumingin si Miko ng pagkasama-sama na halos lunukin na nya ang kaawa-awang si Acrasia. Hindi nalang kumibo ang dalaga upang hindi na lumaki ang gulo sa pagita nila. Ilang sandali pa ang nakalilipas ay lumabas na rin ang kanyang Tita na si Victoria at ang pinsan nyang babae na ubod ng aroganteng na feeling mayaman na si Mikaela.
Kaagad umupo ang dalawa upang kumain samantalang si Acrasia naman ay nakatitig lang sa kanila at kalunos-lunos ang tingin sa mga kumakain.
"Sya nga pala. Hindi mo pa ba nakita ang bank book at ang titolo ng bahay ng mansyon ng iyong mga magulang?" Aroganteng wika ng tita nya sa kanya.
"Binuksan nanaman nya ang tungkol sa kayamanan na yan, e paano ko naman kaya mahahanap kung ayaw nyo akong palabasin dito! Ano ako? Magician?! Nagho-hocus focus, ganern?" Ito ang tumatakbo sa isip ni Acrasia, "Hindi pa po... Tita." Sagot nya na kalmado.
"Peste! Ito nanaman ang pagkain!?" Hinaing naman ni Mikaela dahil sa nakita nyang pagkain. Pero hindi pa sapat ang pagdaing at ibinato kay Acrasia ang plato na may mainit na kanin, tumama ito sa may sikmura ng dalaga pagkatapos ay nahulog ng tuluyan ang plato sa may sahig dahilan upang mabasag ito.
"Ha? Sorry ha, hindi ko napansin na gumalaw ang kamay ko." May pagka-arteng pagbigkas ng mga salita nya kay Acrasia. Halatado ni Acrasia ang pagsisinungaling ng kanyang pinsan ngunit wala syang magawa kundi ang manahimik nalang.
Kumuha ng dust pan sa labas ang kawawang Acrasia at pinulot ang basag na plato saka nilagay sa dust pan.
"Gusto ko nang umalis sa impyernong bahay na 'to! Nakakasawa na ang pagmamaltrato nila sa akin!" daing ni Acrasia sa kanyang sarili, sinasaloob nalang nya ang mga sama ng loob na kinikimkim nito sa mga walang kwenta nyang ka-dugo.
"Alam mo Acrasia, napaka-wala mo talagang kwenta! Bakit hindi mo hanapin ang mga kailangan mong hanapin kaysa nandito ka lang sa bahay?!" Galit na galit na wika ng kanyang tita Victoria.
"Ha? Pero hindi po ba sabi mo na hindi ako pwedeng lumabas ng bahay?" Pinupulot pa ni Acrasia ang nabasag na plato ngunit hindi nya inaasahang may lilipad naman sa kanya, sa pagkakataon namang ito ay lumipad ang plato sakto sa noo ng dalaga dahilan upang dumugo ang kalunos-lunos na si Acrasia.
Halos maiyak-iyak na si Acrasia sa kanyang sinasapit sa pamamahay ng kanyang tita.
"Sasagot ka pa ha!"
Pinagpupulot ni Acrasia ang mga basag na plato pagkatapos ay lumabas muna sya, at doon sa labas ay ibinuhos nya lahat ang kanyang paghihinakit sa mapagmalupit nyang kamag-anak. Kahit nasa labas sya ay dinig parin nya ang mga pinagsasabi ng kanyang mga kamag-anak sa kanya.
"Ma? Kailan mo ba paaalisin ang babaeng yan dito?"
"Sira ulo ka rin no, Mikaela. Kapag umalis yan dito sinong mag-aasikaso sa bahay? Ikaw?"
"Shh, manahimik nga kayong dalawa. Pag nahanap na ang bank book at titolo ng kapatid ko, papalayasin ko rin ang walang kwentang babaeng yan dito. Ang hirap kaya magkupkop ng isang palamunin."
Napakagat ni Acrasia ang kanyang labi, galit at lungkot ang sabay na nararamdaman nito sa pagkakataong ito habang nakatingin ito sa gate palabas ng bahay nila. Umiyak si Acrasia habang isinandal nya ang kanyang ulo sa kanyang tuhod, "I just want to die."
---
Sa buong maghapon, walang ginawa si Acrasia kundi ang mag-banat ng buto. Wala syang pagkakataon magpahinga. Kuskos, walis, luto, at pagdadamo sa hardin. Samantalang ang mga pinsan nya ay nanonood ng telebisyon, napabuntong hininga nalang ang dalaga.
"Ugh! Ang sarap nilang kutusan!" Nang-gigigil na sabi ni Acrasia sabay angat nya sa hawak nitong watering can na konti nalang ay itatapon na sa loob.
"Tao po."
Bigla naman may dumating sa harap ng kanilang bahay. Nagsitahulan ang mga alagang aso, "hoy, Akasya! May tao yata, tignan mo!"
Pagkadinig ni Acrasia sa itinawag ng kanyang pinsan, medyo nagalit ito. "Acrasia pangalan ko. Hindi Akasya, Milo everyday." Bulong ng dalaga sa kanyang sarili.
Pinuntahan naman ni Acrasia ang nasabing tao, ngunit naguluhan sya dahil yung taong yun ay naka-suot ng bunny hoodie. Sakto upang takpan halos ang mukha nito. Lumapit si Acrasia sa lalaki at nagtanong.
"Ano pong maitutulong ko?" Magalang na tanong ni Acrasia sa tao.
Ngunit hindi nagsalita ang lalaki sa halip ay ngumiti ito at may inilabas na sobre ng sulat mula sa kanyang bulsa saka pilit na inaabot sa dalaga.
"Hindi ako ang nangangailangan ng tulong, I believe that you're the one who seek for help."
Mas lalo pang naguluhan si Acrasia sa mga winika ng misteryosong lalaki sa kanya.
"Huh?"
"Kunin mo ito, imbitasyon ko yan para sayo."
"Pero, hindi po ako pwedeng lumabas ng bahay. Pasensya na po, hindi ko po matatanggap ang imbistasyon na yan."
"Akasya! Nasan na ang miryenda namin?! Nasaan ka na!"
At muling humirit ang pinsan nyang si Mikaela.
"Pasensya na po talaga, kailangan ko nang puntahan iyon baka ano nanaman ang gawin sa akin."
Iniwan ng dalaga ang misteryosong lalaki sa labas ng gate upang puntahan ang mga pinsan nito.
"Ang lakas ng loob nila upang pahirapan ka...I'll make them regret this." Wika ng lalaki sa kanyang sarili at bigla nalang itong nawala sa harap ng gate na parang bula.
Kinagabihan, nasa hapag-kainan nanaman sila. Dumating narin ang kanyang Tita. Masayang kumakain ang tatlo habang pinapanood lang sila ni Acrasia na naka ngiti nalang.
"Aalis kami bukas. Siguraduhin mong malinis ang bahay pag-dating namin dito."
"Masusunod po, Tita."
Pagkatapos nilang kumain, sumunod na kumain mag-isa si Acrasia. Sa gabi ding iyon ay pinatawag ni Miko sa kwarto nya si Acrasia. Naka-pajama lang ang dalaga nang ito'y pumasok doon.
Ini-lock naman ni Miko ang pinto at doon sa harap nya mismo ay nakatayo si Acrasia.
"Alam mo sana ang araw ngayon. Handa ka na ba?" Maririnig sa lalaki ang pagkasabik nito sa kanyang boses. Tinakpan ni Acrasia ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay at sapilitang tumango.
Kumuha naman ng pamalo ang lalaki galing sa kabinet nya.
"Tandaan mo, ayokong may maririnig akong ingay galing sayo kundi mas lalakasan ko pa ang palo." Tumango nalang ang mangiyak-ngiyak na si Acrasia, sa pagkakataong ito; Alam ni Acrasia ang mangyayari sa kanya pero kailangan nyang sundin ang mga pinag-uutos sa kanya.
"Papalo na ako ha!" At nagbigay ng senyales ang kanyang pinsan na si Miko. Pagkatapos ay inumpisahan na nito ang pag-torture nya sa dalaga.
"Ugh--" Pilit na pinipigilan ni Acrasia ang pag-gawa ng anumang ingay pero sobrang sakit ng ginagawa sa kanya ng kanyang pinsan.
"Alam mo ba kung gaano ako na-stress ngayong araw na 'to dahil sa'yo? Isipin mo nalang na inilalabas ko ang stress para bukas ay maayos ang gising ko." Patuloy parin ang pagpalo at may kasama naring pananakit ang ginagawa ng kanyang pinsan.
Umiiyak nalang si Acrasia hanggang sa matapos ang gabing 'yon na puno ng sakit.
---
Kinaumagahan ng bagong araw, halos hindi makabangon si Acrasia dahil sa mga pasa na natamo nya kagabi. Tahimik ang buong bahay dahil wala ang mga kamag-anak nito.
Lumabas sya upang kumuha ng makakain, kahit paika-ika pa ito. Ngunit pag-bukas nya ng refrigerator, puro tubig parin ang makikita. Wala ring makikitang Itlog na laging meron sa refrigerator, tumingin naman ito sa lagayan ng bigas at mukhang wala rin itong laman.
"Teka, kahapon lang puno ang lagayan na 'to ah? Saan na napunta lahat ng bigas?"
Nag-tataka si Acrasia pero sya lang mag isa doon kaya walang makakasagot ng kanyang tanong.
"Mag-walis na nga muna ako sa bakuran. Tapos bibili ako ng makakain tutal may naitabi naman akong pera kahit papano."
Paglabas nya ng bahay kaagad nyang nakita ang mga kamag-anak nya na may dala-dalang mga gamit at maleta.
"Teka, anong ginagawa nila?"
Lumapit si Acrasia sa may gate at nakita nya na tila nag-aabang ang tatlo ng taxi. Napansin nya kung gaano karami ang dala ng tatlo kumpara sa mga aalis lang talaga, para sa kanya na parang lalayasan na sya ng magagaling nyang kamag-anak.
Nag-desisyon ang dalaga na lapitan sila at tinawag nya sa pangalan ng kanyang Tita, "Tita Victoria?"
Humarap naman ang tatlo sa dalaga.
"Ba't ka nandito? Bumalik ka na sa bahay na yon!"
"Sandali lang, iiwan nyo ako dito? San po kayo pupunta? Ba't sobrang dami ng dala nyong gamit?!"
"Pupunta na kami sa mansyon namin! Dyan ka, mabulok ka dyan." Nagulat ang lahat ng sabihin yon ni Mikaela, "Shh-" Bawal naman ni Victoria sa madaldal nyang anak.
"Mansyon? Nahanap nyo po ang titolo ng bahay at ang bank book ni Mama? tita, tita-Alam mo pong wala akong pera na pambayad sa upahan di ba? Please Tita wag nyo pong iwan sa akin lahat ng responsibilidad. Wala po akong pera!" Hinawakan ni Acrasia ang kamay ng Tita nya ngunit tinapik ito ni Victoria.
"Anong pake namin?"
Palagitna naman ni Miko, tumingin naman ng masama si Acrasia sa tarantado nyang pinsan.
"Anong pake mo? Eh, kung sabihin ko sa kanila ang pagto-torture mo sa akin!?"
"Huh?"
Ang lahat naman ay napatingin kay Miko, "Hindi totoo yun, Ma! N-nagsisinungaling lang sya!"
"Nagsisinungaling?! Kaya pala ang dami kong pasa galing sayong Psychotic ka! Baliw!"
Sobra-sobrang galit ang nararamdaman ni Acrasia at hindi nya na napigilan ang magsalita ng masama sa kanyang pinsan subalit sinampal lang sya ni Victoria.
"Shut up! Sa tingin mo ba pag-sinabi mo yan ay kakampihan kita?"
Nanlaki ang mga mata ni Acrasia sa gulat at dahang-dahan tumingin sa kanyang mapagmalupit na Tita.
"Ma, ayan na ang taxi."
Paghinto ng taxi sa tapat nila, nag-panic ang dalaga.
"Tita! TITA! Wag nyo po akong iwan!"
Pilit na hinihila ni Acrasia ang bagahe ni Victoria upang pigalan sila pero hindi nya ito mapigilan. Nang-mailagay na lahat ng bagahe sa likuran ng taxi, ang tanging nagawa nalang ni Acrasia ay magma-kaawa sa pamamagitan ng pagyakap sa kamay ng kanyang tita ng mahigpit na mahigpit.
"Tita, maawa po kayo sa akin!"
Nasa tapat ng daanan si Acrasia ng tulak sya ng kanyang Tita.
"Beep beep beep "
Sakto naman na may rumaragasang truck ang parating, nanlaki ang mata ng lahat nang hindi nila inaasahang masasagasahan ang kaawa-awang si Acrasia.
"Ahhhh!"
Sigawan ng lahat sa kanilang natunghayan.