Venus Thane's Pov "Sinong kausap mo?" Nakangising nilingon ako ni Luna saka n'ya ipinakita sa 'kin ang cellphone ng Papa n'ya kung saan ka-video call n'ya si Perseus. "Kuya, mamaya na lang po ulit," she mumbled in her usual soft and monotonic voice. Kumaway s'ya sa tapat ng screen ng cellphone at nag-flying kiss pa bago n'ya tuluyang iniwan 'yon sa ibabaw ng kama saka s'ya bumaba para lumapit sa 'kin. I spread my arms and carry her quickly after she tugged the hem of my tee. Her usual way of saying that she wants me to carry her. "Mama, si Papa wala pa?" Nakangusong tanong nito sa 'kin habang pababa kami ng hagdan. Sakto sa pagbaba namin ay bumukas ang pinto ng condo at iniluwa no'n si Ariz bitbit ang isang paper bag sa kaniyang kanang kamay. Mabilis na umalis sa 'kin

