C a p í t u l o T r e s

2082 Words
C a p í t u l o T r e s Pagkatapos ng mahabang lakaran sa hallway, nakarating na ako sa room namin. Natanaw ko namang nasa harap ang presidente ng klase namin at naka-upo sa may professor's desk si Mrs. Trajano. 20 minutes akong late yari talaga. Pupuslit sana ako ng pasok sa back door ng room, kaso pagkapasok ko, nag-ingay ang pinto at agad na nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. Nice move, Asteria, very nice. "And isa na lang, bibinggo ka na, Ms. De Villa." Pagbati ni Mrs. Trajano, and again bad image na naman ako. "Lunes na lunes, late ka, kung hindi absent late. Nag-mula ka pa man din sa Familia Fernandez." Napayuko na lang ako, heto na naman tayo sa pagiging Fernandez ko, "Sorry Ma'am." "Bueno, El Presidente, ituloy niyo na ang inyong diskusyon." "Ah sige, Asteria have a seat." Sabi ng president ng room at ayon nga umupo na ako sa may likuran. "And again, your late Ms. Asteria De Villa from the House of Familia Fernandez." Narinig kong pagbulong ng best friend kong si Kim. "Ano may hang-over ka pa ah." "Shut-up, mamaya mo na ako sermonan, umay na umay ako diyan ngayong umaga and please stop using that nickname, I am a De Villa, not a Fernandez." Nagpangalumbaba na lang ako. Nakakatamad na nga ang subject, naki-sabay pa ang napaka-malas na araw na ito, at balak pa talaga nito ni Kim na sabayan ang bad luck ko. "Okay, Ms. Asteria De Villa y Fernandez." Tumawa siya ng may halong pang-iinis, "I saw Ivonne's twit ah, anyare?" Napa-irap na lang ako. Pwedeng bang bigyan na lang niya ako ng kapayapaan? "Kim mamaya na, baka makagalitan na naman ako ni Mrs. Trajano." Napa-iling na lang siya, "Hay sige sige." Binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga kaklase kong sobrang excited sa pinaguusapan. Samantalang ako, ito naka-nganga wala na naman akong alam dahil late ako. "So ayon, dahil nga this would be our finals project for this subject, we have to look for a historical site na wala dito sa Metro Manila." Our president announced. What? Don't tell me we have educational trip na naman? Ano ba kami gradeschool students? Tsk. "Then, we have to make a short film about the history of that site. It's like we are going to have short drama about certain events that happened in that place." She added. Play pa nga. Ang daming alam talaga, minor lang itong subject na ito alam ko e. "So do you have any suggestion, if saan tayo pwede magshoot for this?" "Sila Asteria, baka meron." Sambit ng isa kong kaklase at agad na nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. "Ah, yes. She's from the House of Familia Fernandez of Cavite. Baka may ancestral house ang family niya." "Ha-huh?" Teka kami, meron nga ba kaming ganun? Parang wala namang naikwento ang Lola ko about dun. Napa-isip ako. Oo nga noh, my ancestors were from San Felipe, Cavite but then bakit walang nabanggit sila Mommy and Daddy, or even Lola Aurora kung meron kaming ancestral house dun. Well, dapat meron 'di ba? Ang weird. "So Asteria, meron ba?" Tanong ng presidente namin. "I am not sure about it." Maikli kong sagot. Agad kong napansin ang disappoinment ng mga kaklase ko. And me, being a disappointment again, not only to my parents, but to my whole class. "Me." All of our attention were caught by the student who raised his hands. "Ako merong suggestion." "Ah I am sorry, what's your name again and from what college are you from?" Hindi siya kilala ng presidente namin, di bale hindi ko nga rin siya kilala. He stood up and just gave us a smile. I saw his eyesmile, kahit na ba parang jinujudge na siya ng mga kaklase ko kasi, parang ngayon lang namin siya nakita o baka pakiramdam ko lang, still he was able to confidently stood up like that. "George, student from college of mechanical engineering. Just call me George." Naramdaman kong kinalabit ako ni Kim sa likod ko, "Girl, frenny yan ng ex-bebe Kenneth mo di ba? Remember mo?" Huh? Weh? Parang hindi siya familiar. Kasi naman, itong klase na kasi na ito, mixed to ng lahat ng courses. Originally, for Engineering students to, naligaw lang ako dito at yung iba kasi nagenrolled lang to advance the subject kasi maluwag naman ang schedule dahil transfer students like si Kim, and siguro dahil kinakatamaran kong pasukan ito, kaya hindi ko nakikilala lahat. "Okay so, Mr. George, what's your suggestion?" "Ahm, meron kasi ang family ko na ancestral house din sa San Felipe, Cavite, museum siya roon, kaya pwede natin siyang magamit, kasi sa family naman namin 'yon." Really? Taga-San Felipe rin siya? Kababayan ko ang isang 'to? Ay, joke lang. Hindi ko nga alam kung doon ba talaga lumaki ang Lola ko e. Kaya basically, hindi pa sure kung same talaga kami ng homeland. "Really? Walang bayad George?" "Wala, transpo and costumes and yung ibang details na lang pag-isipan niyo, ako na bahala sa parents ko for this matter." "Okay so, I guess we can go to your ancestral house on weekend, para 2 days tayo makapag-shoot." "Sige president." "Nice naman, president pala ng section namin 'yan." I heard the praising of the other Engineering students. So president din pala siya? Di bale mixed kasi ito, kaya iba ang set ng officers dito kasi nga iba-iba kami ng colleges and sections. Tinignan ko na lamang siya. Sa hindi inaasahang saglit biglang nagtama yung mga mata namin. Nakita kong bigla siyang bahagyang ngumiti sa akin. Teka, ako ba talaga yung nginingitian niya? Tumingin ako sa paligid ko para malaman ko kung sa akin ba talaga siya nakangiti. Kaso iba napansin ko, hindi ko alam kung ano yong naramdaman ko, pero parang tumigil ang oras sa paligid ko, literal na tumigil. Ang mga istudyante ay nakatigil, pero ako nakakagalaw, teka anong nangyayari? Tumingin ako pabalik sa kaniya at nakita kong naka-upo na siya habang kinakausap ang iba pa naming classmates. I blinked my eyes, wait umandar na ang oras? Hindi, teka, tumigil ang oras? Ha? Teka? Ano yun? Paano nangyari iyon? --- "I never thought na mayaman pala iyon si George noh? Weird pa na you are both from San Felipe, Cavite. May kakabayan ka pala dito ng hindi mo man lang alam." "Teka lang, hanapin ko lang ang pake ko." Sagot ko. "Attitude si ate girl." Daldal ni Kim. "Well, presidente pa ng class nila. Now I understand why girls tend to like him." Hindi ko sana siya papansinin kasi sa totoo lang wala akong paki alam sa sinasabi niya kasi mas nabobother ako sa nangyari kanina. Paano tumigil ang oras? "Now I know, why he is a close friend of Kenneth Suson. Yayamanin din pala." Dagdag pa niya. Ano ba, naging instant stalker na ba 'to? "Sure ka na hindi mo kamag-anak ang isang 'yon?" "Like what I have said, as if may pake ako. At tsaka I do not even know his surname. Baka magkababayan lang ang mga pamilya namin." Tumigil ako saglit, teka nga. "Ano stalker ka na Ms. Kim Francisco?" Pangaasar ko. Sobrang curious niya e. "No, I was just curious. Kasi I always see him with your ex-bebe, kaya I was just surprised na may pa-ancestral house ang Ginoo tapos kababayan mo pa siya Binibini." Gusto ko sana makipag-kwentuhan sa kaniya, but then I cannot stop thinking about the incident awhile ago, the time stopped. Imposibleng magkamali ako. Hindi pwedeng bumagal lang ang takbo ng oras nung nagkatinginan kami nung George na yun. Sobrang imposibleng imagination ko lang yun. "Alam mo, if only nakapag-usap kayo ni Kenneth, baka kayo pa rin hanggang ngayon--" "Kim, napansin mo bang tumigil ang oras kanina?" Pagputol ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng para akong nasisiraan ng ulo. "What? Pinagsasabi mo? Girl I know, I understand your hang-over but please normal pa rin ah. Ayokong magkaroon ng Sisa na best friend." Akala niya nagloloko lang ako? "Hindi kasi kanina nung, nagkatinginan kami nung George parang--" "Ano tumigil mundo? Don't tell me na love at first sight ka kay George kaya tumigil ang mundo mo?" Pang-aasar niyang tanong. Nagtatanong ako maayos, pinagsasabi nito? "Sira ka? What the hell Kim, umayos ka nga, nagtatanong ako, seryoso ako." "Halllloooo Earth to Ria." At kumaway pa siya sa harap ng mata ko. "Hang-over lang 'yan. You go home na after our 2nd period. You really have to rest. Wag ka na magbar later, pahinga ka na girl." Napa-isip na lang ako sa sinabi niya. Oo nga, baka dala lang ng hang-over. Baka yung alak di pa na-aalis sa utak ko kaya akala ko tumigil ang oras. Tama 'yun lang 'yun, wala ng iba. "Pero kasi si George--" "I did not know you are interested to my best friend." I heard someone's voice speaking beside me. "Parang kailan lang ako ang iniistalk mo, I was not informed, si George na pala." Mapapahampas na lang talaga ako sa noo sa pinagsasabi ng lalaking ito. "Really? Kenneth Suson? Sa iyo talaga nanggaling 'yan." I faced him, as I retorted those words against him. Hindi nga ako nagkamali, andito na naman 'tong lalaking ito sa tabi ko. "Well, I am just curious." "Don't worry Kenneth, bantay sarado ko best friend ko." Sagot ni Kim and then swallowed a bite of her tuna sandwich. Halatang nabore siya bigla nung dumating si Ken. "And I am pretty sure, walang iniistalk na other guys to, kahit ikaw pa." Mapapangiti na sana si Kenneth, kaso bigla siyang napasimangot. Bakit? Nagsabi lang naman ng totoo si Kim, hindi ko siya iniistalk. Tsk, after what he had done? Hindi ako ganoon katanga para habulin siya. "Stella." I was surprised when he called me by that name. That was the name he used to call me when we were still dating. Stella means star. Like my original name, Asteria, pero dahil ayaw niyang may katulad siya na pagtawag sa akin, he made Stella as my nickname and he requested me to call him as Ken. He was looking directly at my eyes, "Stella please just talk to me. Kahit saglit lang." Kim stood up and carried her tray, "Asteria, balik na ako sa room. Doon na lang ako kakain. Nawalan na ako gana." Hinila niya ang bag niya. "I am gonna wait for you inside our room. Wag kang marupok, please lang." By that umalis na siya, at naiwan na kami ni Kenneth. Ano ba kasing trip na naman ng lalaking ito? Wala na naman atang magawa sa buhay kaya hinahanap na naman ako. Nakakainis, ano ba akala niya sa akin? I am not stupid, para sabayan ang kahibangan niya. "What do you want?" Tinaasan ko na siya ng kilay. "Please Stella, just give me time to explain. Pag-explainin mo naman ako, just hear me out." I could feel the sincerity from his voices but then I am too deaf by the pain I have, to hear what he wants to say. Agad na bumigat ang loob ko ng marinig kong sinabi niya iyon. Bumalik lahat ng sakit nung narinig ko yung mga sinabi niya. "Ken, please hear me out. Hindi ko ginusto ang nangyari, pinilit lang ako ni Eli. Please pakinggan mo naman ako, Ken. Please give me time to explain. Hindi totoo ang balitang 'yon---" It was my words for him before we had our break up 6 months ago "Tama na Asteria. Nagawa mo na. We are done." It was his short response yet it literally shattered my heart into pieces. "Stella, please just hear me out--" I stood up and hindi ko na siya pinatapos pa. "Sana binigay mo rin ang pagkakataong hinihingi mo sa akin ngayon, 6 months ago, para sana nakapag-explain ako." I left him. Wala na akong paki alam kahit anong isipin ng iba pang. istudyante sa akin, specially I ditched the infamous Kenneth Jhon Suson. Hindi ko napansin kung saan ako dinala ng mga paa ko, gusto ko na lang maka-hinga. Exactly, 6 months ago, Ken and I broke-up because of a scandal video that spread inside our campus that was literally a misunderstanding of what was the real story behind that video. Ang masakit, mas pinakinggan ni Ken ang sinasabi ng iba kaysa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD