IPINARADA ni Jeg ang sasakyan niya malapit sa construction site na pinamamahalaan ni Keith. Magdamag siyang hindi nakatulog kagabi kaya alam niya na hindi bumalik sa kuwarto nila si Keith. Marahil ay sa kabilang silid ito natulog at labis na nasaktan siya roon. Bumalik lang ito sa silid nila para maligo at umalis uli ito para pumasok sa opisina. Pinag-isipan niya ang lahat at nakabuo na siya ng pasya. Kailangan na nilang mag-usap ni Keith at linawin kung ano talaga ang nangyayari sa pagitan nila. She would ask him if he still loved that girl he was talking about. Kapag mahal pa nito ang babaeng iyon ay palalayain na niya ito. Masakit man, sa tingin niya ay iyon ang pinakamabuting gawin. She will set him free bago pa tuluyang mawala maging ang pagkakaibigan na mayroon sila. Pagkatapos niyo

