C a p í t u l o D o s
I immediately went down towards our dinning hall, kahit na ba medyo hilong-hilo ako dahil may hang-over pa dahil sa gabote ng Rhum na na-inom ko kagabi.
Nakita ko namang nakaupo na doon ang pamilya ko sila Mommy, Lola Aurora at lalong si Daddy, kaso mukhang tapos na sila kumain. Gosh anong oras na ba at hindi na ako nakasabay pa sa kanila?
"Magandang umaga apo." Bati ng aking Lola Aurora at agad niya akong binigyan ng senyas na tumabi sa kaniya, at iyon naman ang ginawa ko. "Kumain ka na at niluto ko ang paborito mong skinless longanisa."
Agad na sumiklap ang mga mata, ang sarap magbreakfast nito, at may egg and pa-fried rice pa ang Lola, sherep~
Kukuha na sana ako ng pagkain ng marinig kong biglang nagsalita si Daddy while reading the newspaper, "Asteria, I heard from the university that the Dean's listers for the last term would be announced today."
I blinked my eyes. Astig din nito ni Daddy, akalain mo 'yon, mas alam niya talaga ang schedule ng University ko kaysa sa akin. Alumni talaga to ng UST e, ang daming tainga sa loob univrrsity.
"Yes Dad." My simple answer at sumubo na nga ako. Gutom na gutom na ako.
I have no time to answer his question-- "I hope, sa Dean's List ko makikitang naka-lista ang apilyedong De Villa at hindi sa hamak na may mga back-subject na istudyante." On the second thought, mukhang need ko nga sumagot.
Kakasimula ko pa lang kumain, pero damang-dama ko na 'yong tensyon sa sinabi ni Daddy. "John, don't expect from your daughter." I heard my Mommy told him. Hindi ko maexplain pero I felt na para akong nasaktan sa sinabi niya. "My back subject siya. Have you forgotten her Philippine History?"
"Hindi mo pa rin ba nakukuha ang subject na iyan? Pambihira." Nakita kong binaba ni Daddy 'yung news paper na binabasa niya. "Inaaral mo ang kasaysayan ng Pilipinas, I hope you would realize na you are a direct descendant of Fernandez. I hope you know you are from a family of known and important heroes of the Philippine History. Taasan mo man lang ang stadards mo sa sarili mo. There are so many people who are looking-up to you, so can you stop being a disappointment to our house specially, being a direct lineage of Fernandez?"
Napatigil na ako sa pagkain, mukhang hindi naman na ata 'yung mga pinagluto ni Lola ang magiging umagahan ko.
Yes, you are right. Ako, si Asteria De Villa, ang nag-iisang anak ng mga De Villa, na nanggaling pa sa direktang saling-lahi ng Pamilya Fernandez na kilalang mga bayani mula sa San Felipe, Cavite. Kaya sobrang taas ng respeto ng mga tao sa pamilya ko sa kadahilanang 'yun. Most of the time my family is being invited for different ceremonies to honor the memorabilia of our late ancestors, hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa labas ng bansa.
I should be grateful that I am a part of that historical family, but then dahil dito, I am being pressured to do everything according to the custom and tradition of my family. Ang sarap sa pakiramdam na linu-look up ka ng ibang tao, pero I am not that type of woman na deserving maging inspiration.
Naramdaman kong hinawakan ng Lola Aurora ko ang kamay ko para pakalmahin ako. Bahagya akong ngumiti sa kaniya, kahit na ang hirap, kasi expected ko na ang mga susunod na sasabihin ni Daddy at Mommy sa akin.
"Philippine History is just your minor subject. Third year nursing student ka na, hanggang ngayon hindi mo pa rin tapos 'yan?" Huminga ng malalim si Daddy tsaka siya nagpatuloy. "We were pushing you to get Accountancy for you to handle our business someday, pero hindi kami ang nasunod. Pinayagan na nga namin iyang layaw mo sa medical field na nursing na yan, tapos this would be your payment, delayed graduation at mga back subjects na puro minor lang? 4 years lang ang Nursing, pero 3 years bago ka nakatungtong ng third year."
Hindi nga ako nagkamali...haha.
Hindi ko na alam anong isasagot ko, gusto ko ng magpalamon sa lupa. Bumibigat na ang loob ko at ang mata ko. Alam ko kapag nagpatuloy pa 'to, baka mamaya tuluyan nang may pumatak na luha mula sa mga mata ko.
Nahihirapan na akong humanap ng salitang isasagot ko pero pinilit ko pa ring magdahilan. "Ah Daddy, kinukuha ko naman na po siya ngayong sem--"
"Ngayon lang? Di ba general-education subject 'yan? Going to 4th year ka na, supposedly your subjects right now, are your majors, how in the world binagsak mo 'yan?" He looked at me straight to the eyes, "Samantalang ang pinsan mong si Stephanie, graudate na, liscensed-accountant na, and being trained by your tito para siya na maghandle ng accounting firm nila."
The never ending comparison..
"John, your daughter is doing good naman na ata on her subject, right Ria?" My Mommy looked at me, and I saw through her eyes na she wants me to lie.
From that gusto ko na lang maiyak ng tuluyan. Even my mother does not trust me when it comes to my academic skill and standing.
Ha. Paano pa kaya ako magtitiwala sa sarili ko, kung sariling parents ko, sobrang wala ng tiwala sa akin?
I was about to answer my Dad, when his phone rang, "Hello, Troy, ah yes. We are on our way. Please wait for us, after 30 minutes, we'll be there. Yes yes, no worries. Bye."
"Bueno, Aelyn, we have to leave. Our clients are on their way, I don't want to be late for them just because of that damn Philippine History subject of your daughter." Napa-pikit na lang ako ng marinig ko 'yon. Grabe, tagos. Damang-dama ko yung sakit ng sinabi ni Daddy.
Wala namang nagawa ang Mommy ko at nagpaalam na siya sa akin at sumabay na sa pag-alis ni Daddy, and again, always every morning after the breakfast of sermon was served and was eaten no one else but me, I would be left behind in this silent dining hall, while the eyes of our maids around me could not stop reflecting about how disappointing I am as the only daughter of the famous Familia De Villa.
-
"Ma'am Asteria, dito na po tayo sa UST." Agad akong bumaba from my Ferrari when we were able to enter the campus. "Ma'am pm niyo lang ho ako sa messenger if magpapasundo kayo sa akin." My chauffeur added.
I nodded as a response and immediately left the entrance of my university. I know, it's weird to let your chauffeur to drive your Ferrari, pero hindi ko lang talaga feel mag-maneho ngayon, I guess because sa nangyari kanina.
I was wearing my white nursing uniform and my small back pack. Wala naman akong ibang subject kung hindi 'yong Phil Histo na iyon, kung pwede lang sa course ko magcivilian edi, naka skirt ako ngayon, ugh.
Magmamabagal pa sana akong pumasok ng building, kasi ang dami pang nagsisipasukang mga istudyante ng magalarm ang phone ko.
11:40AM
Hala na! Late na ako! Patay na naman ako nito kay Mrs. Trajano. Ugh, nanganganib na nga ako dun, malelate pa. Ugh, napaka-malas ko ngayong araw na 'to. Una si Daddy, now I am late, then nakikisabay pa ang hang-over na ito. Grrrr.
Agad na akong nagmadali para pumasok, wala na akong paki alam kahit pa pagtinginan ako ng mga istudyante, basta need kong makapasok, 10 mins late na ako. My gosh Cassie. Kaya hindi masaya maging famous, kasi nakaka-pressure.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng biglang hindi ko napansin ang ilang istudyanteng dumadaan din sa kamamadali, kaya't sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabangga ko ang isa sa kanila.
"Okay what the hell?" I heard nagrant yung babae. Hindi ko na siya sana papansinin kaso-- "Oh well, I never thought that my appetite would be ruined so much just before our lunch date." She told her friends and they immediately agreed to her. Squad gals.
From that eerie voice, alam ko na ang sino ang nabangga ko. Ayoko na sanang patulan, maglalakad na sana ako kaso bigla niya akong hinarang. "And where do you think you are going Ms. Asteria De Villa?"
Napa-irap na lang ako. Sa dami-dami talaga ng pwedeng masanggi, siya pa talaga. "Ivonne, if you are going to throw insults at me, pwede mamaya na? Late na ako sa subject ko. Reserve mo na lang 'yan. May break pa mamaya."
"Well, ayoko ng makita ka pa mamaya sa second break, baka lalong hindi na ako makakain." Sagot niya habang naka pamewang, I heard her friends laughed to what she had said. What a joke.
Tinignan ko na lang siya. Siya nga pala si Ivonne Palma, ang former friend ko, I mean ex-friend. Literal, FO na kami. Dahil sa iniisip niyang sinulot ko ang Ex-boyfriend niya. Halata naman, di ba? Kung maka-asta ang bruha. Grrr.
"Okay sige, don't worry sa labas na kami kakain ni Kim, para hindi na tayo magkita. Bye na."
"Well, sana naisip mong may choice ka namang iba, before you seduced my Ex." Sinabi niya ng may diin. And again ito na naman ang hot topic ng bruhang 'to. "Sana inisip mo, you have your Kenneth Suson, before kissing my Eliot Tamayo."
Nagautomatic yung pag-akyat ng dugo ko sa ulo ko. Really? Talagang dahil nabangga ko siya, ibo-brought up niya tong issue na 'to na 6 months ago pa nangyari?
I looked at her straight to the eyes. "Ivonne, I don't have time for your bitterness. Kung gusto mong mang-away, awayin mo Eli mo 'wag ako." Pinagpagan ko ang uniform ko, "Wala akong oras sa kabiteran mo."
"Really, Ms. De Villa? Well, I don't have time rin sa kalandian mo. Nakakahiya sa part na you are a descendant of famous family of heroes, then ganyan ka." Nagtimpi na lang ako, ayokong pumatol pa, kasi kapag pinalagan ko 'to, baka mawalan 'to ng buhok at ma-kick out pa ako.
Paakyat na ako ng marinig kong sumigaw na naman si Ivonne, "Las hija, de puta!" (w***e, s**t!)
Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa paglalakad ko ng mabilis. Hindi ko na lang pinansin pa ang babaeng iyon.
Kung pwede ko lang siyang sigawan, "Amarga!" Bitter ang wala!
Kala mo naman siya lang marunong mag-spanish FYI, hindi lang siya ang Tomasian dito, pweh! Nakaka-gigil, Ugghh.