HUNGKAG ang pakiramdam ni Jeg nang hindi niya magisnan si Keith. Ang tahimik na silid ay tila nais bumingi sa kanya. Bakit hindi man lang siya hinintay magising nito? Dahil ba sa nangyari kagabi sa pagitan nila? Matamlay na bumaba siya ng kama, tinungo ang banyo, at naligo habang pinipilit iwaksi sa utak niya ang mga negatibong isipin. Last night, she bared her all, including her emotions. Puso ang pinagana niya at hindi ang kanyang isip. It was one memorable night and for her, it was lovemaking. Umaasa siya na sana ay ganoon din ang tingin doon ni Keith at hindi pisikal na pangangailangan lamang. Pero paano nila pakikitunguhan ang isa’t isa pagkatapos ng nangyari sa kanila? Kung sana ay nagisnan niya ito para nakapag-usap agad sila pero umalis si Keith na marahil ay naiilang din sa nangy

