HUMINGA nang malalim si Jeg bago pinihit ang seradura ng pinto ng banyo para lumabas. Kanina pa siya roon at gusto pa niyang magtagal hangga’t hindi nakakalma ang kinakabahan niyang dibdib pero alam niya na isang minuto pa ang itagal niya roon ay kakatukin na siya ni Keith. Kinakabahan siya dahil iyon ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Maayos naman nilang naitawid ang unang dinner nila kanina pero iba ang sitwasyon ngayon sa apat na sulok ng silid ni Keith dahil tila sumikip iyon para sa kanilang dalawa. She knew what was wrong. Mahal kasi niya ito at sa tuwina ay hindi niya magawang maidistansiya ang puso niya sa setup nila kahit na marriage of convenience lamang iyon. Umawang ang mga labi niya nang makita niya si Keith na nakahiga sa kanang bahagi ng kama. He was reading a book pero

