Rinig ko ang bawat t***k nito. Maging ang init ng hininga nya ay ramdam ko dahil tumatama ito sa mismong ulo ko. "Nandito lang ako Aubrey. Hinding hindi kita iiwanan" saad nya kasabay ng paghagod sa balikat at likod ko. Lumipas ang linggo. Naroon pa rin sila sa ospital at abala sa pagbabantay kay Thalia na inabot pa ng ilang araw bago umuwi. Mag isa lamang ako sa mansyon at tanging ang mga katulong lamang ang kasama ko sa bahay. Dahil sa sobrang bored ay nagpasya akong mag ayos ng sarili. Dahil nga sa iniwanan na ako ni Thina, ako na lamang ang mag isang tutungo sa Coastal-- isang bar na malapit lamang sa tabing dagat. Hindi ko na tinawagan si Coby dahil tiyak ko namang hindi iyon sasama sakin aat mas lalong hindi ako non papahintulutang umalis upang uminom. Nasa legal age na rin ako

