KASALUKUYANG may binabasa si Archie na isang libro sa loob ng study room ng kaniyang asawang si Chase nang marinig niya ang ilang mga pagkatok mula sa pintuan ng silid. Dito siya nagtungo matapos niyang magluto ng kanilang tanghalian. Bagamat mag-isa… she had fun doing it.
Isang simpleng sinigang na bangus lang ang kaniyang niluto dahil iyon lang ang laman ng fridge sa mansion. Now that she remembered it, mamaya ay magpriprisinta siya na siya na lang ang bibili ng kanilang grocery.
Muling kumatok ang sinomang nasa likuran ng pintuan ng study room. Sumikdo ng malakas ang pintig ng kaniyang puso sa kaba dahil hindi naman siya nagpaalam na gagamitin niya ang lugar. Inilapag niya ang librong hawak saka tinungo ang pintuan upang buksan ito. Nakahinga siya ng maluwag ng si Muriel ang nakita. Thank goodness it was not Chase.
Napangiti siya nang makitang nakasuot na ito ng uniform ng maid. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang hindi ito makatingin sa kaniya. Kapansin-pansin din na hindi ito mapakali habang kinakalikot ang mga daliri nito na tila ba nag-aalangan.
“May kailangan ka ba sa akin?” ngiting tanong niya habang hinuhuli ang tingin ng babae. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad din naman binawi ‘yon ng babae.
"Ano po ma'am kasi tinanong ko 'yung mga kasama ko kung na saan ka po tapos dito nila ako tinuro kaya pumunta ako saglit... ahm, ano kasi mam," nahihiyang ani ni Muriel nanatiling nakatingin ito sa sahig. Ramdam ni Archie ang kaba sa boses nito. Tensyonado pa rin siya sa akin?
"Huwag ka ng mahiya. Ano ba ‘yung sasabihin mo?" magaang tanong ni Archie, binalikan niya ang lugar kung saan niya inilapag ang librong binabasa kanina 'tsaka binuksan sa pahinang binabasa niya.
Nag-angat lang siya nang tingin nang marinig ang pagsara ng pintuan sa kaniya. Ang akala niya ay umalis na ito ngunit nanatili itong nakatayo roon at nakayuko. "Eh kasi Ma'am, gusto ko lang na manghingi ng paumanhin tungkol sa nangyari kanina. Pramis! Hindi ko po talaga alam!"
Pinigilan ni Archie na matawa sa bahagya nitong pagtaas ng kanang kamay na parang nanunumpa. "Huwag ka ng magsorry. Hindi mo naman kasalanan kahit na medyo na-offend ako talaga ako."
Nakita niyang nagpanic ang babae kaya agad niyang dinagdagan ang sinabi. "Pero 'di naman dahil sayo 'yon. Anyways, congrats dahil natanggap ka. Pagbutihan mo ang trabaho, okay?" Binigyan niya ng isang malawak na ngiti ang babae para maging at ease na si Muriel sa kaniya.
"Opo, maraming salamat po!" puno ng enerhiyang sagot nito. Lalong nangiti si Archie dahil nagbalik na ang energy nito nang una niyang makita ang babae kanina nang hindi pa siya nito kilala.
Binuksan nito ang pinto at akmang aalis na sana nang muli niya itong tinawag. May naalala siyang dapat gawin at ang gusto niya na samahan siya nito.
"Ah Muriel sandali! May pinapagawa ba sa'yo si Nanang Tess?" Tumango ang babae bilang sagot.
"Opo, Inutusan niya po ako na mamalengke," normal na saad nito. Nanlaki ang mga mata ni Archie sa sinabi ng babae.
"Ikaw ang inutusan na mag-grocery? Alam mo ba ang daan patungong store? Hindi ba at kakaluwas mo lang?" sunod sunod na tanong ni Archie. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagtataka kung bakit ito pa ang nautusan ng mayordoma na mamalengke gayong bagong luwas pa lang ito galing probinsya.
Nag-aalala siya na baka maligaw ito o kaya ay kung mapano dahil hindi pa naman nito gamay ang lugar nila. "Sasamahan naman po ako ni Jude," kibit balikat na sagot nito.
"Narito si Jude?" kunot noong tanong niya. Muling tumango ang babae bilang sagot. Si Jude ang personal driver ng kaniyang asawa. Palagi itong kasama ni Chase kaya nakakapagtaka kung bakit nandito ito ngayon. Sa pagkakaalam niya ay nasa 27 pa lang ito. Matanda lang ito ng dalawang taon sa kaniya at halos limang taon ng nagtra-trabaho sa asawa niya. Ibig sabihin ay narito rin sa bahay si Chase?
Kapwa sila napatingin ng may magsalita mula sa likuran ni Muriel. "Narito ka lang pala Muriel. Halika na kailangan ko pang balikan si bossing sa opisina," seryosong saad ni Jude.
Napaka-formal ng postura nito mukha itong isang butler kaysa sa driver. Nagkamali pala siya wala pala si Chase sa pamamahay. Sayang masaya na sana siya eh. Panira.
"Good morning, madame," pagbati nito ng dumako ang tingin nito sa kaniya. "Sandali lang! Sasama ako," saad ni Archie na nakapagpatigil sa dalawa.
"Hintayin niyo ako, Muriel. Tutulungan na rin kita sa gagawin mo. Wala naman akong gagawin eh," dagdag niya 'tsaka mabilis na nagtungo sa kuwarto niya para magpalit.
Isang ripped jeans at yellow na tshirt ang pinili niya para hindi masyadong mag-absorb ng init at para na rin presko sa pakiramdam ang sinuot niya. Bago siya bumaba ay kinuha niya sa sulok ng kuwarto ang isang malapad na kuwadrado na binabalutan ng isang puting tela. Ang laki nito ay sumusukat ng isang dipa. Isasabay ko na rin ito.
ISANG mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo sa loob ng sasakyan halos sampung minuto na silang nasa loob nang putulin iyon ni Muriel.
"Ay, mam sigurado ho ba kayo na tutulungan niyo ako sa pamamalengke?" Binalingan niya ito ng tingin saka ngumiti. "Nasagot ko na 'yang tanong mo. Inulit mo lang 'yung tanong ni Nanang Tess," sagot niya.
Gan'on din kasi ang tanong sa kanya ng matandang mayordoma nang magpaalam siya ay 'oo' ang sagot niya at hindi na magbabago 'yon saka anong big deal sa paggrocery niya? Dapat lang niya iyong ginagawa dahil buhay may-asawa na siya. Isa pa ginagawa na naman niya ito dati pa.
"Nasaan ang listahan ng mga bibilhin natin?" tanong ni Archie nang makarating sila sa grocery store. Iniwan naman silang dalawa ni Jude para balikan ang amo sa opisina.
Nagsabi ito na tawagan na lang siya kapag natapos na sila. Alanganing ibinigay sa kaniya ni Muriel ang listahan. Hindi na niya pinagsuot ng uniporme si Muriel sa labas dahil balak niyang mag-liwaliw ng unti mamaya kasama nito kapag natapos na sila.
Pinagpaalam na rin niya ito kay Nanang Tess. Nakasuot ito ng tshirt at pants na lalong humuhubog sa slim nitong katawan.
Hindi niya maiwasang di humanga sa babae dahil kahit na napakasimple nito ay natural namang lumalabas ang kagandahan nito. Kahit sinong makakakita ay ‘di aakalaing househelper ito.
"Okay, halika na simulan na natin 'to," ngiting ani niya saka kumuha ng isang trolley at saka nagtungo sa meat section.
Nang makakuha doon ng nasa listahan ay lumipat naman sila sa fruit section. Kapwa nila tulak ang trolly habang salit-salitan silang kumukuha ng kailangan. Archie had fun with the company of Muriel as she thought. She was fun and loud and just full of energy.
"Ma’am, salamat po sa tulong niyo sa akin. Sobrang bait niyo po pala. Napakaswerte sa inyo ni ser."
Mapait na napangiti si Archie sa sinabi ni Muriel. Kung alam lang nito ang totoong sitwasyon nilang dalawa ni Chase masasabi pa kaya nito ang mga iyon.
"Gutom ka na ba Muriel?" Pag-iiba niya ng topic. Ayaw na niya munang isipin ang estado ng buhay niya. Hindi bagay sa ginagawa nilang pag-eenjoy ngayon though kahit para sa babae ay trabaho niya ito, she's hoping na nag-eenjoy din ito gaya niya. They look like friends hanging around the mall. Hindi niya kasi 'yon naranasan nung nag-aaral pa siya.
Bahay-eskwelahan lang tumakbo ang buong buhay niya dahil masyadong estrikto ang papa niya samantalang ang mama niya ay wala namang pakialam. Kasalukuyan silang nasa food court ng isang mall malapit sa grocery na pinagbilhan nila kanina upang magpahinga ng kaunti. Tapos na rin nilang bilhin ang mga dapat nilang bilhin na ipinadala na lang nila sa bahay. Masyado kasing hassle kung dadalhin pa nila iyon sa huling pupuntahan nilang dalawa.
"Ma'am, hindi pa naman ako nagugutom. Kayo ba? Gusto niyo magpasundo na tayo kay Jude?" suhestyon nito. Agad siyang umiling.
"May gusto pa kasi akong puntahan. Nag-aalala lang ako kung nakakaramdam ka na ng gutom kasi puwede naman tayong kumain na dito. Ah eh Muriel, pwede ba akong makahingi ng pabor?" ani niya.
"Ano ho 'yun Ma'am?"
"Puwedeng tawagin mo na lang ako sa pangalan ko?" saad niya. Kanina pa kasi siya napapangiwi sa tuwing tinatawag siya nitong mam. Bumakas sa mukha ni Muriel ang pagtataka kung kaya hindi na siya naghintay pang magtanong ito at agad na niyang sinagot.
"I'm serious of having you as my friend kaya sana sa pangalan mo na lang ako tawagin. Archella Cindryl Benitez ang pangalan ko pero puwede mo akong tawaging Archie," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay sa pagitan nilang dalawa ni Muriel. Nginitian lang siya nito kapagkuwan ay tinanggap ang pakikipagkamay nito. Nakita niya ang saya sa mga mata nito.
"A-Archie... hays! Whoo... nakakailang pero ang saya sa pakiramdam," ani nito na ikinatawa niya lang. "Salamat at tinanggap mo 'yung pakikipagkaibigan ko."
"Ay nako! Ako pa ba ang tatanggi? Saka mabait naman kasi kayo kaya okay lang," masayang ani nito. It was a relief on her. Hindi niya malaman kung anong meron kay Muriel at gusto niyang makipag-kaibigan dito. She somehow feels like it. Mabuti na lang at pumayag ito.
"Halika! May pupuntahan muna tayo bago tayo umuwi," ani niya sabay hila kay Muriel patungo kung saan.
"WOW! Ang ganda ng mga naka-display na mga paintings," excited na usal ni Muriel nang makapasok sila sa isang art gallery sa third floor ng mall. Iisa lang itong umuukupa sa buong third floor kaya sobrang daming artworks talaga ang kayang i-accomodate. Parang batang nagpalipat-lipat ang babae sa mga magagandang paintings na naka-exhibit sa lugar.
Pagmamay-ari ang art gallery na 'yon ng college friend ni Archie na si Elle. Ginawa ito para sa mga aspiring painters na gustong ipakita sa madla ang mga masterpieces nila at kung susuwertihin ay kikita pa dahil maraming mga art patron ang sumasadya dito upang bumili ng art sa malaking halaga pero hindi naman sa lahat ng oras ay narito ang kaibigan, sa tuwing day off lang nito o di kaya ay kapag walang gagawin sa opisina saka naglalagi dito.
Wala ring entrance fee ang lugar kaya lang sobrang higpit ng security na kinuha ng kaibigan. Bawal ang cell phones, cameras, bags at higit sa lahat pagkain. Ayaw na ayaw kasi nitong may makikitang dumi sa pinakamamahal niya Art Gallery.
Dumako ang tingin niya kay Muriel na tahimik na pinagmamasdan ang isang painting na nasa loob ng isang glass. Nang lapitan niya ito ay napangiti na lang siya sa nakitang painting. Narito ka pa rin pala.
"Wow. The Lost Neverland by I see. Ang ganda naman ng pagkakapinta... sa lahat ng nandito... ito lang nakakuha talaga ng interest ko."
"That's the same feeling I felt the first time I saw I see's works." sabay silang napatingin isang lalaking naka-formal suit na nasa tabi ngayon ni Muriel. Kapansin-pansin ang fine complexion nito na parang walang pores at ang well-built body nito, tall nose and a sexy jawline and thick eyebrow with long eyelashes.
Kung titingnan ay para itong foreigner pero may pakiramdam si Archie na nakita niya na ang lalaki somewhere. Ang problema ay hindj niya matandaan kung saan. Inilahad ng lalaki ang daliri patungo sa painting at may parte na itinuro sa kanilang dalawa ni Muriel.
"See the blending of the dark and light colors that serves as the light from the moon? How about the way she strokes the color to be the reflection of the moon to the sea? And shadow of the ship as if it was close to you and last but not the least see the silhouette of Peter Pan under the moon like it’s really moving, isn’t it? It’s quite a skill to make this one, the way she blends colors and stroke it on the canvass in a majestic way," paliwanag nito habang itinuturo sa kanila anv mga napansin nito sa larawan.
Pinag-initan ng pisngi si Archie dahil habang sinasabi nito ang huling sinabi ay sa kaniya ito titig na titig. "Her name 'I see' suits her because she saw things in the most baronial way. You agree to me right?" ani nito samantalang may kung anong kislap ang mga mata habang nanatiling namatingin sa kaniya. Wala ni isang nagsalita sa kanilang dalawa ni Muriel kaya tumikhim ang lalaki na para bang may na-realize ito
"I'm sorry for my rude interruption. I just can't help to stop myself talk about the painter's work. I've been into her works since the moment I first saw it. Mind me to introduce myself. I'm Gavin Octavian Evander, a major fan of arts," pagpapakilala nito kapagkuwan ay tumungo upang magbigay galang.
Natilihan si Archie nang marinig ang pangalan nito. Gusto niyang tampalin ang sarili ng maalala kung saan niya ito nakita. Bakit ngayon ko lang naalala. Of course, may possibility na pumunta siya sa lugar na ito. After all he was Evander clan's prodigy.
Kilalang kilala ang lalaki sa larangan ng arts dahil na rin sa marami itong kayang gawin. A total prodigy, an art genius. May nagsasabi pa nga na ito ang reincarnation nila Vincent Van Gogh at Thaddeus Mozart.
Balita pa nga niya na pinasok na rin nito ang larangan ng pagmomodelo. Bukod sa gwapo na ito ay wala ng hahanapin pang iba kaya naman napakasikat nito sa mga babae.
"Now will you excuse me ladies. I won't be a bother to you anymore. I'll leave you in peace with the hope of meeting again soon," paalam nito sa kanila pero sa kaniya naman nakatuon ang atensyon nito.
"Aba'y napakaguwapo naman ng isang 'yon. Makalaglag panty ba? Tapos parang ang tali-talino pa. Straight english mabuti na lang at hindi ako dinugo," kinikilig na ani ni Muriel nang maka-alis na ang lalaki. Napailing na lang si Archie sa tinuran nito.
Yayayain na sana niya itong umuwi ng may marinig siyang sumigaw ng pangalan niya mula sa ‘di kalayuan. Nang lingunin niya ito ay agad siyang napangiti.
"Elle," bating balik niya rito. Hindi niya inaasahan na makita ito ngayon dito ang alam niya kasi ay huwebes pa ang off nito sa trabaho. Mukhang bored na naman ito dahil walang ginagawa sana all may trabaho ‘di tulad ko nabuburyo na sa bahay.
Nakita niya na akma siya nitong yayakapin kung kaya naman inilahad niya rin ang mga braso dito. She actually needs one kaya lang hindi iyon ang binigay ng kaibigan kung hindi isang malakas na hampas sa braso.
Archie heard gasp from Muriel. Kahit sino ay magugulat sa ginawa ng kaibigan niya pero ganito na talaga sila magbatian. Napangiwi siya. Ang buong akala niya ay na-miss siya nito. Hindi pa rin nagbabago si Elle napakasadista pa rin. “Alam mo bang nagtatampo ako sa'yong bruha ka? Biruin mo't ikinasal ka na pala tapos hindi mo man lang ako inimbita. Anong klase kang kaibigan ah?" nakangusong panunumbat nito. Napakamot si Archie sa kaniyang batok habang nakangiwing nakatingin sa kaibigan.
"Pasensya na." Biglaan kasi... Nais ni Archie na idagdag iyon ngunit pinigilan niya ang sarili. Walang dapat makaalam ng totoong sitwasyon niya kahit na kaibigan niya pa ito.
"Ano pang magagawa ko? Eh tapos na nangyari na pero hindi pa rin nun maaalis ang pagtatampo ko! Kailangan mong bumawi sa akin! Hays! Sayang talaga! Kung alam ko lang e di sana pinuno natin ng painting mo ang reception hall pu-puwede sana iyon na maging debut mo as an artist," saad nito habang kumikinang-kinang ang mata.
"Sabi na nga ba at may hidden agenda itong babaeng ito," usal na lang ni Archie sa isip. Nakakita na naman kasi ng mapagkikitaan at siya ang gagawing asset nito.
Ilang taon na ba mula nung tinanggihan niya ito? Lima? Oo tama limang taon na. Yung mga panahon na ibinigay niya dito ang una niyang gawa. Pinipilit kasi siya nito noon na mag-shift ng course pero tumanggi siya. Tumanggi siya kasi meron siyang dahilan.
Napatingin si Elle sa nananahimik na babae sa tabi ni Archie mukhang doon niya lang napansin ang presensya nito. Ngumiti ito kay Muriel.
"Hi! I am Elle Montenegro, the owner of this gallery. Interesado ka sa 'The Lost Neverland'?" pagtutukoy nito sa painting na nasa likuran namin.
"Sorry but it’s not for sale. Masyadong mahalaga sa akin ang painting na 'yan dahil unang gawa iyan ni Archella-baby. Also, it was the lucky charm of my gallery kaya no. no. no. It’s not for sale," pagtataray nito. Nakaramdam naman ng kaba si Archie dahil sa pagdadaldal ng kaibigan.
Sinenyasan niya ang kaibigan na wag ng magsalita pa ngunit naka-focus lang ito sa b***h-mode nito. "Huh? Archella?" takang tanong ni Muriel sa kaibigan pero bakas sa mukha nito na may kaunti na itong hint sa kung anong pinag-uusapan nila.
"Oo dzuh? Iyang katabi mo ngayon. Si Archella o mas kilala dito bilang I see,” pagmamayabang ng kaibigan na hindi man lang pinansin ang pagbababala niya. Napapikit ng mariin si Archella. Wala na tapos na! Sinabi na nito ang sikreto ko.
"Ha?" nanlalaking saad ni Muriel makalipas ng ilang segundo saka humarap sa kaniya.
"Ikaw si I see!"