bc

ENCHANTED ACADEMY: War Between Love and Justice

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
drama
scary
loser
superpower
war
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED/UNEDITEDSamantha Astrea, after her accidental entry into the academy many events happened. And as the days passed at that school everyone found out that she was indeed the lost princess who would save the entire Enchanted Kingdom. How will she deal with the new trend of her life as the crown princess of the entire Enchanted kingdom? Will she be able to handle the secrets and past that will be revealed? Will she be able to fight for what is right if her heart is a hindrance to it? Which will prevail? Is it love or justice?Let's find out!Language: Tagalog/EnglishGenre: Fantasy/ Romance

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Enchanted Academy: The Crown Princess (Season 1) Completed Enchanted Academy: War Between Love And Justice (Season 2) @yOur_mysteriOuslady ?????????? ~~~•♦•~~~ This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary. I do not allow my works to be used or adapted in anyways without my permission. I created this story using my creative mind and I assure you I didn't copy this from other stories. ~~~•♦•~~~ A/N: If you haven't read the first season, I advise you to read it first because this story is connected to the first one. I just change the title of the season 2 because I feel like the next scenes are not fit anymore of the title. If you saw or encounter any errors in my writing journey, please bare with it because all my works are still unedited. ALWAYS REMEMBER THAT, PLAGIARISM IS A CRIME!!! ???... ????????'? ??? "Left, right, s***h and then boom!" paulit-ulit kong wika habang iwinawasiwas ang espada na hawak ko. Pang ilang ulit ko na 'to ngunit hindi ko pa rin makuha ang tamang timing. Nakaka-inis na! "Ate!" napalingon ako nang tawagin ako ni Alex. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Kumain ka na raw sabi ni ma'am Aurora," ani niya. "Mamaya na. Hindi pa naman ako gutom." pagmamatigas ko sa kaniya. Mariin siyang umiling sa 'kin. "Pagagalitan po ako mahal na diwata." magalang na niyang wika. Pinandilatan ko siya mg mata nang dahil sa sinabi niya. "Ayan ka na naman Alex." suway ko sa kaniya. Isa't kalahating linggo na ang nakakaraan simula no'ng malaman ng lahat na ako ang prinsesa o ang diwata sa sinaunang panahon. At isa't kalahating linggo na rin akong nag-eensayo para sa nalalapit na labanan ng hari ng kadiliman at ng kaniyang anak. Isama na natin si Ziphora na anytime baka susulpot na naman uli para kunin ang kwentas sa 'kin. Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa 'min ang pagkawala ni Josh. Naalala ko pa na kakaiba ang ginamit na kapangyarihan sa kaniya dahil sa nakakasuka nitong itsura na hindi rin nakayanan ng aking sikmura noon. "Tara na ate," ani niya pa at naghintay pa sa 'kin sa pintuan ng training room. Mabilis kong ibinalik ang espada sa kinalalagyan nito. "Oo na!" inis kong turan sa kaniya na tinawanan lang niya nang bahagya. Magkasabay kaming lumabas at naglakad sa hallway ni Alex. Lahat ng nadadaanan namin na mga estudyante ay binibigyan kami ng daan ngunit hindi naman sila nagbo-bow sa 'kin kasi sinabi ko sa lahat na ayaw ko na makita sila na tinatrato nila akong maharlika kapag nasa loob kami ng Enchanted Academy. Ang gusto ko ay 'yung patas ang pakikisalamuha sa 'kin ng lahat katulad ng isang normal na estudyante. Ngunit pagbaliktarin man ang mundo ay hindi naman talaga kami normal. "Asan ba sila?" munting tanong ko kay Alex. "Nasa 6th floor ng building." namilog ang mata ko sa sinabi niya. Na naman? "Ayoko na do'n..." reklamo ko sa kaniya. "Hindi naman ako sanay sa mga ganoong pagkain." dugtong ko pa. "Aba! Hindi pwede ate. Pagagalitan ako niyan." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. "Sa'n ka mas takot? Sa 'kin o sa kanila?" usal ko sa kaniya. Kaagad naman siyang umiwas nang tingin. "Wag mo naman akong pahirapan ate. Sumusunod lang naman ako sa utos nila eh!" this time he said it seriously kaya medyo na konsensya ako sa ginawa ko sa kaniya. "Sa susunod sabihin mo na ako na bahala sa sarili ko. Hayaan naman nila akong kumain sa kung saan ko gusto," ani ko sa kaniya. "Edi simulan mo nang sanayin ang sarili mo. Kasi ganito na magiging buhay mo dito, Ate." mahinahon niya lang paliwanag sa 'kin. "Paano kung suwayin ko sila? Likas na matigas ang ulo ko Alex, alam mo ba 'yun?" natatawa kong wika sa kaniya. "Ah talaga?" napabaling ako sa kabila ng may magsalita. "Pagsabihan mo nga 'tong magandang diwata na 'to kuya! 'Di nakikinig eh!" sabi ni Alex sa kararating lang na si Sun tsaka puma-unang maglakad. "Bakit ka nandito?" malamig kong tanong kay Sun. "Malamang makikisabay na kumain sa inyo." sagot niya sa 'kin at may pagka jolly siya ngayon. Parang si Grey lang. Speaking of Grey, asan na ba siya? Dalawang araw na siyang hindi nagpapakita sa 'kin ah! "Busy siya. Kaya wag mo nang hanapin pa." biglang wika ni Sun kaya napabaling ako sa kaniya at kaagad siyang tinarayan. "Sino?" wika naman ni Alex na sumabay na uli sa paglalakad namin. "Wala naman akong hinahanap. Parang tanga 'to!" depensa ko sa kaniya. Narating na namin ang building. Pumasok kami doon at mabilis na sumakay sa elevator. Sa pagbukas ng elevator ay nakasalubong namin sina Thea sa tapat ng elevator sa 6th floor. Siguro katatapos lang nilang kumain. Kasama niya si Diana at Cheska na bahagyang yumuko ng makita ako ngunit si Thea ay masama lang na nakatingin sa 'kin. "Hi ate Fallonia!" simpleng bati ni Alex kay Thea. Walang emosyon lang siyang tumabi sa daanan namin at dumistansya ng bahagya para makadaan kami. "Salamat,"ani ko sa kaniya na deritso lang na nakatingin sa mata niya. Nakita ko pa siyang umirap nang tuluyan na akong makaalis sa harapan niya. I know she's mad at me kasi iniisip niya na inagawan ko na naman daw siya ng posisyon. Pero para sa 'kin siya pa rin naman ang magmamana ng trono ng kaniyang ama eh. At ako, ay prinsesa lamang sa buong kaharian nila at tagapagmana lang ako ng buong mga diwata. Ipinaliwanag na iyon ni ma'am Aurora sa 'kin. Pero sa tingin ko ang ikinagagalit niya ay ang patungkol kay Grey o ang katotohanang mas angat ang rango ko sa kaniya. Ewan! Siya lang nakaka-alam no'n. Hirap din basahin no'n eh! Masiyadong secured ang utak niya. "Dito, Sam!" kaway ni Yumi sa 'kin. Mabilis naman kaming lumapit doon. Nang makarating ay umupo kaagad kami. Kasama ni Yumi ngayon si Scarlet na tahimik lang habang balik ang mukha sa dati nito, si Sophia na tahimik lang din pero ngumiti siya sa 'kin nang sa pag-upo ko na. "Alis na ako. Tapos na kasi akong kumain." malamig iyong sinabi ni Scarlet tsaka mabilis na tumayo. "Red!" tawag sa kaniya ni Sun. "What!" inis niyang sagot kay Sun. I tried to practice myself calling him Sun kasi minsan natatawag ko siyang James eh. Automatic na lumalabas iyon sa bibig ko. Kaya ngayon kahit na sa isip ko lang ay sinasanay ko na ang sarili ko para hindi ko na siya matawag pa sa peke niyang pangalan noon. "You're being rude again!" malamig na wika ni Sun. Umirap naman si Scarlet, "Duh! I'm always rude, Sun! And you doesn't even know that kasi umalis ka!" galit niya iyong sinabi kay Sun at walang pasabing tumalikod at naglakad ng padabog. Akala ko sa 'kin siya galit. Mas galit pala siya kay Sun. Maybe for some reason na hindi namin alam. I don't know. "Hayaan mo na siya. Order na lang tayo." ang sabi naman ni Alex. "No! Kayo na muna kumain. Kakausapin ko lang siya." ma-awtoridad na wika ni Sun. Tumayo siya at sinundan niya si Scarlet. Just as I turn my eyes pabalik kina Yumi ay napatigil ako ng may mahagip ako na nakaagaw ng pansin ko. It's Yasmen, she's looking at me in a weird way habang may malapad na ngiti sa labi niya. Ever since that day happened, no'ng nahulog siya malaking black hole ay naging ganiyan na siya. Pinaliwanag na iyon ni Kristoff sa 'min. He said na may babae raw na nagligtas kay Yasmen but hindi niya nakita ang mukha dahil maski siya ay nanghihina rin dulot no'ng black hole at idagdag pa ang mga sugat sa katawan niya na natamo niya sa biglaang pagsabog ng mga building sa paligid na hindi niya naiilagan. At may sinabi pa siya na sa 'kin niya lang isiniwalat. May sinabi raw ang diwata sa kaniya, saying 'What would you choose between love and justice?' No'ng una nalito raw si Kristoff, pero sinagot lang din daw niya ito kasi mukhang naghihintay ng kasagutan sa kaniya. Then I asked him kung anong sagot niya. Nagdalawang isip pa siya no'n but he answered me politely. 'Justice, 'cause love can make you crazy that even justice can't compete with it because of its craziness.' that's his answered. In short, love for him is dangerous if it's too much. "Pwede ba akong maki-kain?" bungad na tanong ni Yasmen sa 'kin ng siya ay makalapit. Tumango ako, "Sure, kung okay lang din sa kanila," ani ko at nilingon si Yumi at Sophia. Tumango naman sila. "No it's not!" masungit na wika ng aking katabi. Kinuha ko na ang nakahain na pagkain sa 'min. Kanina pa 'to nakahain pero hinintay ko lang talaga si Yas na pumunta dito para sabay na kami. "Umayos ka Alex." saway ko sa kaniya. "Pupunta pa si Liam. Wala na siyang mauupuan." humigop ako ng soup pagkatapos ay tiningnan ko si Yasmen na nakatayo pa rin na may dalang tray ng kaniyang pagkain. "Upo ka na! Mamaya na natin isipin si Liam pag nandito na siya," ani ko sa kaniya at sumubo na naman ng isang kutsara sa soup. Napatingin ako sa soup kasi masarap siya at mukhang ngayon lang ako nakatikim ng ganito. "Masarap ba?" ani ni Yas nang makaupo siya. Tumango ako, "Bago ata 'to sa menu nila noh?" tanong ko sa kanila. "Hmm... it's an elegant soup. Masarap talaga 'yang ganiyan." ani naman ni Sophia habang nagpatuloy lang sa pagkain niya. "Ako rin ngayon lang nakatikim ng ganito." sabi naman ni Yumi na natatawa. Wala si Julia ngayon kasi may klase pa sila. Kaya hindi ko siya nakasama. Kumain lang ako ng kumain sa soup hanggang sa maubos ko na ito. "Ano nga uli tawag niyan, Pia?" tanong pa ni Yumi kay Pia habang si Yas at Alex naman ay tahimik lang na kumakain habang nakikinig din. "Shrimp soup with diligen--" nabulunan ako sa sinabi ni Phia at mabilis kong iniluwa ang nasa bibig ko na soup. "Anong sabi mo?" hindi ko makapaniwalang tanong habang sila ay gulat na nakatingin sa 'kin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook