“ANO `YON, Keith?” tanong ni Jeg nang makarinig ng mga komosyon habang tinutungo nila ang parking lot. Sa tingin niya ay galing ang ingay sa kabilang subdivision. “Demolition diyan sa kabilang kanto. Kahapon pa sana `yan pero nagmamatigas ang mga illegal settler. Ngayon na siguro itinuloy.” “Oh,” aniya. Bahagya siyang napapitlag nang makarinig siya ng mga putok ng baril. “N-nagkakagulo na yata, Keith…” Hinapit siya nito. “Hep, huwag kang mag-panic. Baka magulat din si baby,” sabi nito bago binilisan ang paglalakad patungo sa sasakyan. Agad nilang narating iyon. Binubuksan na ni Keith ang kotse nito nang bigla itong matigilan. His eyes grew wide in horror as he put his hand on his chest. Sumandal si Keith sa kotse nito. “Keith, ano’ng nangyayari? May masakit ba sa— God!” Nangilabot si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


