KASALUKUYANG inaayos ni Archie ang pagkakasabit sa pader ng kaniyang art studio ang canvas kung saan naroon ang portrait ni Damian. Ito na lang ang nag-iisang ala-ala nila sa lalaki. Malungkot siyang napangiti habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng kaibigang hindi na nila masisilayan pa. Ramdam na ramdam niya ang panghihinayang na hindi man lang nakita ng lalaki ang pinagawa nito sa kaniya. Abala siya sa pag-aayos ng kaniyang art studio dahil ang araw na iyon ang nagiging opening nito. Halos mag-iisang buwan na mula nung nangyari ang trahedya sa buhay nila na nagawa na rin nilang tanggapin ng paunti-unti sa tulong na rin ng mga nakapaligid sa kanila. Hindi na mababawi ang mga nawala kaya ang dapat na lang nilang gawin ay tanggapin iyon at mamuhay sa kasalukuyan dahil gaya ng sinabi sa k

