Chapter 4: His Mansion

1837 Words
" Di mo mapigilang mainggit sa mga bagay na meron sa iba na wala sayo, gusto mong magkaroon ng malaking bahay, mamahaling kotse at mga ari-arian na mayaman lang ang makabibili. In short, gusto mo ring yumaman gaya nila pero paano mo ito, makakamit? Gagaya ka ba sa iba na mag-asawa ng mga mayayaman para di na mahirap sa kanila tuparin ang kanilang pangarap? Pero kahit anong yaman mo pa, kung hindi ka masaya sa iyong partner useless lang." -KATE ANDREA POV- Matapos ang meeting namin. Di na ako pinaalis ni Matt dahil sabay raw kaming mag-lunch, bayad ko raw sa kanya dahil tinulungan niya ako sa aking kotse. Kaya hinayaan ko nalang siya. " Kate, let's go!" anyaya niya sa akin. " Kunin ko pa yong wallet ko." paalam ko sa kanya. " Wag mo na yong kunin, wala naman yong laman. Haha" pang-aasar niya sa akin. " Shut up! Matt! Feeler ka talaga! Hmpff!" sabay alis. Tinagalan ko ang pagkuha ng aking wallet para maghintay na naman si Matt sa akin.Haha " Kate, di muna kailangan magpaganda! Ok lang sa akin kahit wala kang make up!" sabay kindat sa akin. " Matt?, bakit ka pumasok?" gulat kong tanong sa kanya. Nahihiya tuloy ako sa aking pinag-gagawa. " Kasi, alam ko pahihintayin mo na naman ako ng matagal kaya sinundan na kita." sagot niya sabay titig sa akin. Namumula tuloy ang mukha ko. " Tayo na nga!" sabay tayo ngunit na out balance ako sa aking kinatatayuan at mabuti nalang mabilis niya akong nacatch. Ok sana if i will fall inlove again, he will catch me too. Pero as usual, paasa talaga si Matt. " Oh My God! Thank you Matt." ngunit di pa rin bumibitiw si Matt, sa pagkahawak sa aking baywang at tumitig sa akin. Magkalapit lang kasi ang aming mukha at ang aking kamay nakahawak sa leeg niya. " Sa susunod, mag-ingat ka." sambit niya sabay hug sa akin at bumulong. " Kate, I miss you very much. Muntik na kitang mahalikan. Nakakagigil ka kasi!" bulong niya sa akin. Pero bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko. " Matt? Nasa office tayo. Hwag kang lumandi dyan!" taray kong sabi sa kanya. " I don't care! Kate, nahalikan ka na ba ni Stephen?" walang ekspresyon niyang tanong. " Secret! Haha.. Let's go, Jeff!" tawag ko sa kanya dahil wala pa rin itong balak umalis. Sa totoo lang, nong kami pa ni Matt, never pa siyang nakahalik sa akin. Kaya tinanong niya ako! Haha "Kung alam niya lang!" Tahimik kami sa loob ng kotse niya, walang may balak magsalita. Hanggang sa nagpark ito sa malaking bahay. " Bakit tayo nandito, Matt?" tanong ko sa kanya. " Gusto lang kitang dalhin dito sa Mansion ko." matamlay niyang sagot. " Ganun ba? Wow, Ganda naman ng bahay mo." namangha kong sabi sa kanya. " Maganda nga pero tahimik naman, ako lang kasi mag-isa dito, kaya minsan sa aking condo nalang ako matutulog. At ang aking Yaya lang mag-isa dito. Halika na Kate pasok ka." anyaya niya sa akin. " Saan pala ang daddy at mommy mo?" tanong ko sa kanya. Bakit parang naaawa ako sa kanya? " Nasa Amerika pinagamot si Daddy, meron naman silang sariling bahay. Gusto mo ipakilala kita sa kanila?" tanong niya sa akin na ngumingiti na. " Baliw ka talaga Matt! Ano ang sasabihin mo? Mom, Dad, Meet my ex-girlfriend. Haha Kaloka!" natatawa kong sabi sa kanya. " Nope, I will tell them that you're my future wife.!" seryoso niyang sagot. " Haha! Gutom lang yan! Matt." sagot ko sa kanya. At may sumalubong sa amin, siguro ito ang Yaya ni Matt. " Good noon Maam and Sir." bati nang matanda sa amin. " Good noon too." tipid kong sagot. " Iho, siya na ba ang girlfriend mo?" masayang tanong ng matanda sa kanya. " Oo, pakihanda na ng LUNCH namin Yaya Loling." utos sa kanya ni Matt. " Hwag kang maniwala sa Sir mo Yaya, di po kami lovers. Ex-lovers pwede pa. Haha" tawa kong sabi kay Yaya. " Ahy, sayang naman. Sabi kasi ni Sir, ang babaeng dalhin niya dito sa bahay niya ay yon na ang papakasalan niya. Sige maam, punta lang ako sa kusina." paalam nito sa akin. Paglingon ko, wala na pala si Matt. Saan kaya ang gagong yon, iniwan ako. Naiihi ako, saan kaya ang CR dito? Sa itaas merong mga rooms doon. Try ko ngang i-open. Pero naka-lock lahat pero may isang room na parang bukas kaya pumasok ako. Baka may CR dito. Pagpasok ko sa naturang kwarto may umagaw sa akin ng pansin, isang album na nasa ibabaw ng mini-table. Parang familiar sa akin ang album nato, pag-open ko. Ito yong album namin before na binigay ko sa kanya at pinasunog. Bakit di niya ito sinunog? Dahil na- iihi na ako, tumayo ako at dumiretso sa Cr . Sasabog na talaga ang urinary bladder ko! Haha. Pagbukas ko... " Oh my God!" sabay takip sa mata ko. Kinabahan ako ng tudo-tudo dahil naliligo pala si Matt, mabuti nalang at tapos na ito at naka-towel na pero nakikita ko pa rin ang ABS niya. My God! " Kate, anong ginagawa mo dito?" nagulat niyang tanong. " Matt, na-iihi na ako, please. Umalis ka na diyan." pagmamakaawa ko sa kanya ngunit tinawanan lang ako nito. " Haha, ang cute mo pala pag-mag-mamakaawa Kate. Pero kiss mo muna ako!" utos niya na kinagugulat ko. " Kiss your face!" sabay hila sa kanya palabas para makapasok na ako sa loob dahil anytime soon lalabas na talaga ang ihi ko. " Sige na nga! Kawawa naman ang Honey ko!" sabay alis. At sa wakas! Lumabas na rin ang tinatago kung ihi. Feeling better na ako. Pero paglabas ko, wala na yong album kanina, at si Matt, nakabihis na sa kanyang office attire. " Matt, sorry ha? Ito lang kasi ang open na kwarto kaya pumasok ako. Sorry talaga." paumanhin ko sa kanya. " It's ok! Pasensya ka na sa kwarto ko ha? Marumi, ako lang kasi ang naglilinis dito. Ayaw kong may pumasok sa kwarto ko." paliwanag ni Matt. Pero malinis naman kwarto niya pahumble lang talaga ang taong ito. " Bakit Matt? May mga diamonds ka ba dito? Sabihin mo para nakawin ko! Haha" biro kong sabi sa kanya. " Di ka parin nagbabago Kate, Tayo na! Nagugutom na ako." anyaya niya sa akin. " Mag-asawa ka na kasi, para may kasama ka na dito sa bahay mo!" suggest ko sa kanya. " May hinihintay lang ako." tipid niyang sagot. " Okay!" di na ako nagtatanong pa baka humaba na naman ang usapan at magtatanong na naman siya tungkol sa amin ni Stephen. Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa office. Gaya ng dati, sa may tapat ng building niya ako binaba at siya dumiretso sa parking area. Bago siya, pumasok sa elevator. Hinihintay pa niya ako para sumabay ako sa kanya. Minsan kiligin ako sa pinag-gagawa niya pero naisip ko, baka paibigin na naman niya ako at iiwan sa ere. Kaya unahan ko na siya. Hindi mahirap mahalin si Matt, dahil napaka-caring nito. Masungit lang itong tingnan pero mabait ito. Tama nga si Stephen baka may dahilan si Matt kung bakit niya ako hiniwalayan dati. Pero bahala na siya, sa dahilan niya basta, Buo na ang desisyon ko. Sa nakikita ko kay Matt ngayon parang di siya masaya. Naaawa na rin ako sa kanya. Pero tuloy pa rin ang plano ko na paibigin siyang muli at iiwan gaya ng ginawa niya sa akin dati. Nag-alala ako sa aking kotse, kung ok na ba. Pero di ako ina-update ni Matt. Gusto ko siyang tawagan pero wala akong number. It's 5:15pm, gusto ko ng umuwi. While scanning my contacts.. " Di ka pa ba uuwi?" tanong ng isang lalaki at di na ako nagulat dahil alam ko si Matt na naman ang di marunong kumatok sa office ko. " Wala kasi akong kotse. Gusto sana kitang tanungin kong ayos na ba yong car ko, pero wala naman akong number sayo." nahihiya kong sabi sa kanya. " Bukas pa raw yon, maaayos. Kaya sa akin kana sumabay. Hatid na kita." anyaya niya sa akin. Hinatid na nga ako ni Matt sa bahay namin. Maliit lang ang bahay namin compare sa bahay nila Matt. Pero comfortable naman kaming kumilos. " Matt, thank you sa paghatid ha?!" pasalamat ko sa kanya. " Di mo ba ako papasukin? Boring kasi doon sa Mansion kong uuwi ako ng maaga." kwento niya sa akin. Kaya pinapasok ko nalang siya sa loob. " Pasensiya kana sa bahay namin, Matt ha? Di kasi kami kasing yaman niyo." nahihiya kong sabi sa kanya. " Ok lang naman ako, Salamat sa pagpapasok. Sino kasama mo dito?" tanong niya sa akin. " My sister, upo ka muna Matt. Tatawagan ko lang yong kapatid ko. Bakit ang tagal, naunahan ko pa.!" sabi ko kay Matt habang nag-dial sa number ng sister ko. " Ok. Thank you." pormal niyang sagot. Bakit ang bait ngayon ni Matt? Nakapagtataka. " Nicole, saan ka na? Bakit ang tagal mo? Malapit na mag-6pm." tanong ko sa aking sister sa kabilang linya. " Pauwi na ako sis, may practice kasi kami." sagot nito. " Ok! Take care." sabay end call. " Napaka-overprotective mo namang Ate, Kate. " komento ni Matt sa akin. " Yeah! Ayaw kong magaya siya sa akin. Maagang na-brokenhearted." parinig ko kay Matt. " Sorry Kate pero ang totoo.." naputol ang sasabihin niya ng may sumigaw sa likod namin. " Sis, boyfriend mo?" tili nito sa akin na ikinabigla namin ni Matt. " Hindi, Boss ko Bakit?" taray kong sagot. " Ahy! Sayang naman. Bagay kayo! Hehe By the way, sis may ipakilala ako sayo manliligaw ko, nasa labas pa." nakangiting sabi ng sister ko. Sinabihan ko kasi sister ko, na pag-may manliligaw sa kanya. Dapat dumaan muna sa akin. " Good evening po!" bati ng isang gwapong lalaki na kakapasok lang. Kaya lumilingon kaming tatlo. " Stanley?" gulat na tanong ni Matt sa kanya. " Magkakilala kayo?" tanong ko kay Matt. " He's my cousin!" pag-amin ni Matt. " Ow? Have a seat Stanley." utos ko kay Stanley sabay tingin kay Matt. " Bakit ang sama mo makatingin sa akin, Kate?" nagtatakang tanong ni Matt sa akin. Alam niya siguro ang ibig kung ipahiwatig. " Wala lang!" saad ko kay Matt. "By the way, Stanley bawal pa magkaboyfriend si Nicole. Ligawan mo nalang siya pagkatapos ng graduation niyo! No BUTS! That's an order.!" seryoso kong sabi kay stanley. " Haha! Sabi ko sayo Stanley! Di kapasa kay ate ang papogi points mo!" natatawang sabi ng kapatid ko. " Ok! Ate Andrea. Hihintayin ko si Nicole kahit gaano pa yon katagal basta makuha ko lang ang matamis niyang, OO." seryosong sabi ni Stanley. " Yay! Ang corny! Haha" tawang sabi ni Nicole. Napagpasyahan namin, na kumain sa labas. Double date lang ang peg. Di ko akalain na cousin pala ni Stanley ang taong minahal at kinamumuhian ko.!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD