Venus Thane's Pov
Next time. Babalik ako sa tiangge na 'to at sisiguraduhin ko na ako lang mag-isa o hindi naman kaya ay mayroon akong ibang kasama bukod kay Icarus.
Ang daming magagandang damit at ibang pang handy crafts na gustong-gusto kong bilhin kaya lang ay hindi ko magawa sa takot na baka s'ya na naman ang magbayad non.
"May bibilhin ka pa ba?" Tanong n'ya sa 'kin may isang oras na rin siguro kaming nag-iikot-ikot sa tiangge na 'to simula nang mabili ko 'yong bag na yari sa rattan.
Napatingin ako sa katya na lalagyan ng bag bago ako sumulyap sa kaniya at umiling.
"This is fine, wala naman na 'kong iba pang kailangan. Sigurado ako na pag-uwi nina Mama galing sa business trip nila ay may mga pasalubong rin sila sa 'kin, not to mention that Kuya Ranus is coming home as well." I muttered.
Tumango s'ya sa 'kin at nauna na 'kong naglakad sa kaniya pabalik ng SUV.
"Are we going home?" Tanong ko sa kaniya habang ikinakabit ang seatbelt sa 'king katawan.
He started the engine and it roared to life before he shifted his eyes on me. Ang isa n'yang kamay ay nasa manibela na habang ang isa naman ay nakahawak sa gearstick.
I stare at my wrist watch and saw that it's just 2 in the afternoon. P'wede pa kaming pumunta sa kung saan bago umuwi.
"Hindi ka pa ba pagod?" Seryoso ang ekspresyon sa mukhang tanong n'ya sa 'kin. He maneuver the car and drive away from the tiangge.
Medyo masakit na nga ang binti at paa ko dahil sa pag-ikot namin kanina sa tiangge pero ayos lang, gusto ko pang mamasyal.
"Hindi pa." Umiling rin ako sa kaniya.
"Okay." Maikli at kaswal na tugon n'ya sa 'kin at hindi na 'ko kinibo, busog na busog ang mga mata ko sa magagandang tanawing nakikita ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa kung saan.
I stare at him with my mouth open as I realized that I do not know where we are going.
Napahawak ako sa 'king seatbelt nang matagtag ako sa 'king kinauupuan dala ng lubak at maputik na kalsada.
Ilang beses pa 'yon na may nadaanan kaming lubak ngunit hindi non napawi ang ngiti sa 'king labi pakiramdam ko nga'y nasa roller coaster rides lang kami.
"Tamaraw falls." Basa ko sa mga salitang nakasulat sa arko. Huminto ang sasakyan ilang hakbang ang layo mula sa mismong arko.
"Nasaan tayo?" Maagap kong tanong sa kaniya nang makababa na kaming dalawa sa sasakyan ngumiti s'ya sa 'kin at naglahad ng kamay.
"Welcome to Tamaraw Falls, ang pinaka-magandang talon sa Santiago." Nakangiti n'yang sinabi sa 'kin. Hindi ko pa makita 'yong mismong talon pero naririnig ko na ang ingay na dulot no'n.
Nakahawak ako sa kaniyang kamay at nakaalalay s'ya sa 'kin habang naglalakad kami sa paakyat na bahagi ng Tamaraw kung saan makikita ang talon.
"Oh My Gosh!" I squeeled and giggled as I get to see the falls, finally. Ang tubig na bumabagsak mula sa talon ay dumidiretso sa parang batis.
Its turquoise like water made it different from all the falls that I have seen before. Nakita ko na ang Niagra falls at masasabi ko na may ibubuga rin talaga ang Tamaraw Falls.
This is one of the many treasure that Santiago has to offer.
"Doon tayo." Aniya habang nakaturo sa isang malaking bato. Awtomatik akong humawak sa kaniyang kamay habang tinatahak ang batuhan papunta sa mismong malaking bato na itinuturo n'ya kanina.
"Ang ganda-ganda." Bulong ko sa 'king sarili habang nakatayo sa malaking bato, nakaalalay lang s'ya sa 'kin at nang maupo ako'y saka pa lang rin s'ya naupo sa tabi ko ng may ilang dangkal ang layo sa 'kin.
"Marami ka na sigurong dinalang babae dito." Wala sa sariling sinabi ko sa kaniya pagkatapos kong hubarin ang sneakers na suot ko.
Hawak ang sapatos ay may tipid na ngiti sa labing dinawdaw ko sa tubig ng batis ang aking paa. Sinangkal ko rin ang magkabila kong braso sa batong kinauupuan naming dalawa saka ako sumulyap sa kaniya, para iparating na hinihintay ko s'yang sumagot.
He shook his head. Ginaya n'ya rin ang ginawa kong pagdadaw ng aking paa sa malamig na tubig ng batis.
"Si Celine lang." That small smile on my lips fade as soon as I heard her name. S'yempre si Celine, sigurado ako na hindi lang isang beses n'yang dinala si Celine dito.
"Gusto mo ba s-si Celine?" Nawala ang tipid na ngiting suot n'ya dahil sa tinanong ko. Sandali kaming nabalot ng katahimikan na dalawang ikinapikit ko.
Hindi ko dapat 'yon tinanong.
I looked away and pretended to play with the stream.
"Everyone likes her." He said as a matter of fact, well I can see that. Maging si Manang at ibang mga kasambahay sa mansyon ay gustong-gusto s'ya.
She's pretty and cheerful. Mabait rin s'ya, who wouldn't like her?
No one.
"You like her as a woman." It wasn't a question but more of a statement from me. Nang sinubukan ko s'yang lingonin ay nakita ko ang seryosong tingin na ipinupukol n'ya sa 'kin.
"Why'd you ask?" Untag n'ya, seryoso ang boses. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa lamig ng tinig na ginamit n'ya sa 'kin.
Nagkibit balikat lang ako at ibinalik ang mata ko sa 'king paa na patuloy pa ring nakikipaglaro sa malamig na tubig ng batis.
"Curious lang. Everyone claims that soon enough you two will be lovers." I murmured and gulped as I glanced at him and see no changes on his facial expression.
"I don't date my friends. You can never be friend with someone again after you dated them and break. Sayang 'yong friendship." Napako ang mga mata ko sa kaniya dahil sa sinabi nito.
Hindi ko alam kung naamaze ba 'ko sa sinabi n'ya o sadyang nagulantang lang talaga ako.
Kung ako kasi, mas pipiliin kong idate 'yong kaibigan ko kasi kilala ko na 'yon, but Icarus has his point anyway.
"So you don't plan on dating her?" Segundang tanong ko. Narinig ko s'yang bumuntong hininga.
Now I wanna hit myself for being so nosy, but I couldn't help it. I am curious.
"Atleast not now." May pinalidad na sinabi n'ya. I get it, he don't wanna date Celine, but he's not closing his door. Chances that they might date each other eventually is still up.
Ngumiti lang ako sa kaniya saka ipinatong 'yong sapatos at cellphone ko maging ang wrist watch na suot ko sa malapad na batong kinauupuan naming dalawa.
Hindi na maipinta ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang pinanunuod n'ya ko sa ginagawa ko.
"Anong gagawin mo?" Pagsasalita n'ya sa tanong na sa palagay ko'y kanina pa bumabagabag sa kaniya.
"Maliligo, minsan lang ako makapunta sa gan'tong lugar. Might as well make the most of it." Saad ko saka maingat na bumaba mula sa bato at nilublob ang katawan ko sa batis.
The coldness of the stream's water that lap my body made me shiver. Napayakap ako sa 'king balikat at inabot rin ng ilang minuto bago nasanay ang katawan ko sa lamig ng tubig.
Hanggang dibdibd ko ang lalim ng tubig kaya naman nagagawa kong lumangoy. Marahan kong pinunasan ang aking mukha gamit lang ang aking palad nang iniahon ko ang aking ulo mula sa ginawa kong pagsisid.
The moment I open my eyes, our eyes locked in he was staring at me intently like I'd vanish if he ever look away.
"Hindi ka ba maliligo? Malamig 'yong tubig!" Sigaw ko sa kaniya habang humahakbang paatras.
"H'wag kang lumayo mas'yado, malalim na r'yang malapit sa pinagbabagsakan ng tubig ng talon." Seryoso n'yang sinabi.
Bago pa man ako makatango sa paala n'ya ay naramdaman ko ang biglang paglubog ng aking paa, mula sa 'king dibdib ay umabot kaagad sa 'king ilong 'yong taas ng tubig.
Though I can swim, I became panicky. Imbes na lumangoy pabalik sa mababaw na parte ng batis ay mas napunta pa 'ko sa malalim na parte at lumubog pa 'ko.
Idea and thoughts that I'll die here today consumed me and undescribable fear took over me because of that.
Kinakapos na 'ko nang hininga at marami na rin akong tubig na inom bago ko maramdaman ang pagpulupot ng matipunong braso sa 'king bewang na mabilis akong inilangoy sa mababaw na parte ng batis.
He scope me from the water. Tears cascaded on my cheeks as I held on his nape. Hindi ko maipaliwanag ang takot at kabang nararamdaman ko dulot nang kamuntikan ko nang pagkalunod.
Kahit na naiupo n'ya na 'ko sa malaking bato kung nasaan kami kanina ay hindi ko pa rin magawang bumitaw sa kaniya at mahigpit lang akong nakahawak sa batok n'ya habang iniiyak ang lahat ng takot na nararamdaman ko.
"I was scared, I thought I'm gonna die t-there." Mariin akong pumikit at pinigil ang mga luhang gusto pang kumawala sa 'king mata.
"Shh ayos na, you're safe. Nandito lang ako." Alo n'ya sa 'kin. He maintained the distance on our face as he wipe my tears off my cheek with his thumb.
"I should have just join you there." May pagtitimpi sa boses na sinabi n'ya sa 'kin. Hindi na 'ko umimik pa't sa halip ay pinunasan na lang ulit ang sarili kong luha na pumatak sa 'king pisnge.
"I wanna go home, iuuwi mo na 'ko." Sabi ko sa kaniya saka sinuot muli 'yong sapatos ko at relo bago ako maingat at nauna nang naglakad sa kaniya paalis.
No one wants to break the silence between us the whole rides. Hanggang sa makauwi kaming ay pareho lang kaming tahimik.
"H'wag mo nang sabihin kay Papa 'yong nangyari please? Hindi na kasi nila ako papayagang umalis ng mansyon kapag nalaman nila ni Mama na muntik na 'kong malunod kanina." Paki-usap ko sa kaniya habang inaalis ang seatbelt ko.
May pag-aalinlangan sa kaniyang mata na tumingin s'ya sa 'kin.
"Please." I plead. I managed to flashed a small smile as soon as he nod. Bumaba na s'ya ng SUV ngunit bago pa man s'ya makalapit ng pinto'y nakalabas na rin ako ng sasakyan.
S'ya na lamang ang nagsara no'n para sa 'kin.
"Basang-basa kayong dalawa!" Napangiwi na lamang ako nang marinig ang medyo histerikal na boses ni Manang na sumalubong sa 'min ni Ariz.
"Ikuha n'yo ng towel ang Señorita n'yo." Mabilis na utos ni Manang sa isang katulong na sumunod rin kaagad sa kaniya.
"Saan ba kayo galing ha?" She directed her eyes on Icarus whose scratching his nape.
"Naligo po kami sa Tamaraw Falls, Manang. Pinilit ko lang si Ariz, I just wanna experience bathing on stream that's why." Agap ko na sinang-ayunan na lang ni Icarus sa pamamagitan ng kaniyang pagngiti.
May pekeng ngiting bumaling ako kay Manang saka tinanggap ang towel na iniabot sa 'kin ng katulong at mabilis na iniyakap 'yon sa 'king sarili.
"O s'ya, maligo at magbihis ka na. Maghahanda na 'ko ng hapunan." Usal ni Manang na halos magkasabay lang namin na tinanguan ni Ariz.
"Salamat." Maikling sambit ko kay Ariz saka s'ya nginitian. I walk towards our grand staircase and gaze back at him after I reached the second floor only to saw Celine handling him a towel—she weren't just hadling him a towel, s'ya pa mismo ang nagpupunas kay Ariz bago n'ya 'yon ibinalot sa katawan ni Ariz.
With a bitter smile I looked away. Nagdire-diretso ako papunta sa 'king towel at hindi na nagawa pang ngumiti ulit habang paulit-ulit kong inaalaa 'yong nakita ko sa baba kanina.
Hindi ko alam kung ba't ako mas'yadong affected sa closeness nila. I am making a big deal out of it like I am jealous.
Gano'n rin naman kami ni Kuya Ranus dati, hindi dapat questionable 'yong closeness namin kas matagal na kaming magkasama ni Kuya Ranus pero pilit 'yong kinukwestyon ng mga babaeng may gusto sa kaniya dahil lang sa nagseselos sila sa atensyon at affection na ibinibigay sa 'kin ni Kuya.
Could it be that I am jealous of Celine? Pero ba't naman ako magseselos sa kaniya?