"Kahit ano pang iwas mo sa taong kinasusuklaman mo may mga pangyayari talaga na hindi mo inaasahan. Kusa itong darating kahit hindi mo hinihingi dahil may mga bagay pa kayong dapat ayusin or tapusin para mabigyang kasagutan ang matagal mo nang katanungan. Dapat sa lahat ng relasyon ay may closure para naman makatulog kayo ng mahimbing. At mabigyang linaw ang iyong isipan para naman maging masaya kayo sa bago ninyo."
- KATE ANDREA POV-
"Sis, bangon na! May meeting ka pa today!" tawag sa akin ng sister ko sabay katok ng pinto.
" Ang aga pa kaya. Pwede ba Nicole? Inaantok pa ako." tinamad kasi ako, gusto ko pang matulog.
Ilang sandali, mabuti naman at huminto na sa kakatok ng pinto si Nicole. Ngunit nag-ring na naman ang cp ko.
" Sino kaya to? Ang aga-aga! Pero bakit number lang? Ang aga-aga may nagpa-prank call na naman sa akin. Kaya sinagot ko nalang para huminto sa kakatawag!" bulong ko!
" Hello! Kung wala kang magawang matino sa buhay mo! H'wag ka ngang mangdisturbo ng tao?!! Kainis ka! Ang aga-aga nangbubulabog ka ng tulog!" galit kong sabi sa tumawag.
" Good morning Kate! I'ts already 7:30 am. Ma-le-late na tayo.!" pamilyar sa akin ang boses ng tumatawag.
" Matt?" tanong ko sa kabilang linya.
" Oo, your one and only. Nandito na ako sa bahay mo. Kung di ka pa bababa diyan! Ako na ang magpapaligo sayo! Haha" pang-aasar niya sa akin.
" Shut up!!" sabay end call. Bakit ang aga niya? 6am pa kaya. Sa kanya kasi ako sasakay ngayon dahil mamaya pang hapon makukuha ang kotse ko. Nagkataon rin na siya ang guardian ni Stanley dahil nasa Australia ang parents nito.
Binilisan kong maligo at nag-ayos ng sarili. Dapat 30 mins, makababa na ako. 20 mins later, natapos rin ako. Kaya dali-dali akong lumabas. Nakita kong nasa sala si Matt, nanunuod ng TV pero busy sa kanyang phone.
" Matt, pasensya na. Nakalimutan ko kasi na may lakad ako ngayon. Hehe" paumanhin ko sa kanya.
" Ok lang!" nakangiti nitong sagot.
" Nasaan si Nicole?" tanong ko kay Matt.
" Pumasok sa kwarto niya, matutulog pa raw siya." sagot niya.
" Ok! Kumain ka na ba?" tanong ko kay Matt.
" Hindi pa! Kaya nga maaga akong pumunta dito. Para sabay na tayong kumain." nakangiting sagot niya.
" Ahuh! Kaya pala ang aga-aga mong nangbubulabog. Pero sorry, kasi di to pangmayaman ang agahan namin." diretsong sabi ko sa kanya.
" Ok lang kahit ano.! Basta di nakakalason." nakangiti niyang sagot. Himala at dito kumain ang monster. Alam kong maselan ito sa pagkain pero nahiwagaan na talaga ako sa pinaggagawa nito.
" Ganun ba? Mr. CEO?" sabay taas ng aking kilay.
" Yes, my dear!" sabay kindat sa akin. Sorry siya pero di na niya ako makukuha sa pakindat-kindat niya. Hmppf
Tahimik kaming kumakain ni Matt. Ngunit nabasag ang katahimikan namin dahil may tumawag sa akin.
" Sino yan?" kunot noo niyang tanong sa akin. Pagtingin ko sa cp ko. It's stephen.
" My boyfriend, stephen." walang gana kong sagot sa kanya. Sabay sagot ko sa aking phone.
" Hello dear, bakit ngayon ka lang tumatawag?" galit kong tanong sa kanya.
" Sorry dear, kasi may out of town meeting kasi kami. Kumusta ka na?" tanong nito sa akin.
" Ok lang naman ako. By the way, nasiraan ako ng kotse kahapon mabuti nalang at nadaanan ako ni Matt, at nandito rin siya ngayon sa bahay. May meeting kasi lahat ng parents nila Nicole today. Sakto rin at siya ang guardian ni Stanley kaya sasabay nalang ako sa kanya." mahaba kong paliwanag kay stephen.
" Ok dear. Ingat." sabi ni stephen.
" Thank you dear. I love u too." sagot ko pero ang Iloveu too di na narinig ni stephen.
" Sana all, sweet." galit niyang komento sa akin.
" Saan ang sweet don?" nagtataka kong tanong sa kanya.
" Basta! Pahiram ng toothbrush Kate." nabigla ako sa sinabi niya sa akin. As in? Toothbrush? Ew! Kadiri.
" Ano? Di pwede yon, Matt." mabilis kong sagot.
" Bakit? May rabies ka ba?" walang ekspresyon nitong tanong.
" Wala naman! Ay! Teka. May extra toothbrush kami. Toothbrush ito ng aming labandera, baka gusto mo? Once lang niya ito nagamit." suggest ko sa kanya na ikinagagalit niya.
" Ok ka lang Kate?" kunot noo nitong tanong.
" Ikaw naman! Di mabiro! Hahaha" kinuha ko ang extra toothbrush ko at binigay sa kanya.
" Mabuti nalang at nag-sale sa mall, Buy 1 take 1. Kaya sayo na yan!" sabay bigay sa extra toothbrush. Ito kasing taong to, di man lang nagdala ng toothbrush may plano pa naman siya na dito kumain.
" Gusto ko, yong ginamit mo! Hehe" tawa niyang sabi.
" Baliw!Hmppff" sabay irap sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa kotse niya. Pareho kaming tahimik. Hanggang sa dumating na kami sa school nila Nicole at Stanley.
" Hi, Matt! I miss you!" bati ng isang malanding babae sabay kiss sa pisngi nya.
" Hello! Bakit nandito ka?" cold niyang tanong sa babae.
" Sabi kasi ni Dad na pupunta ka raw ngayon kaya pumunta na rin ako!" malandi niyang sabi sabay hawak sa kamay ni Matt. Ito namang si Matt parang nagugustuhan rin niya ang ginagawa ng babae sa kanya. Kaya umalis na ako. Nauna na akong pumunta sa conference room.
" Kate, wait! Hintayin mo ako!" tawag niya sa akin pero di na ako lumingon pa!
"Kainis di man lang ako pinakilala sa kasama niyang malandi!" bulong ko sa aking sarili.
Habang patungo na ako sa conference room ng naturang university, huminto muna ako at tiningnan ang maganda nilang fountain.
" Hey! Kate! Bakit mo ako iniwan?" tanong ni Matt sa akin na nakahabol na pala sa akin.
" Bakit? Natatakot ka dito? Baka may humahabol sayo na mga fans mo?! Haha" pang-aasar ko sa kanya.
" Bakit? Pangit na ba ako ngayon sa paningin mo, Kate?" seryoso niyang tanong sa akin na ikinabigla ko.
" Simula nong araw, na sinaktan mo ako! Doon ko na-realize na ang pangit mo pala!" sabay alis.
" Pero Kate, yong babae kanina di ko siya gf, may gusto siya sa akin pero kapatid lang turing ko sa kanya. Stockholder ang daddy niya dito sa school at sa company natin. Siya si Lorraine Diaz my childhood friend." kwento ni Matt sa akin pero di na ako sumagot.
Nandito na ako sa conference room, wala akong kasama dahil si Matt, ewan ko kung saan yon pumunta. Hinanap ko siya pero di ko siya makita, nag-start na ang meeting at isa-isang pinakilala ang stockholders ng school at mga directors.
Laking gulat ko, kasama pala si Matt sa mga stockholders ng school na to. Di ko maiwasang mainggit sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat. Nakukuha at nabibili niya lahat ng gusto niya sa buhay. Pero ako? Kailangan ko pang magbanat ng buto para makamit ko ang lahat ng gusto ko.
Nang makaupo na si Matt sa upuan niya na nasa harap. Tumingin siya sa gawi ko. At kumuha ng cellphone. Kahit saan talaga itong si Matt, palaging hawak ang cp niya.
" Hi! Miss. Pwede bang umupo sa tabi mo?" tanong ng isang chinitong lalaki. Gwapo ito, matangkad at matangos ang ilong.
" Sure!" offer ko sa kanya. Ni-reserved ko kasi ang upuan na yon para sana kay Matt. Pero VIP pala ang gago kaya binigay ko nalang sa lalaki.
" Thank you! Carl Roxas nga pala." pakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya.
" Andrea Evans." sabay shake hands.
Nagkwentuhan kami ni Carl, may sister rin siyang nag-aaral dito. May business trip raw ang parents nila kaya siya nalang ang naatasang pumunta dito. Mabait si Carl, palabiro rin. Ngunit, tumunog ang cp ko at may nagtext. Nakita ko kasi ang name ni Matt "MonsterCEO" ang nakalagay sa contacts ko.
-CONVO-
Matt Message: Siya ba ang new bf mo? Kaya pala iniwan mo ako kanina!
ME: Di ako katulad mo! Playboy! Kahit sinong babae papatulan!
MATT: Noon yon, KATE! I've changed a lot nong umalis ka!
ME: Haha! Di na ako maniniwala sayo! Liar!
MATT: Kung ayaw mong maniwala sa akin! Sasabihin ko ngayon sa aking speech na girlfriend kita and soon to be my wife.
ME: Don't threat me! Kung gagawin mo yon! Ipapahiya lang kita dito!! (Galit kong reply sa kanya)
MATT: I'ts ok! At least, maraming nakakaalam na may relasyon tayo before.
ME: Shut up!!! H'wag mo nang dagdagan ang galit ko sayo!
Hindi na siya nagreply sa akin, instead ngumingiti ito sa akin. Baka totohanin ng gagong to!Kinabahan ako bigla. Kaya nagtext ako sa kanya.
ME: Please! Jeff, h'wag mo nang sabihin sa kanila.
MATT: Ok HON! sabay kindat sa akin.
Kahit kailan, mahilig talaga makipaglaro itong si Matt. Nang si Matt na ang nag-speech, grabe ang support ng kanyang childhood friend na si Lorraine. Papansin talaga nakakainis. Pero bakit naman ako magagalit? Wala naman akong karapatan.
"Focus Andrea!" bulong ng isip ko.
Si Carl ang kasama ko naglunch dahil di ako sumama kay Matt dahil nandoon ang malanding Lorraine. Masayang kasama si Carl kahit bago pa kaming nagkakilala pero napakagaan ng feelings ko sa kanya.
Nang matapos na ang meeting. Sasabay na sana ako kay Carl pauwi ngunit...
" Mr. Roxas, kukunin ko na pala girlfriend ko!" seryosong sabi ni Matt.
" Haha! Feeler! By the way, kilala mo si Carl, Matt?" nagtataka kong tanong sa kanya.
" Medyo! Let's go Kate.!" sabi niya sa akin sabay kuha ng kamay ko.
" Ahh ok! By the way, Carl thank you sa time. See you around." masayang sabi ko sa kanya.
" Ok Dree.. Ingats.!" saad nito sabay alis.
" Ikaw talaga Matt! Di ka pa rin nagbabago! Feeler ka pa rin!" sumbat ko sa kanya.
" Sensiya na! Let's go!" utos nito.
Nandito na kami ngayon sa kotse niya.
" Kate, saan mo gusto ngayon kumain?" tanong nito. Himala nag-offer ng dinner.
" Busog ako Matt, gusto ko ng umuwi. Pero wait, saan na ang kotse ko?" tanong ko sa kanya.
" Nasa bahay mo na! Pinahatid ko sa mekaniko ko." walang emosyon nitong sabi.
" Ok! Thank you Matt." sambit ko.
Ngunit nag-ring ang cp niya at nakita ko na si Lorraine ang tumatawag.
" Sagutin mo na baka importante!" utos ko pero alam ko hindi importante ang tawag ni Lorraine sa kanya. Sadyang malandi lang talaga ang babaeng yon.
" Sagutin mo muna ako, papayag ka ba na mag-dinner tayo o hindi?" tanong nito na tumititig sa akin. Kung di ako papayag, baka si Lorraine ang imbitahan niya. Paano na ang aking plano?
" Payag na ako!" sabay irap sa kanya.
" Haha! Tsk!" tawa nito. Pero di pa rin tumitigil sa kakatawag si Lorraine.
" Sagutin mo na nga yang gf mo! Ang ingay." galit kong sabi sa kanya.
" Ayaw ko! Mangungulit na naman to! Kagigil!" sabay turn off sa cp niya.
" Bakit mo tinurn-off cp mo?" nagtataka kong tanong sa kanya. I'm sure magwawala na naman si Lorraine nito.
" Maingay kasi!" saad nito.
Nandito na kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Di ko alam kung sino ang nagmamay-ari nito.
" Góod evening maam/sir." bati ng guard sa amin.
" Good evening too." kaswal kong sagot pero di sumasagot si Matt. Deadma lang sa kanya ang bumabati. Akala mo kung sinong gwapo.
" Matt, bakit walang customer dito?" nagtataka kong tanong. Minsan kasi kung dumadaan ako dito. Maraming tao ang kumakain.
" Baka, wala silang pera para pumasok dito ngayon." sagot niya.
" Matt, CR muna ako ha?" paalam ko sa kanya.
Nandito na ngayon ako sa CR ngunit may narinig akong mga empleyado na nag-uusap sa labas.
Girl 1: Ang swerte naman ng girl no? Pina-close ni sir ang restaurant dahil may ka date siya.
Girl 2: Oo nga, nakita mo na ba ang gf ni sir Matt?
Girl 1: Hindi pa, tingnan natin ngayon kong maganda ba.
Girl 2: Balita ko, dumating na naman si Lorraine yong inlove na inlove kay Sir Matt pero di pinapansin ni Sir.
Girl 1: Balita ko rin, after graduation ni Sir sa college wala na siyang GF. Di ba playboy si Sir Matt dati?
Girl 2: Oo nga, maraming babae ang umiiyak sa kanya.
Girl 1: Pero may isa rawng babae na nakarelasyon ni Sir, na nagpabago sa kanya pero wala na raw yong babae.
Girl 2: Saan na?
Girl 1: Ewan ko. Tayo na. Tingnan natin kung maganda ba gf ni Sir.
Matapos kong makarinig sa usapan nila. Napaisip ako, kay Matt pala tong restaurant? Ganun ba siya kayaman? Swerte naman niya! Pero swerte ko rin naman kahit di kami magkasintahan ni Matt, pina-close pa rin niya ang kanyang restaurant para sa aming dinner dalawa. Pero bakit parang na-fe-feel ko na ako yong babae na nagpabago kay Matt? Pero erase-erase! Tuloy pa rin ang plano.
Paglabas ko ng CR. Nakita ko si Matt na tinitingnan ako, bakit ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya ngayon.
" Sorry, natagalan ako!" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
" It's ok Kate.! By the way, thank you for being my date tonight." sabi nito na seryoso ang mukha.
" Welcome. Thank you rin kasi naka-SAVE na ako ng pera para pang-DINNER. Haha" biro ko sa kanya kasi ang seryoso niya talaga.
" Ang kuripot mo talaga! Kate." komento niya.
" Alam mo na, may anak akong binubuhay!" seryoso kong sabi sa kanya.
" Really? May anak ka na?" nagugulat niyang tanong.
" Haha! Si Nicole ibig kong sabihin. Ikaw talaga Matt." tawa kong sabi sa kanya.
" Ok! Kate?" tawag niya sa akin habang nakatitig sa akin.
"Mahal mo pa ba ako?" seryoso nitong tanong sa akin.
" Matt naman eh! Ano ba yan? Di ba hiniwalayan mo na ako dati?" tanong ko sa kanya.
" Oo pero ang totoo. Mahal na Mahal kita Kate ginawa ko lang yon, kasi natatakot ako na baka mawala sa akin ang aking mga magulang. Kaya I'm very sorry, Kate." emotional niyang sabi sa akin.
" Bakit naman sila mawawala?" curious kong tanong.
" May mga bagay na di ko kayang i-explain. Malalaman mo rin sa tamang panahon. Sana mapatawad mo na ako." paumanhin nito.
" Pag-isipan ko muna Matt ha? Naguguluhan na talaga ako." paliwanag ko pero ang totoo ito na ang daan para masimulan ko na ang aking plano.
Magtatagumpay kaya ako sa aking mga plano?