Chapter Five

4225 Words
"HA! Ikaw si I see?"   Napahilot si Archie sa kaniyang sintido dahil sa naging reaksyon ng kaniyang bagong kaibigan nang malaman nito ang kaniyang itinatagong sikreto. Napahawak naman ang kaibigang si Elle na mukhang sa mga oras lang na 'yon na-realize ang ginawang pagbunyag sa kaniyang lihim.   "Hindi mo alam? 'I see' from A.C. which is the initials of her name. Siya ang kilalang 'di kilala na pintor ng gallery ko. Ewan ko ba kasi dito kay Archella ang tagal na niyang nagpipinta, ayaw pa rin magpakilala sa publiko pero okay lang dagdag na rin ‘yon sa mysterious effect ng kaniyang identity. Alam mo ba na sa t’wing nagbibigay ng piece kakakabit ko pa lang eh may bumibili na agad," kuwento nito kay Muriel. Napa-face palm na lang siya ng mahimigan ang pagiging 'proud' sa boses nito. Hindi naman sa ayaw niya pero ano pang silbi ng pagtatago niya sa isang pekeng pangalan kung ibubuking naman pala nito. Higit kanino man alam nito ang dahilan niya kung bakit hindi siya puwedeng magpakilala sa ibang tao bilang anino ni I see. Ibinigay niya ang dala niyang canvas sa kaibigan kapagkuwan hinila palabas si Muriel.   "Sige Elle, mauna na kami. May gagawin pa kasi ako. Ikaw na bahala diyan ah." Sumenyas naman ito ng okay sign sa kaniya at saka ngiting while waving her good bye sa kanila ni Muriel. Nagsisisi tuloy ako kung bakit isinama ko pa si Muriel sa art galery. Lihim siyang napasimangot. Nalaman pa tuloy nito, hayst!   Tinapunan ng tingin ni Archie si Muriel na nasa kaniyang likuran. Sabay silang dalawa na naglalakad patungo sa parking lot sa ibabang floor dahil naka-receive na siya ng text mula sa personal na driver ng asawa at naroon na ito ngayon. "Bakit ganiyan makatingin sa akin?" salubong na kilay na tanong niya sa babae. Mataman lang kasi itong nakamasid sa kaniya at nagbibigay 'yon ng awkward feeling sa parte niya. "Wala naman. Naisip ko lang na napaka-swerte talaga sayo ni Ser. Kita mo 'yun may hidden talent ka tapos ang galing galing mo pa do’n. Sayang nga lang kasi hindi ka nakikilala ng ibang tao sa galing mo," may kalungkutan saad nito kaya napatigil siya sa paglalakad at ganoon din ito. "Hindi naman ako nagpipinta para lang makilala. Outlet ko lang iyon ng mga nararamdaman ko," iwas na sagot niya. "Pero bakit di mo i-consider yung alok ng may-ari nung gallery? Sabi nung gwapo kanina may skills ka kaya dapat lang na maging proud ka. Binigay sayo 'yang talent kaya dapat mong ipagmalaki. Hmm... hindi sa nangingialam ko. Sinasabi ko lang ang opinyon ko," pangangatwiran nito na siyang nakapagpangiti kay Archie.   I really like her frankness pero kung sana gano’n lang kadali ang sinasabi nito. Nais niyang sabihin ngunit iba ang lumabas sa kaniyang mga labi. "Alam mo ba ang kuwento sa likod ng painting na 'The lost neverland'?" saad niya hindi na niya hinintay ang response nito at nagpatuloy na lang sa pagsasalita. "Tungkol 'yon sa nawala kong pangarap. Iyon ang ipinapahiwatig ng art piece na 'yon. The ship symbolizes me; the flying boy symbolizes my dream to become a painter while the dark background without stars tells how dark I felt that time. Iyong pakiramdam na idikta sayo ang buhay mo." Parang isang tuksong bumalik sa alaala ni Archie ang nangyari sa kahapon.   "Dad, nakapasa po ako sa art course sa Saavedra Art College," paalam niya sa ama niya na kasalukuyang may binabasa na mga papel marahil ay mga papel patungkol sa kumpaniya nito. "Ano'ng art course!" sigaw ng galit na ama nito. Nakatingin na ito sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata sa galit.   "Hindi mag-eenroll sa lintek na kursong iyon. Ano na lang ang magiging buhay mo diyan?"   "Pero pa! Ito ang gusto ko. Dito ako masaya.”    "At ano? Paano ang kumpaniya natin?"   "Nariyan naman po si ate—"    "Diyan! Diyan ka magaling! Ang magpasa ng responsibilidad... Sana hindi ka na lang namin inalagaan wala ka namang palang magiging silbi sa amin."    Napabuntong hininga na lang si Archie saka tumingin kay Muriel. Masakit sa damdamin ni Archie na masabihan ng gano’n ng sariling magulang kung kaya mas pinili na lang nito ang gusto ng ama na kunin niya. Ginamit na lang nito ang impluwensiya para makapasok siya dahil hindi naman siya nakapag-take ng entrance examination. Pasalamat na lang siya at nakilala niya si Elle na isang art student.   Minsan kapag wala siyang klase ay nakiki-seat in siya sa klase nito. Kaya kahit papaano ay may alam siya sa hilig. "Halika na! Alis na tayo," yaya ni Archie dito. Hindi na nagsalita si Muriel at parehas na lang na naglakad pababa. Ramdam na ramdam ni Archie ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa kahit na hindi na niya dagdagan ang sinabi kanina alam niyang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin. "Ah eh Archie," tawag sa kaniya ni Muriel kaya tumingin siya rito. Namumula ang mukha nito na para bang nahihiya. Hmm... bakit kaya?    "P-puwede mo ba akong ipinta?" mahinang usal nito na nakapagpangiti sa kaniya though she admits she's a little bit surprised sa sinabi nito sa kaniya. Gan'on pa man ay nakaramdam siya ng galak sa kaniyang puso. "O sige ba basta secret lang natin 'to."   "Madame!" tawag sa kaniya na papalapit na bulto ni Jude Mukhang nainip na ito sa kakahintay sa kanilang dalawa ni Muriel. "Ohlala ang isa pang gwapo." Maang siyang napatingin sa katabi na siyang nagsalita habang nakatitig sa papalapit ng lalaki kapagkuwan ay bumaling ang tingin nito sa kaniya. Hindi ata nito sinasadya na maisatinig ang nasa isip dahil nang mapansin nitong nakatingin siya rito ay agad itong iniwas ang mga mata. Napailing siya. Sabagay wala namang masama sa pag-appreciate ng mga guwapo lalo na yung umaapaw ang s*x appeal na katulad ng lalaking nasa harapan namin ngayon.   "Naghihintay na po si Sir Chase sa kotse." Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa tinuran ng lalaki na nakapagpalaki ng kaniyang mga mata. “Si Chase nandito? Pero hindi pa tapos ang working hours’ ah?” tanong ni Archie sa isip. Napaka-unusual kasi sa asawa na umuwi ng hindi pa tapod ang working hours. Gano’n ata kapag super workaholic.   "Why you all took so long." Automatikong napalingon si Archie sa pamilyar na boses kasabay ang paglakas ng pintig ng kaniyang puso ng makita ang naka-business attire na si Chase. Nakatayo lang ito ilang dipa ang layo sa kanila habang ang nakapamulsa. Ang seryosong mukha nito ang nakapagdagdag sa hotness nito ngayon. Mabuti na lang at walang masyadong babae sa paligid dahil paniguradong dudumugin ito sa itsura nuto ngayon. Pakiramdam ni Archie ay mahuhulog ang kaniyang puso sa uri ng pagkakatitig nito sa kaniya. "Come on. Let’s get out of here."   "WE will be having our dinner in my parents’ house tonight," may pinalidad na saad ni Chase ng simulan na nitong tahakin ang daan pauwi. Nakaupo siya sa passenger seat samantalang sila Muriel at Jude naman ay binigyan na lang ni Chase ng pamasahe pauwi ng mansiyon. Ayon dito papunta silang dalawa sa hacienda nito sa Sta. Maria Laguna. "Sa inyo t-tayo magdi-dinner p-pero bakit?" she gulped. Bigla tuloy nakaramdam siya ng kaba. "Yes, gusto ni mom na makasama tayo." Napahawak siya sa kaniyang dibdib at pinakiramdaman ang pagdagungdong ng kaniyang puso. Kung doon sila kakain kasama ang mga magulang nito. Ito ang pangalawang pagkakataon na makakaharap niya ang mga ito. Ang una kasi ay doon sa kasal nilang dalawa ni Chase though mukhang mababait naman ang mga ito ay kinakabahan pa rin siya. Paano kung sa una lang pala ito mabait pero katulad pala sa mga napapanood ko sa drama ang mama ni Chase? Hindi ba ang biyanang babae ang palaging kontrabida sa buhay ng mag-asawa? Marahas na napailing si Archie. Nagiging judgemental ka na Archie. Kahit na gano’n ang mga napapanood mo huwag mo pa ring i-generalize dahil magiging unfair ka sa mama ng asawa mo.   "Nervous?" Tiningnan niya ang lalaki. Hindi ito nakatingin sa kaniya dahil nakatutok lang ito sa pagmamaneho pero halata ang smirk sa mga labi nito na tila ba nasisiyahan. "Hmm... you should be. My mom hated liars. She can smell one. She can turn into dragon anytime. While my father? Well… he is strict old man."   Napalunok naman si Archie sa sinabi ng lalaki. She can handle his father since parang parehas lang naman sila ng tatay ng lalaki but the mom? Dra-dragon? It was a figure of speech right? Pero kahit na ata figure of speech iyon hindi ko pa rin gustong maging dragon ang mama ni Chase sa akin... and she can smell lies... paano kung mabuko sila? Paano na ang pamilya niya? Paano na 'to?   Buong byahe nila papunta ng Laguna ay pinagpapawisan siya ng malamig kahit full aircon ang sasakyan ni Chase ay hindi nito na-itago ang bumubutil na pawis sa noo ni Archie. Halos mabingi na rin siya sa lakas ng tunog ng dibdib niya na kanina pa tinatambol. Hanggang sa makababa siya ng kotse ay ganoon pa rin. Pasalamat na lang siya dahil buhay pa siyang nakarating kanina kasi ay para na siyang aatakihin lalo na ng sabihin ng lalaki na malapit na sila. Samantalang ang lalaki ay wala man lang pakialam kung nagha-hyperventilate na siya. Napanganga na lang si Archie sa lawak ng lupain na pagmamay-ari ng pamilya ni Chase. Malawak ang taniman at may rancho pa ng mga kabayo at ang bahay? Napakalaki. Kung susumahin ay nasa 1/4 ito ng laki ng Malacañang, maihahalintulad na nga ito sa mini palace. May dalawang palapag ito at may dalawang veranda tapos ay nasa mataas pang lugar ang lokasyon nito. Probinsyang probinsya ang pakiramdam niya. Ngayon niya lang napagtanto ang yaman ng mga Yu. Sinalubong sila ng maraming mga katulong, lahat ng ito nakayuko na para bang ganoon ang pagbati doon. Sa dulo naman ng hallway ay nakatayo ang dalawang taong magkayakap sa isa't isa. Kapwa ito nakasuot ng mga simpleng damit. Ang saglit na kaba na nakalimutan niya dahil sa ganda ng lugar ay bigla na lang bumalik.   "Welcome home, hijo!" masayang bati sa kanila ng ginang. Nasa mid-40 na ito ngunit makikitaan pa rin pagka-sophistikada. Naalala niya na hinangaan niya ang ganda nito nung kasal nilang dalawa ng anak nito pero hindi niya akalain na mas maganda ito kapag walang make up, ito ang masasabi na may natural na ganda regardless sa edad nito. Samantalang ang nasa tabi nito ay isang nasa mid-50 pero well-built man pa rin na sumisigaw ang pagka-awtoridad sa tindig nito para itong matured version 2.0 ng asawa niya. Sinalubong ng ginang ang anak ng isang mahigpit na yakap. Gano’n din ang ginawa ng ama nito. Taliwas sa sinabi ng lalaki na magiging reaksyon ng magulang nito ay isang ngiti lang ang ipinataw nito sa kaniya. "Hello hija... how are you feeling?" bati ng ina nito sa kaniya.   Na-shock siya dahil sa concern na ipinapakita nito. Wala ang inaasahan niyang dragon-like na biyenan. Binalingan niya ang asawa na ngayon ay busy na sa pakikipag-usap sa ama. "Don't you worry about your husband, hija. Paniguradong work related na naman ang pinag-uusapan ng dalawang 'yan. Tama nga ang kasabihan nila. Like father like son. Parehas workaholic. Halika at samahan mo ako sa kusina, kumain na ba kayong dalawa? Kung hindi ay ipaghahanda ko kayo," saad nito nang marinig ang salitang pagkain ay awtomatikong tumunog ang kaniyang tiyan. Natigilan ang ginang saka tumingin sa kaniya. Nais naman ni Archie na lamunin na ng lupa sa oras na 'yun. You really pick the right timing, huh? pag-usap niya sa kaniyang kumukulong tiyan.   Alas-12 na kasi ng makarating sila sa sa hacienda and she completely forgot her tummy dahil mas nagingibabaw ang nerbyos niya papunta sa lugar. "I guess that's your answer." Bumaling ang ginang sa pwesto ng anak at asawa nito. "Phillip, mamaya na ang usapan niyong dalawa ni Chase pakainin mo muna ang anak mo. Chase follow us in the kitchen."   "Hayaan mo muna kami ng anak mo,” saad ng matandang Yu pagkatapos ay nakangiting humarap sa kaniya. “Hija, puwede ko bang mahiram itong asawa mo? Eh hinahamon akong makipagkarera gamit ang kabayo. Aba! Nakalimutan na ata ng paslit na ito na magaling akong mangabayo. Hindi ko naman mapapayagan na sinasabihan lang ako ng anak ko na tumatanda na dahil kalabaw lang ang tumatanda.”   "That's a fact dad," pagsabat naman ni Chase sa ama. Hindi naman mukhang na-offend ang matandang lalaki para banag sanay na silang mag-alaskahan. Tumatawang inakbayan lang nito si Chase palabas ng bahay. Napaisip tuloy si Archie sa mga sinabi ng lalaki tungkol sa mga magulang nito na kabaligtaran naman pala. Mabait naman pala ang mommy nito saka ang daddy nito mukhang easy go lucky at hindi strikto, sa katunayan ay mukhang super close siya sa ama niya. Sa isang iglap ay tila nawala ang pagkaseryoso nito sa buhay, sa isang iglap ay para itong naging isang cute na teenager. But his cuteness won't change the fact that he lied to me. Napasimangot siya sa isiping nagsinungaling ito sa kaniya. Ibig sabihin ay kinabahan siya ng wala namang dahilan.   "Horseback riding na talaga ang bonding ng mag-ama.” Napatingin si Archie sa ina ng kaniyang asawa. Nakangiti ito habang napapailing. “Mula nung natuto si Chase na sumakay sa kabayo ito na ang kinahiligan nilang dalawa at ‘di lang 'yon kung ano-ano pa ang ginagawa nila sa t’wing bored sila. Minana niya sa ama ang pagiging adventorous at ang pagiging dare devil. Madalas sumakit ang ulo ko sa t'wing umuuwi siya na may pasa o sugat sa katawan. Minsan pa nga ay umuwi ang mag-ama na puno ng putik sa katawan, akalain mo iyon naisipang mag-wrestling sa putik?"   Nabigla siya nang bigla nitong hinila ang kaniyang kamay at mahigpit itong hinawakan. "Alam kong magiging sakit sa ulo ng anak ko dahil gan'on din ang naranasan ko kay Phillip nung bago pa lang kaming mag-asawa at sa karanasan ko mula ng ipinanganak si Chase ay may posibilidad na maging part 2 siya ng ama niya. Kaya ang tanging hiling ko lang sa'yo. Alagaan mong mabuti ang anak ko. Huwag mo siyang iiwan dahil sa ugali niya," saad ng ginang. May bahid ng pag-aalala sa mga mata nito ngayon. "Huwag po kayong mag-alala, Mrs—" naudlot na sabi ni Archie dahil bigla na lang sumigaw ang ginang na ikinabigla niya.   "Mama! Mama ang itawag mo sa akin," pagtatama nito sa kaniya. Sa isang iglap lang ay naging seryoso ang maamo nitong mukha. Napalunok si Archie dahil bigla na naman siyang kinabahan. Ito na ba? Magiging dragon na ba ang mama ni Chase? Iwinaksi niya ang nasa isip kasama ang kabang nararamdaman niya saka kinalma ang sarili. Mas magiging worst ang sitwasyon kung sasabayan niya ng pagpapanic. "Ah eh... mama pangako po aalagaan ko po si Chase ng buong puso ko," aniya at parang isang magic naging maaliwalas na muli ang mukha ng ginang ng masabi niya ang salitang iyon. Weird... ang bilis naman magpalit ng emosyon ng mama ni Chase.   "That's sounds better." Ngayon naman ay nakangiti na ito sa kaniya. Iniwan siya nito sa mesa saka ipinaghanda siya ng makakain. Bagamat naiilang pa siya na tawagin itong 'mama' gaya ng nais nito ay di maiwasan ni Archie na makaramdam ng saya lalo na't nararamdaman niya sa ginang ang pag-aarugang hinahanap hanap niya sa isang ina. Ganito pala ang pakiramdam. Ang saya saka parang hinahaplos ang aking dibdib. Inalok niya ang ginang na samahan siya sa pagkain ngunit tumanggi ito dahil kakatapos lang nitong kumain kasabay ang asawa bago pa man sila dumating. Hinayaan lang siya nitong kumain habang pinapanood siya nito na may ngiti sa mga labi, pinagsalin pa siya nito ng tubig at inalok muli ng kanin ng malapit na niyang maubos ang kinakain. Talagang pinagsisilbihan siya nito. Nang matapos siya sa pagkain ay niyaya naman siya nito na magtungo sa rancho kung nasaan ang mag-ama nito. Papanoorin nila na mangabayo ang dalawa.   Nakadama naman ng excitement si Archie na makita si Chase sakay ng kabayo nito. "Hijo anak!" kumakaway na sigaw ng ina ni Chase nang makarating silang dalawa sa rancho. Malapit lang naman ito sa bahay kung kaya nilakad na lang nila ang pagpunta dito. Dumako ang tingin ni Archie sa lalaking nakasuot ng uniporme. Parehas sila ng ama na nagkakarera patungo sa lugar nila. Bahagyang nakaangat ang pang-upo nito sa kabayo na para bang isang professional na equestrian samantalang ang buhok naman nito ay suwabeng tinatangay lang ng hangin kahit na nakasuot ito ng helmet para itong isang prinsipe na nakasakay sa kabayo. (a/n: equestrian -a rider or performer on horseback.)   Humanga si Archie sa napaka-graceful ng bawat galaw ni Chase at habang lalo niya itong nakakasama at nakikilala ay lalo itong nagiging guwapo sa paningin niya, she wonders. Wala bang pangit dito? “Meron 'yung ugali niya baka nakakalimutan mo?” sabat ng kontrabida niya utak. Napasimangot siya at kakastiguhin na sana niya ito kung hindi pa niya napansin na nasa harapan na pala nila ang mag-ama.   "See dad? I've won... for the fifth time!" mababakas sa boses ng lalaki ang sarcasm. "Siguro naman ay wala ng duda 'yan?" dagdag na pagmamayabang na ani ni Chase sa tatay nito habang pinapakalma ang hingal na hingal na kabayo. Maaawa na sana si Archie sa kabayo dahil mukhang exhausted na exhausted ito pero nawal bigla iyon ng makita ang malawak na ngiti ni Chase na tila ba tinutukso pa ang ama. Star struck 'yan ang na-feel ni Archie habang nakatitig pa rin sa mga ngiti ng lalaki. Ngayon niya lang kasi ito nakitang ngumiti ng gano’n. Mula kasi ng magsama sila ay hindi na niya ito nakitang ngumiti pa kaya gulat na gulat talaga siya ngayon. "Ikaw talaga Phillip. Matanda ka na pero hilig mo pa rin makipag-kumpetensiya sa anak mo. Bumaba ka na riyan at para makapagpalit ng damit mamaya ay atakihin ka na naman ng asthma mo," pagsesermon naman ng ginang sa asawa. Nabigla si Archie sa naging response ng papa ni Chase dito. Lumabi lang kasi ito na para bang inaapi bago ito bumaba ng kabayo saka lumapit sa asawa upang yakapin ito mula sa likuran. "Honey naman di pa nga kasi ako matanda. Malakas pa ako sa bisiro," nakalabi pa rin nitong angal ngunit hindi na ito pinansin pa ng ginang na at sila na lang ang kinausap.   "Hijo, bakit hindi mo muna ipasyal si Archella dito sa lugar na 'tin?"   "Oo nga naman," pagsang-ayon naman ng tatay ni Chase pagkatapos ay isiniksik nito ang mukha sa leeg ng ginang.   "Samantalang pinapatunayan ko sa mama mo na kalabaw lang ang tumatanda," dagdag nito sabay dampi ng halik sa leeg ng asawa. Pinamulahan ng mukha si Archie sa nasaksihang ka-sweetan ng mag-asawa. Natatawang tinampal ng ginang ang braso ng asawa. "Ano ka ba Phillip tumigil ka nga baka isipin ng mga bata na nagfe-feeling teenager pa tayo," natatawang ani ng ginang pero katulad ng ginawa nito kanina sa kaniya ay hindi niya ito pinansin bagkus ay tumingin sa kanila. "See ya later kids... tagalan niyo ang pagpasyal ah," saad ng ama ng asawa kapagkuwan ay kinindatan silang dalawa sabay tulak sa asawa pabalik ng bahay nila. Nangingiti na lang si Archie habang pinagmamasdan ang papalayong mag-asawa. Nakakakilig ang samahan ng dalawa... ni hindi nag-fade sa tagal ng panahon ang pagmamahalan ng mga ito dahil until now ay super sweet pa rin nila sa isa't isa.   "Come on." Napaigtad si Archie ng may daloy ng kuryente ang nararamdam niya mula sa kaniyang balikat. Tiningnan niya ang kamay ni Chase na nakapatong doon. Kanina pa pala sa kaniya nakatungo sa kaniya ang lalaking dahilan upang magwala ang kaniyang puso. Bumaba ito mula sa kabayo. Napasinghap na lang siya ng walang imik na binuhat siya para pasakayin dito 'tsaka ito muling sumakay ulit. "Kumapit kang maigi baka ka mahulog," bulong ng lalaki sa kaniyang kaliwang tenga na nakapagpatuliro sa kaniyang puso kasabay ng pag-init ng kaniyang pakiramdam. Ngayon na nasa likuran niya ang lalaki ay ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng init ng katawan nito sa kaniya para tuloy siyang sinisilaban. Ano bang nangyayari sa akin?   "Are you alright? Bakit bigla kang piangpawisan?" seryosong tanong nito sa kaniya. "Huwag kang masyadong tense nararamdam 'yon ng kabayo," dagdag pa nito pagkaraan hindi siya sumagot. Pakiramdam ni Archie ay may dumaloy sa kaniyang spine mula sa tengang binulungan ng lalaki.   "H-hindi naman ako tense eh," pagtatangol niya sa sarili. Ayaw niyang malaman nito ang nararamdaman ngayon dahil paniguradong pagtatawanan lang siya nito. "Eh bakit ka nag-stammer?" muling bulong nito sa kaniya. "H-huwag ka nga bulong ng bulong!" Sa wakas ay nasinghalan niya na rin ito. Sobra na kasi ang lalaki... parang nananadya lang. 'Huh?! Akala mo tatahi-tahimik lang ako, buti nga sayo!' proud na usal niya sa sarili ngunit ang pakiramdam na 'yun ay muling natunaw ng marinig niya ang munting tawa nito.   Nanlaki ang kaniyang mga mata. Teka... totoo ba ang lahat ng ito o nananaginip lang ako? Bakit parang iba ngayon si Chase sa usual nitong mood? parang bumalik na ang dating Chase at naglaho na ang kinatatakutan kong lalaki… 'yung Chase na pinakasalan ko. "I can feel that you are turn on by my whispering well I can handle that when we reach our bed. I'll make sure you will scream with pleasure," he once again whispered to her ear.   Archie's face turned red because of his bluntness. "Jusko! Bakit po ganito si Chase ngayon huhu... bakit po ang landi landi niya!" Archie scream behind her head. Tumikhim muna siya upang pakalmahin ang sarili.   "Hindi ako natuturn on. Naaasiwa ako sa ginagawa mo, Chase. Nandidiri ako," mahinahon na saad niya. Lie. Laking pasalamat na lang niya at hindi siya nautal. Ang akala niya ay mang-aasar pa si Chase matapos niyang sabihin iyon pero tumahimik lang ito. Lumipas ang mahabang minuto na wala pa rin nagsasalita sa dalawa na tila ba bigla na lang naging awkward ang atmosphere nila na kanina lang ay nagaalaskahan sila, kung ganun nga ang tawag do’n. Tahimik lang na iginigiya ni Chase ang kabayo palibot sa lupain nila. Gusto mang ma-appreciate ni Archie ang ganda pero mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa lalaki. May nasabi ba akong mali?   "Ang sweet ng parents mo noh kahit na may edad na gano’n pa rin ang love nila parang nakakainggit tuloy. Gusto ko rin na maranasan ang gan'on." Pagbasag niya sa katahimikan pero wala pa rin siyang nakuhang response mula dito. Naisip niya na hindi na talaga ito sasagot. Nalungkot naman siya dahil akala niya ay ito na ang magiging simula nila. Hindi man bilang mag-asawa dahil alam niyang imposible iyon pero bilang isang magkaibigan. Napagdesisyunan niya na tumahimik na lang at ituon na lang sa magandang paligid ang atensyon niya. Naalala niya ang isang pocket book nabasa niya noon. May scenario din na ganito sa romance novel na iyon.   Wala sa sariling napangiti siya. "Why are you smiling?" She was taken aback to reality by Chase sudden question. She looked at him and she saw how he seriously look at her. "Ah, may naalala lang akong nabasa kong libro dati," paliwanag niya. Kumunot naman ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. "Ano naman ‘yon?”   "’Yung heroine kasi isinakay din ng kaniyang leading man sa kabayo. Doon nagsimula ang love story nilang dalawa," saad niya. Muli siyang napangiti dahil naalala niya ang kilig sa parteng iyon ng storya bukod pa sa iyon ang paborito niyang parte. "It was the romantic part of the story dahil doon nagpahayag ng kaniyang damdamin ‘yung lalaki. Simula no’n… iyon na ang naging tradisyon para mag-confess ang isang lalaki at babae. Kung baga it became a symbol of love.”   "And how could riding a horse be a symbol of love? That's crazy," komento ng lalaki. Nilingon niya ang mukha ng lalaki. Kitang kita ang pagdisgusto sa mukha nito. And somehow I wish to exprerience it too... Like what I am experiencing now with you, Chase.    "You are aware that its just a story, right? It is just a work of mind right? Sa totoong buhay hindi ‘yon nangyayari," kontra ng lalaki sa day dream niya. Nawala tuloy siya sa mood. "Alam ko naman 'yon at alam ko na ang lalaking magugustuhan ko ay hanggang libro na lang. Mananatili na lang na ideal kumbaga," nakasimangot na aniya. Ano? Masaya ka na sa pagsira ng pangarap ko? Panira ka talaga. Hmph! Kung ‘di ka lang gwapo itinulak na kita dito sa kabayo mo.   "Lalaking magugustuhan?" Natilihang tanong nito para itong nanigas ng biglaan. "Oo, eh sa libro lang naman makikita ang hot, gwapo, atsaka tapat na magmahal na lalaki. Kaya tama ka! Wala na akong pag-asang makahanap ng lalaki para sa akin kasi work of mind lang ang mga 'yun at tatanda na lang akong dalaga," pagsesentimyento niya. Nagtaka naman siya ng bigla nitong ipinihit pabalik ang direksyon ng kabayo.   "Babalik na agad tayo?" tanong niya rito. Nagsisimula pa lang kasi siyang mag-enjoy sa pamamasyal. "Yes," simpleng sagot nito. "Pero bakit?" "Tinatamad na akong mamasyal and I wanted to take a rest," wala sa mood na sagot nito. Ano namang bang problema nitong lalaking 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD