Venus Thane's Pov "Sino 'yon?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang nagsalita si Ariz. Literally and figuratively, he's always giving me a heart attack. Humarap ako nang maayos sa kaniya pagkatapos kong maipatong ang cellphone ko sa may side table. His eyes trailed me before he bore it to me with a questioning look. "Si Eres, pumunta raw kasi sa condo ko sa New York iyong isa 'kong classmate," I said in a monotone. Nanatili itong nakatingin sa 'kin ng ilang segundo bago s'ya tumango na para bang kumbinsido na s'ya sa sinasabi ko. I wasn't even trying to convince him though, but it sounds like I was. Nang makita ko siyang dumiretso sa may walk-in closet ay saka ko pa lamang natanto kung nasaang kwarto ako. I'm here in his room. Hindi ko naman talaga si

