Wala na sila Thalia at Mommy. Tanging kami na lamang ni Coby ang naiwan sa pinangyarihan ng eksena naming dalawa. "Do I look okay Coby?" Pahikbi kong sagot pero nanatili lamang malamlam ang mukha nito. "Yung tatlong tao na kakampi ko sa lahat ng bagay.. iniwan na ako" hagulgol ko. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Coby at maging ang paghagod nya sa likuran ko. "Nandito lang ako Aubrey. Hinding hindi kita iiwanan" usal nya bago ako hinalikan sa ulo. Nangako si Coby sakin na hindi nya ako pababayaan at maswerte akong tinutupad nya iyon kahit na tiyak kong may barrier na sa pagitan naming dalawa. "I hope nakatulong ang pagbabakasyon natin sa Iloilo?" Natutuwa nyang ani na ikinangiti ko. "Nagiging magaan ang lahat kapag ikaw ang kasama ko Coby" ani ko bago yumakap sa kanya. Ramdam ko a

