C a p í t u l o C i n c o

2100 Words
C a p í t u l o C i n c o Nan-laki ang mga mata ko when I realized what I have said. Ang ingay ko pa man din, ang dami kong sinabi specially kay Ken, at masakit barkada niya pa ito. Bigla akong napapa-punas ng mata ko gamit ang panyo ko at agad na inayos ko ang sarili. Napaka-haggard ko pa man din, hulas na make-up ko kakaiyak. Tsk, ano na lang sasabihin nito sa akin at baka marating pa kay Ken na hindi pa ako fully nakaka-move on sa kaniya! Magsasalita sana ako para itanong kung kanina pa siya diyan, kaso naunahan niya ako. "Kanina ka pa ba diyan?" Huh? Parang dapat ako ang magtanong niyan. "A-ako?" Napaturo ako sa sarili ko. "Oo." Umupo siya ng maayos habang humikab-hikab. Tulog pala siya kanina. Nako, sana hindi niya narinig ang mga sinabi ko! "Ah, e oo?" Bigla ko na lang na-realize. Shems, I am so broken, ang panget ko ngayon. Grrr. Bakit kasi andito 'to?! "Ah, ikaw nga 'yung sumisigaw kanina pa." Naging statwa ako bigla, deym, edi narinig nga niya?! "Na-narinig mo?" 'Yon na lang nasabi ko. Ugh, Wag naman sana. Umunat siya at tumayo. "Kung gusto mong matuwa, isasagot ko hindi kaso ayokong magsinungaling, kaya oo narinig ko." Nanlaki lalo ang mga mata. S***, makakarating na 'to kay Ken. Tapos ang buhay mo, Asteria De Villa. Magsasalita sana ako, kaso inunahan niya ako, habang naglalakad siya papalapit sa akin. "If you are afraid na ikukwento ko ang pinagdadaanan mo ngayon sa iba, una sa lahat hindi ko ikaka-graduate kung ikukwento ko kung kani-kanino, specially kay Kenneth." I blinked my eyes, then he continued, "And also, Kenneth is my best friend, pero there are issues na in need akong mag-hands off. Isa pa, break na kayo, wala naman sigurong kaso kung matagal kang maka-move on. And your ancestors were from San Felipe, Cavite. Respect na lang sa mga bayaning nagbuwis ng buhay noon." Nadamay pa nga ang pagiging Fernandez ko. Nice naman. Sana nga totohanin niya. Gusto ko sanang magsalita, kaso inunahan niya na naman ako. "Nagmahal din ako." Napa-tameme na lang teka, mag-oopen ba siya? Like close ba kami? I want to retort kaso na-una na naman siya magsalita, "Mahirap bitawan ang kinasanayan, pero kung iyon ang makakabuti, bakit hindi mo gawin?" Napa-yuko ako. Hindi ko siya kilala, pero that moment, I could not understand myself bigla na lang may lumabas na mga salita sa bibig ko, "I-I am trying.." "Kung gusto mong maka-move on, it will start by letting go." Tiningnan ko siya at nakita kong nakatayo na siya sa tabi ko habang nakatingin sa langit na parang ang lalim ng iniisip. "Mahirap bumitaw, pero kung iyon ang makakabuti para sa iyo, gawin mo hindi dahil nasasaktan ka, kung hindi dahil gustong magmove-on." Tuloy pa niya, "Moving-on does not mean na bitter ka and you will live on with that hurt, but moving-on means letting go of every hurt, to start a new life, while living with the scar of that memory. Hindi na mawawala ang scar ng sugat na 'yan, pero take it as a learning lesson na everytime you would see and feel that scar, may it be a reminder for you not to be wounded again, for the same reason." Napa-titig na lang ako sa kaniya. Sobrang lalim ng sinasabi niya, but I know deep inside me, naiitindihan ko 'yung gusto niyang sabibin. Hindi ko maintindihan kung wala lang ba talaga ako mahanap na salita kaya wala ako masabi pero sobrang gusto kong manahimik at pakinggan siya. Is this what they call as, kababayan connection? Tsk. "I know moving-on is hard, specially kung nakikita mo 'yung taong mahal mo, nariyan sa tabi mo, kahit anong iwas mo, kahit anong takbo mo palayo, hindi mo alam bakit hinahatak ka pa rin pabalik sa kaniya." All those moments na sinasabi niya mga iyon, nakatingin lang siya sa mga mata ko. Hindi ko maitindihan bakit damang-dama ko 'yung mga sinasabi niya. Ano ba itong nararamdaman ko? "Naiitindihan kita." At naramdaman kong parang lumungkot siya. "Kasi pinagdadaanan ko rin iyan ngayon." What does he mean? Does he have an ex-girlfriend? "Huh? Ma-may Ex ka rin?" "Oo? Or hindi? Di ko alam e." Tumawa siya ng mahina. "Buti ka nga, may reason kang i-let go si Ken, you have all the reason para bitawan siya." Sumandal siya doon sa terrace. "Kung ako sa iyo, bibitawan ko si Ken. Kung ganyan ang sitwasyon ko katulad mo na may dahilan para wag na siyang balikan, siguro ang dali ko lang siyang bitawan, siguro ngayon hindi na ako aasa pa na magkakabalikan pa kami." Hindi ko alam pero ang lalim ng tingin niya sa akin when he had spoken those words na parang ako 'yung sinasabihan niya. Aba teka, nabubuang na naman ako. Anu-ano na naman iniisip ko. "Anong ibig sabihin mo?" Hindi ko na alam ano isasagot ko. Ngumiti ulit siya, pero sa kabila ng ngiti na iyon, I know there is sadness behind that mask of smiling lips. "Kaso, madaya ang tadhana e." Inalis niya ang tingin niya sa akin at ibinaling sa magandang view ng langit sa harapan namin ngayon. "Sobrang daya, inipit na lang ako sa sitwasyong wala na lang akong choice kung hindi bumitaw sa kaniya, kasi ni hindi nga niya ako makilala ngayon. Haha ni hindi nga ata niya maalala ang kwento naming dalawa." Hindi ko maitindihan kung anong sakit ang biglang tumusok sa puso ko noong sinabi niya iyon, ramdam na ramdam ko, bakit ganoon? Ang galing naman ata magkwento ng isang 'to at sobrang napapa-teary eye na ako sa mga sinasabi niya. At this moment, call me weird pero parang gusto kong marinig 'yung kwento nila nung mahal niya. Malay ko ba kung sa babae or sa lalaki pala 'to umiibig, hindi ba? "May amnesia ba 'yung girl?" Bigla ko na lang nasabi at nakita kong he was caught-off guard sa sinabi ko. Ugh, ano ka ba Asteria, may problema ka na nga, nag-aattract ka pa ng LQ ng ibang mag-jowa, hays. "Hindi ko alam e." Napakamot na lang siya sa ulo habang tumatawa. "Basta ang hirap iexplain." "Ah. A-anong balak mo?" I usually do not mind other's business specially with men, pero I could not understand why ang daldal ko ngayon. Kanina lang umiiyak ako, ngayon gusto ko na makinig sa kwento ng lalaking 'to na ngayon ko lang nakausap. Siguro dahil, nagkakaitindihan kami dahil kahit hindi pa buo ang kwento niya alam ko, iisa lang lang kami ng pinagdadaanan, at ayon ang parehas kaming hindi maka-move on sa mga taong mahal namin. "Balak ko? Haha." Tumawa ulit siya. "Binitawan ko siya." "Huh? Sumuko ka?" Ngumiti siya at alam kong napaka lalim ng ibig sabihin ng ngiting 'yon. "Hindi naman ibig sabihin na bumitaw ako e, sumuko na ako." "E? Ano 'yon?" "Ibig sabihin lang, hahayaan ko na ang tadhana sa amin. Sa paglayo ko, umaasa ako na maalala niya ako. Hanggang hindi siya naikakasal sa kahit na sinong lalaki, handa akong mag-antay sa kaniya at manalangin sa Nakakataas na dumating ang oras para sa aming dalawa na maalala niya ulit ako at tumibok muli 'yung puso niya para sa akin." I blinked my eyes. Teka lalo akong walang naitindihan. Ano raw? "Teka, I can't understand." Ngumisi ulit siya. "Don't worry, someday, maiitindihan mo rin ako." Someday? So may part 2 pa ang kwentuhan namin. Tsk, may balak talaga siyang ikwento. Ewan ko ba, bakit ba kasi nacurious ka Asteria? Ugh. With those words, I saw him leaving the rooftop while waving his good bye at me. I could not understand bakit nacurious ako sa kwento ni George, pero one thing I know, nagtugma ang mga puso namin, dahil magkaiba man ang takbo ng aming kwento, pero ang tema ng kwento ng pagibig namin ay iisa ng dinadaanan at ayon ang parehas kaming hindi makabitaw sa mga taong dapat ngayon ay malaya na kami. -- "I told you 'wag ka ng magbar 'di ba? You're really stubborn aren't you?" Said Kim. "Paano ka uuwi niyan? Masusundo ka ba ni Josh?" "Hindi siya nasagot, malamang nagdo-dota na naman 'yun." Sagot ko habang naglalakad ako palabas ng bar na dinayo ko ngayong gabi. "Ugh." Narinig kong napahampas si Kim sa kung anong bagay, sa kabilang linya. "Tigas din kasi ng mukha mo, alam mo ng finals ngayon, ang daming need asikasuhin Asteria. Naisingit mo pa talaga yang night life mo a." "Empre." At lalo kong narinig ang panggigigil ng best friend ko. High blood na nga siya. "Sige na uwi na ako, I can handle myself." "You can handle yourself, e bakit ka nagpapasundo sa akin--" I cut the line. Iingayan lang ako ni Kim. Mas matanda kasi sa akin 'yun kaya may pagka-tita's of manila na. Naka-labas na ako ng bar na pinuntahan ko kanina. After ng nakaka-buryong Philippine History class namin, I decided to clear my mind that's why I went here. Alak lang naman ang pwedeng makinig ngayon sa mga hinanaing ng puso ko wala ng iba. Kaso mukhang nasobrahan ata ako. Ramdam na ramdam ko ang pag-gewang ng patingin ko. Shems, lasing pala talaga ako. Ugh, nagpaka-lango ka pala talaga ngayon, Asteria. There were plenty of men na nag-aya sa akin sumayaw kanina, but I rejected all of them. I just wanted to succumb to this pain by drinking my heart out, that was why I did not notice the time, 1:23 AM na pala. Halos lamunin na nga ako ng buhay ni Daddy kanina tapos uuwi na naman ako nang ang akalat ko. Haha, mukhang miyembro na naman ako ng akyat bahay g**g neto mamaya. I saw the bus stop sign, buti na lang may masasakyan dito. Nice spot, after magpaka-lasing ng tao, uuwi ng commute, ang taba ng utak ng may-ari ng bar. Good luck naman sa mga katulad kong sobrang magpaka-lango sa alak kung maka-uwi kami ng gan'tong lagay. I was waiting for almost 10 mins for some random bus to fetch me. Sobrang, umiikot sobra ang paningin ko. Later then I felt someone suddenly clung his arms on my waist, "Hey, if this is the famous Asteria De Villa." Dalawa ba siya? Ay hindi, isa lang pero duling na ata ako sa sobrang pagkaka-lango ko. Ano ba gusto nito? "Who are you?" Then I pushed his hands away from me. Lasing ako oo, pero hindi uubra ang pagiging bastos ng isang 'to sa akin. "Leave me alone." I tried na lumakad papalayo but then I felt na parang babagsak na ako. "Asteria." I heard another voice that approached me. "Come on, ihahatid na kita." And I felt his warm hands greeted the bare skin of my back. I could feel that he was trying to guide me on my way. Huh? Teka sino 'to? Nagtataka ako, iba pa ito sa kaninang lalaking ginu-g**o ako, a? "Who are you bro? 'Wag mo kaming paki-alaman." I heard the guy who approached me earlier to the other guy who was now holding me. "Bro, tumigil ka na, please get your hands off her, kung ayaw mong magkasuntukan tayo." "And who are you to talk?" The other guy retorted. At lalong lumaki ang mata ko. Wait si Ken ba 'to--- "I am her boyfriend, andito ako para sunduin siya. Kaya please lang lumayo-layo ka na kasi kapag ako hindi nakapag-pigil, uuwi kang basag ang mukha mo." "Oh, sorry." I felt na lumayo na 'yung isang guy sa tabi ko. Teka, sino? Si George ba kamo? Anong ginagawa niya dito at lalong paano niya nalamang andito ako? "Easy bro, akala ko kasi single siya I just wanted to try if she wants to play with me--" "Try to continue what you are about to say, bago mo pa masabi 'yang gusto mong sabihin, basag na yung ngala-ngala mo." From that I felt my world stopped. Sobrang bumagsak na lang ang mata ko, umakyat na sa ulo ko ang alak at naramdaman kong pati ang katawan ko bumigay na. I did not intend to fall, pero from what I heard, I suddenly felt security and sincerity from his voice, that's why hinayaan ko ng lamunin ako ng hilo ko, kasi I know I would fall into good hands. I know even if I fall, may handang sumalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD