Chapter Three

2482 Words
HINDI makatulog si Archie ng gabing 'yon. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang mga sinabi ng kaniyang Kuya Chase. Masyado siyang naapektuhan sa mga salitang sinabi nito. Kung hindi pa nga siya binabaan ni Nanang Tess ay baka hanggang ngayon ay naroon pa rin siya sa sasakyan nito. Nakatulala.   Nawalan na rin siyang ganang kumain dahil sa naging ingkwentro nilang dalawa ng lalaki. Kumikirot pa rin ang kaniyang likuran mula sa pagkakatama nito sa pintuan ng kotse kahit na nilagyan na niya ‘yon ng hot patch.   “At ito ang tatandaan mo kahit kailan hindi mo mapapalitan si Marcella! Hindi ikaw ang gusto kong maging asawa! You're nothing but a dirty and fraudulent woman to me. Dahil sa 'yo miserable ako ngayon at sisiguraduhin ko na mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko!”   Archie heaved a sigh. Kasalukuyan siyang nasa silid nilang dalawa ng kaniyang asawa. Pasado alas-10 na ng gabi pero maski anino ng lalaki ay hindi makita ni Archie.   “Bakit mo pa ba siya hinihintay, Archie? Galit nga siya sa 'yo! Sinaktan ka na nga niya tapos ito ka at parang tanga na nag-aalala pa rin? Ano ka, martyr? Gising girl!" dinig niyang suway ng kaniyang kunsensiya. Isinubsob ni Archella ang kaniyang mukha sa kaniyang unan sa kabiguang nararamdaman.   Wala pakialam sa kaniya ang lalaki kahit na nasasaktan na siya pero kahit na gan’on hindi niya pa rin mapigilan ang hindi mag-alala. Ano’ng magagawa niya eh tanga nga siya. Kasalanan naman talaga niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Kasalanan niya kung bakit parehas sila ng lalaki na nasasaktan ngayon. Only if I could do anything to ease it. Napatingin siya sa pintuan ng kaniyang kwarto ng magbukas ‘yon. Napabalikwas siya ng bangon nang makita ang pasuray-suray na anyo ng kaniyang Kuya Chase na siyang iniluwa n’on. Hindi niya kailangan na maamoy pa ang alak na sumisingaw dito para lang malaman na lasing ito. Now, she knew where he stayed all this time. Sa mini bar ng bahay.   "K—Chase!" pagtawag niya dito. Muntik pa niyang matawag itong kuya. Kung hindi pa niya naalala ang pagbabanta nito sa kaniya kanina. Tumayo siya mula sa kama at saka lumapit sa kinatatayuan nito upang alalayan sa paglalakad ngunit hindi pa man niya nahahawakan ang lalaki ay itinulak na siya nito. "Don't come near me, b***h! I don't need you."   Ouch... usal ni Archie sa sarili. In sober state or drunk state ay gan’on pa rin ang pagtrato nito sa kaniya. She sighed. Wala na siyang nagawa kun’ di ang alalayan na lang ito nang hindi dumidiit ang kamay sa likuran ng lalaki hanggang sa makahiga ito sa kama.   "Where's my wife? Come here, my wife," pagtawag nito habang nakapikit. Sa sobrang kalasingan nito ay hindi na nito alam kung ang mga sinasambit. Napailing siya kapagkuwan ay nagtungo sa kusina upang kumuha ng kaniyang mga gagamitin. Nilagyan niya ng maligamgam na tubig ang palanggana at nilagyan ‘yon ng kaunting alcohol pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto. Kumuha siya ng bimpo sa closet ng lalaki pagkatapos ay saka niya nilapitan ang lalaking mahimbing na natutulog.   “Dahil sa 'yo miserable ako ngayon at sisiguraduhin ko na mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko!”   Muli siyang napabuntong hininga nang maalala ang sinabi nito. She reached her hands towards Chase’s face and give it a gentle caress. Napakapayapa ng mukha nito. Napakaamo. Hindi makikitaan ng kahit anong kalungkutan at sakit tulad ng kapag gising ito.   "Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit ganito ang trato mo sa akin, Kuya Chase. Sana lang dumating ang panahon na mapatawad mo ako at ang mga magulang ko," saad ni Archie sa lalaki na para bang naririnig at naiintindihan nito. Marahang hinaplos niya ang pisngi ng lalaki ng ilan pang sandal kapagkuwan ay kinuha ang bimpong nakababad sa maligamgam na tubig at nagsimulang punasan ang mukha ng kaniyang asawa.   “You still look beautiful even you are asleep.” Napangiti siya sa kaniyang sinabi. Sinimulan na niyang alisin ang kurbata na suot nito. Sa sobrang kalasingan ng lalaki ay hindi na ito nakapagpalit ng damit na pantulog o kaya naman ay alisin ang dapat alisin upang maging kumportable ito sa pagtulog.   Well… it’s your job now, Archella. You should take good care of your drunk husband like a good wife.   Nang maalis niya ang kurbata ay isinunod naman niya ang suit at ang polong suot nito. Napaigtad na lamang siya ng bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay na kasalukuyang tinatanggal na ang panghuling butones sa polo nito. "What are you doing?" seryosong tanong ng lalaki sa kaniya. Eyes half-open. Agad siyang nag-panic dahil baka magalit na naman ito sa kaniya.   "A-ahm kasi… aalisin ko lang sana yung damit mo para maayos ang magiging tulog mo," paliwanag niya rito. Napasinghap siya ng bigla na lang siya nito hinila pahiga saka pumaimbabaw sa kaniya lalo tuloy siyang nag-panic. Ang kaninang kalhating bukas na mga mata nito ay tuluyan nang naging bukas at nakatingin sa kaniya.   "A-ah Chase m-magpahinga ka na. La-lasing ka," utal utal na saad nito. Naiilang na kasi siya sa posisyon nilang dalawa at sa uri ng pagtingin nito sa kaniya. Ang mga mata nito ay nag-aalab sa pagnanasa katulad ng nakita niya ng gabi ng kanilang pulot-gata.   "I want you…" Ilang sandaling tumigil ang mundo ni Archie sa narinig mula sa bibig ng asawa ngunit agad din nakabawi. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki upang maitago ang pagkailang na nararamdaman. Itinuon niya ang dalawang kamay sa matigas na dibdib ng kaniyang Kuya Chase upang maitulak ito palayo.   "C-Chase lasing ka lang... Hindi mo alam ang pinagsasabi mo."   "NO!" malakas na pagtutol nito na siyang nakapagpadagdag lalo sa kaniyang takot. Mukhang nakita ‘yon ni Chase dahil ilang sandali pa ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Nakaramdam ng kakaibang pagdaloy ng kuryente si Archie sa kaniyang katawan ng dampian ng palad ni Chase ang kaniyang pisngi. Marahang hinahaplos ‘yon.   "I want to feel my wife... Is that a hard request? Aren’t we still in the season of our honeymoon?" Natigilan siya sa narinig ngunit hindi siya dapat magpadala. Lasing ang lalaki kung kaya niya ito nasasabi.     Kapag nahimasmasan ito ay paniguradong babalik na naman ang galit nito sa kaniya at pagsasalitaan siya ng kung ano-ano. Hindi ba ang tingin nito sa kaniya ay isang pariwarang babae? I must be brave and reject him. He can’t always treat me like this?   “No, C-Chase! You’re drunk—”   "I'm not drunk!” he said stubbornly. Chase gave her a looped smile. “You really have an amazing body, wife." Nauntag siya mula sa kawalan at napatingin sa lalaking kaharap. Mas lalong nag-alab ang mga tingin nito sa kaniya.   Doon lang niya napansin na bukas na pala ang pang-itaas niyang pajama exposing her full breast. Pinamulahan siya ng mukha nang hindi man lang niya napansin ang paghubad nito sa kaniya. Wala pa naman siyang undergarment na suot pang-itaas dahil sanay siyang matulog ng walang suot na bra. Inilapit nito ang mukha sa kanyang kanang tainga.   "You are very delectable to look at wife and you’re mine to devour. Your body and soul are all for me," he said as he pushes her to the bed. Archie moan in agony as the familiar sensation runs through her spine and she tried to resist but her husband won’t listen to her. He takes her again for the second time but unlike what they did last night, Chase seems to be very careful tonight. As if he was just enjoying the moment that made her to start to feel good too. It’s looks like they were actually making love to each other until they both reached their climax.   Archie felt tired after but she chose to watch Chase sleeping peacefully. Inialis niya ang humahaba na nito bangs na tumatabing sa napakagwapo nitong mukha.   “I can touch you so easily when you’re like this, Chase. Even though this was the second night that we became one… our bodies were connected yet, I still felt the distance between us… a far-flung distance I wouldn’t be able to reach.”   Archella heaved a sigh. She placed a kiss on her husband’s forehead for the last time because she knows that when tomorrow comes he will forget what had happened between them but even that come to pass Archie still feel happy about what happen.   It was totally different from the last time. It is the first time he didn't hurt her physically. They did it as if they really love each other. As if they were areal couple. She just wished this will carry on. She smiled weakly for she knew it is a wishful thinking. She then laid on his chest and tried to get some sleep. NAGISING si Archie dahil sa ingay na narinig mula sa labas ng mansyon. Iminulat niya ang mga mata saka bahagya iyong kinusot para i-adjust sa sikat ng araw na nasa loob na ng kanilang silid. Her sight went on the empty spot on the left side of the bed. She sighed to the thought that again Chase leave her alone on the bed. Even though she is expecting it, still it stings her heart.   Tumayo na siya mula sa pagkakahiga ng mapansin suot niya ang polo ng asawa. She looked at her reflection on the mirror. It was so big on her. Nagmukha itong bistida sa kaniya.   So ibig sabihin ay binihisan ako ni Chase ng magising siya? That's another new. Noong una kasi ay iniwan lang ako nitong nakahubad. Nag-init ang kaniyang mga pisngi at kinastigo ang sarili bago pa ito dumako sa mga bagay na hindi na dapat niya binabalikan pa.   Nagtungo siya sa loob ng comfort room para makapaligo bago siya bumaba para malamanan ang kagabi pa niyang nagwawalang tiyan.   Wala naman siyang lakad ng araw na iyon at kung meron man ay siguradong hindi rin siya papayagan ni Chase na lumabas kung kaya ng matapos siya ay isang simpleng puting damit lang na tinernuhan niya ng above the knee na denim short ang kaniyang isinuot. Hindi naman kasi siya sanay na pati sa bahay ay kailangan maayos na maayos. Iyong tipong may light make up pa?   "Dapat siguro ay mas agahan ko pa ang gising sa susunod para ako na ang mismo ang aasikaso sa kaniya bago pumasok sa opisina,” aniya sa sarili. Napangiti si Archie sa biglang sumagi sa isip niya na isang scenario. Ang ilan sa mga scenario na iniimagine niya kasama ang taong magiging kaniyang asawa.   Gigising siya sa umaga at ang una niyang makikita ay si Chase na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Magigising ito kapagkuwan ay ngingitian siya saka papatawan ng munting halik sa mga labi bago tuluyang bumangon. Didiretso ito sa banyo upang maghanda sa pagpasok nito sa opisina samantalang siya ay pupunta na sa kusina upang ihanda na ang kakainin nilang breakfast.   Ilang sandali pa ay mararamdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kaniya. Sasabat sa kaniyang ilong ang bagong paligong lalaki. Sabay silang mag-aagahan pagkatapos ay magpapaalam na sa isa't isa gamit ang isang halik na para bang tunay na mag-asawa.   Hinawakan ni Archie ang kaniyang dalawang pisngi. Kinikilig siya sa ginawang scenario at kung hindi pa muling tumunog ang kaniyang tiyan ay hindi pa siya babalik sa normal. Wala naman masamang mangarap eh.   Iwinaksi niya pansamantala ang nasa isip at inuna na ang kumakalam na tiyan dahil mahirap na kung ang bituka naman niya ang magprotesta.   Nang makababa siya sa unang palapag ng bahay ay napansin niya agad ang isang babae na tila ba kasing edad niya lang. Morena ang kulay nito at may kulot na buhok na hanggang balikat at may dala itong maleta at bayong. Sino kaya ito? Mukhang naramdaman ng bisita ang kaniyang presensiya kaya napabaling ito sa kaniyang pwesto. Nilapitan niya ang babae upang magtanong kung anong kailangan nito ngunit naunahan siya nitong magsalita.   "Nag-apply ka rin ba bilang housemaid dito? Whoo… ako rin kasi," nakangiting ani nito sa kaniya. Napatigalgal siya. T-Teka ako? Napagkamalang katulong sa bahay? Napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa babae. "Ako nga pala si Muriel. Muriel Cruz. Kakaluwas ko lang dito sa Maynila galing ng Davao para hanapin ang kapalaran ko ba at para makatulong na rin kay itay at inay. Ikaw ba? Mukhang natanggap ka na kasi wala na yung mga gamit mo. Mabait baa ng amo na ‘tin? Sa tingin mo matatanggap ako? Kailangan na kailangan ko kasi ng trabaho." Bago pa man makasagot si Archella sa sinabi ng babae ay may kung sino'ng biglang nagsalita sa kanilang likuran.   "Madame, ano pong ginagawa mo dito? Dapat tumawag ka na lang sa intercom kung may kailangan ka ng hindi na kayo nag-abala na bumaba pa."   Kapwa napatingin silang dalawa ni Muriel sa nagsalita. Nginitian lang ni Archie si Nanang Tess na kasalukuyang may hawak na mga papel kasama ang dalawang maid na nasa likuran nito.   "Pasensya na Nanang Tess. Nagutom kasi ako saka alam ko naman po na abala rin kayo sa gawain dito sa mansyon kaya ako na lang ang bumababa... kaya ko naman po eh," sagot niya nang maalala niya ang babaeng kausap kanina.   "Asikasuhin niyo na lang po itong si Muriel. Nag-aapply po eh. Ako na ang bahalang magluto ng makakain natin sa lunch pagkatapos kong kumain tutal mabobored lang ako sa kwarto na naman," pagpriprisinta niya.   Bagamat bakas ang pagaalinlangan sa mukha ng matanda ay pumayag na rin ito sa huli. Iyon nga lang pinasamahan pa rin siya nito sa dalawang maid sa likuran nito para makatulong niya. Okay na rin sa kaniya ‘yon kaysa naman pabalikin siya sa loob ng kwarto.   "Ay! Ma’am..." Tumigil siya sa paglalakad nang tawagin siya ni Muriel. Nilingon naman niya ang babae at kitang kita ang pamumutla ng mukha nito. Ngayon lang ito naka-recover mula sa pagkakagulat mukhang na-realize na nito ang posisyon niya sa mansyon.   "Sorry po," hindi makatingin na saad nito. Napangiti lang siya ng tipid.   "Muriel," pagtawag niya sa babae. Doon lang ito nag-angat ng tingin bahagya itong nagulat sa ekspresyon ng kaniyang mukha.   "Gusto kitang maging kaibigan. Sana matanggap ka. Goodluck," aniya saka tuluyan silang iniwan ni Nanang Tess sa sala. Nag-aalala siguro ito na baka hindi siya matanggap ng dahil sa nangyari kanina. Hindi naman siya mababaw na porque gano’n ang nangyari ay hindi na niya ito tatanggapin. Isa pa totoo ang sinabi niya na gusto niya itong maging kaibigan. Nararamdaman niya kasing totoong tao ito at napaka-jolly din nitong tao kaya magkakasundo silang dalawa. Nagpakawala siya ng isang mahinang buntong hininga nang makarating sila sa kusina.   "Ngayon... ano bang pu-puwedeng maluto dito?"            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD