Chapter 3: The New Matthew

1743 Words
" Pilit mo mang layuan ang taong kinamumuhian mo kung tadhana na ang may gustong paglapitin kayo, wala ka nang magagawa dahil di mo hawak ang buhay mo. Pwede kang pumili kung anong buhay ang gusto mo sa hinaharap pero di mo pwedeng kontrahin ang taong nakalaan para sa'yo." -KATE ANDREA POV- Maaga akong gumising ngayon dahil may duty ako, syempre saan pa sa company ng EX-bf kong feeler. At ang sister ko naman ay nag-aaral pa sa college. Habang kumakain ako ng agahan dumating ang sister ko na naka-uniform na. " Sis, may meeting po bukas sa school namin lahat ng guardian kailangan nandoon. Kaya kailangan pumunta ka bukas ha? May importante rawng agenda para sa graduation namin." paalala ng sister ko sa akin since wala dito si momshie ako na muna ang pupunta sa school. " Ok sis, no probs." tipid kong sagot. Nag-alala kasi ako kagabi baka mahulog na naman ako kay Matthew. Di ko siya maintindihan bakit niya ako niyakap at bumulong pa ang monster. May sarili na akong kotse at marunong na rin akong mag-drive. Malaki na kasi ang sahod ko kaya nakabili na rin ako ng mumurahing kotse. Hehe Di na ako mahirapan mag-commute. Dahil maaga akong gumising, maaga rin dapat akong makarating sa office ngunit nasiraan ako ng kotse. Ang malas ko naman ngayon. Kaya naisipan kong tawagan si Stephen. Ngunit di ito sumasagot, nakailang tawag na ako. Baka busy lang si steph. Tiningnan ko ang aking contacts kung sino ang pwede kong hingan ng tulong ngunit nakuha ang attention ko sa malakas na busina ng sasakyan. " Sino ang hinintay mo diyan? Di ba may duty ka pa?" malamig na boses ng lalaki ang narinig ko. Paglingon ko, si Matt ang nakikita ko na nakasandal sa kotse niya. "Sinusundan niya ba ako?" bulong ko sa aking sarili. " Nasiraan kasi ako eh! Tinatawagan ko pa si stephen. Para sunduin ako." paliwanag ko sa kanya. " 8:05 am na Kate, ano pa ang hinintay mo diyan? Sabay ka na sa akin." alok ni Matt sa akin. " Paano ang kotse ko dito?" nag-alala kong tanong sa kanya. " Iwan mo na yan, Your car is obsolete, buy a new one! Or pabili ka nalang ng bago sa boyfriend mo!" pang-aasar ni Matt sa akin. " Kahit obsolete na yan Matt, mahal ko yan. Dahil pinaghirapan ko ang pera na binili ko diyan!" nasasaktan at nahihiya kong sabi sa kanya. Totoo naman na napag-iwanan na ang kotse ko sa mga bagong lumalabas na car ngayon pero di ko ito ipagpalit sa bago. " Mahilig ka talaga sa mga luma no? I'm sure mahal mo pa rin ako dahil I'm your first love, di ba?" hirit ni Matt sa akin. " Ano? Iba ang kotse at iba rin ang tao. Mabuti pa 'tong kotse ko, di ako iniiwan at sinasaktan. Pero ikaw? Madali lang sayo ang iwan ako at ipahiya! Kaya, until now! I hate you pa rin!" galit kong sabi sa kanya. Naalala ko na naman, ang mapait na kahapon na kung saan siya pa ang may ganang hiwalayan ako? Sa ganda kong ito!? " Owz, sorry kate. Pero kalimutan na natin yon, may stephen ka na at may Mia na ako kaya FRIENDS?" sabay lahad sa kanyang kamay. Nagdadalawang isip ako na tanggapin ang kanyang kamay pero naisip ko rin, bakit di ko tanggapin? Baka isipin niya na may feelings pa rin ako sa kanya. Kaya tinanggap ko nalang. " Wait lang, tawagan ko muna si stephen para magpadala dito ng mekaniko para matingnan ang kotse ko." sabi ko kay Matt na tumitingin sa akin. " No, tinawagan ko na ang mekaniko ko. Tayo na baka ma-late pa tayo." sabay hawak sa kamay ko para papasukin na ako sa kotse niya. Pero bakit di pa rin nawawala ang mga kuryenteng dumadaloy sa mga veins ko tuwing hinahawakan niya ako. Kainis talaga! " Ok! Pwede ba Matt, h'wag mo na akong hawakan. Kaya ko ng sumakay sa kotse mo." sabi ko sa kanya sabay irap. " Haha! Bakit Kate..? Do you feel what I feel?" pang-aasar niyang sabi sa akin sabay ngiti. Kainis talaga tong si Matt. Akala niya siya lang ang marunong magpa-fall? Tingnan natin. " Kahit kailan! Feeler ka talaga!" sabay ismid. Di ko kasi ma-deny na attracted pa rin ako sa kanya pero kailangan kong labanan ang tukso dahil di ko pa, nasimulan ang aking plano. " I miss you Kate." seryoso niyang sabi sa akin. Natulala ako, di ko alam kung ano ang i-reply ko sa kanya. " Miss your face! Matthew. Hwag mo nga akong ma-miss-miss diyan! Sampal gusto mo?!" taray kong sagot sa kanya. " Ikaw pa tong namiss! Ikaw pa ang galit! Tskkk!!" saad niya. " Sinungaling ka kasi! Mahirap magtiwala sa mga taong minsan ka ng sinaktan at pinaasa." emote kung sagot sa kanya. " Ok. Sorry." tipid at walang emosyon niyang sagot. " Ahm... Matt, pwede bang i-drop mo nalang ako sa tapat ng building? Baka kasi makita nila tayo at alam mo na? Maraming tsismosa. Hmpff" sabi ko sa kanya pero wala siyang balak na ibaba ako. " Bakit ka naman matakot pag-tsismisan? Kung di naman totoo?" pang-aasar niya. " Nagtratrabaho ako dito sa company niyo na matiwasay, ayaw kong sa isang IGLAP lang. Masisira ang pangalan ko." paliwanag ko sa kanya. " Bakit naman masisira? Di ako convince sa paliwanag mo, Kate." simpleng sagot niya. " Ganito kasi yon, Matt. Kung magkasama tayong bababa sa kotse mo, baka isipin nila na may relasyon tayo at sabihin nila na pa-sipsip ako.!" galit kong sabi sa kanya. Ubos na ang pasensiya ko besh! " Haha, Gusto ko yan. Para wala ng magkagusto sayo dito sa company ko." nakangiti niyang sagot. " Matt, ang tigas talaga ng ulo mo no?! Ibaba mo na ako!" sigaw ko sa kanya. " Bakit kate? May kasintahan ka ba dito? Ayaw mong makita nila na kasama kita?! Bakit? Nahihiya ka ba na kasama ako?" galit na rin niyang sabi. " Tapos na akong nag-explain sayo! Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?!!" sabi ko sa kanya sabay irap. Ayaw kong makita ang mukha niya. Galit ako dahil feeling niya bf ko siya. Kainis! " Ok fine! Lumabas ka na!!!" bulyaw niya sa akin. " Ok! Thank you Jeff." sabay tingin sa kanya at tuluyan ng lumabas. " Kate, wait." tawag niya sa akin. Nasapian na naman ng mabuting espiritu dahil biglang naging mabait. " Bakit?" tanong ko sa kanya. Nagtaka ako bakit ngumingiti na naman ang monster. " Sabay tayo mag-lunch mamaya. That's an order." sabay sakay sa kotse niya at umalis na ito patungong parking area. Di ko lubos maisip kung bakit, iba na ang Matthew Jefferson ang nakilala ko ngayon. Pasakay na ako ng elevator ngunit may humahabol sa akin. " Miss, kasya pa ba tayo?" tanong ng isang gwapong lalaki. New hired engineer siya. Matangkad ito, chinito at gwapo. " Oo naman, bago ka ba dito?" tanong ko sa kanya. " Opo maam. Hehe pasensiya na po. Ivan Ching nga pala bagong head sa engineering department." pakilala niya sa akin. " Nice to meet you, Andrea Evans , Finance Manager." tipid kong sagot sa kanya. " Wow, sorry talaga maam, ha? Na-MISS tuloy kita.. hehhee Ang bata mo pa kasi para maging manager." nahihiya niyang sabi. " Ok lang yon!" sagot ko sa kanya saktong bumukas ang pinto ng elevator. Pagpasok ko sa aking office, tumawag ang secretary ng bagong CEO na papuntahin daw ako sa office ng aking Ex, na walang iba kundi si Matthew the monster. " Hello, good morning ma'am Andrea. Pinapatawag ka ni Sir Matthew." sabi ng secretary niya. " Ok sabihin mo. Papunta na ako. Bye!" putol ko sa tawag. Maghintay siya ng isang oras. Bago pa nga akong dumating, papuntahin niya agad ako sa office niya! Kainis. Matapos kung ayusin ang mga gamit ko, papunta na sana ako sa office ni Matt ngunit.. " Ganyan ka ba Ms. Evans pinapahintay mo ng kalahating oras ang Boss mo?" walang ekspresyong sabi ni Matt. " Sorry, sir. Ano kasi. " di ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya. " I don't need your explanation, just follow me!" sabi nito sabay alis. Naiwan akong tulala. Nakalimutan kong nasa office pala ako. Lagot ako ni Matt. CEO pala ang kausap ko. " Jocey, bakit di niyo ako tinawag na nandito si Matt?" tanong ko sa aking assistant. " Nag-sign kasi siya maam, na siya nalang ang tatawag sayo. Nakangiti pa nga siya maam, nong nakita ka niyang nagsuklay ng buhok mo tapos naglagay ng lip gloss. Hehe" nakangiting sabi ni Jocey sa akin. Habit ko na kasi na dito na mag-ayos sa office. Di rin ako nag-me-make up. Just a simple, baby powder, lipstick and lip gloss. Yon lang. Pero kanina naka-lipstick na ako pero wala pang lip gloss kaya dito na ako naglagay. " Kanina pa ba siya Jo?" nahihiya kong tanong. " Yes Dre, 20 mins ka niyang hinihintay. Haha" tawa niyang sagot. " OMG! Dapat nag-missed call ka para mapansin ko siya." nag-alala kong sagot sa kanya. " Kaya, punta ka na don sa office ni Sir. At dalhin mo yong reports kahapon dahil may meeting kayo ngayong 9 am." sabi ni Jocey sa akin na ikinabigla ko. " Bakit ang malas ko ngayon? My God! Nakalimutan ko." at mabilis pa ni Flash ang lakad ko papunta sa office ni Matt. Saktong 8:45 pa. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok. " Good morning Sir!" bati ko sa kanya na ngumingiti pero ang totoo kinakabahan ako. "Take your seat." cold niyang sabi. " Thank you." nahihiya kong sagot sa kanya. " Kate, sino yong kasama mo sa elevator kanina?" tanong niya habang tinitigan ako. " Oh My God! Matt, yon lang pala ang tanong mo? Alam mo ba? Kinakabahan na ako ng todo dahil may meeting pala ngayon. Nakalimutan ko! Tapos! OMG!" mahaba kong litanya. " Answer me.." tipid niyang sabi. " Kakilala ko lang, new hired yon. Bakit?" inosenteng tanong ko sa kanya. " Wala lang! Masama bang magtanong?" sabay tawa. May sakit ba si Matt? " Bakit ka tumatawa diyan?" curious kong tanong sa kanya. " May naalala lang ako. Sige mauna ka na sa board room." utos niya sa akin. " Ok! " sabay ismid sa kanya. Alam ko ako ang kanyang tinatawanan dahil sa ginawa ko kanina! Kainis!! Grrrr... May araw ka rin sa akin, Matt!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD